Chapter 35

225 3 0
                                    

"Oh? Nasaan asawa mo?" Nanunuksong saad ni Ash. Nauna na akong pumunta sa kanila dahil ayaw ko ng balikan pa si Liam sa lobby na kausap pa rin sina Fran.

"Talking to Fran. And he's not my husband." Saad ko. Natatawa naman sila sa akin.

"Uyy, dokie. Asawa mo pa rin siya. Hindi pa kayo annulled, remember?" Saad naman ni Evan. Loko talaga to oh.

Napailing na lang ako dahil sa kaingayan nila. Liam is still not in here. Siguro ay may pinag-uusapan pa rin sila.

I remembered what I heard a while ago. So Maureen and him? They're together pala. God. I should have known para di na ako magdidikit sa kanya. Not that I did it intentionally. Siya naman ang lumapit sa akin kanina.

"Alam mo Dok, hindi sa nakikialam ha pero para lang kayong mag-asawa ni Attorney na nag-LQ!" Natatawang saad ni Drake na sinang-ayunan naman ni Shun.

"You're both wearing your wedding rings, it means that you're still tied. You're still married to each other, just acting like you're not." Malamig na saad ni Vince.

"Moral protocols, work ethics. If you're married, act like one, do not entertain others and wear you wedding rings. I don't want to have problems just because I don't wear my ring. I've been reprimanded countless of times in NY. Nakakapagod mag-explain." Humagalpak ng tawa ang mga kaharap ko.

"Ay pak! Pareho talaga sila ng sagot." Natatawa pa ring saad ni Yohan.

Wala pa rin si Liam. Marami siguro ang tanong ni Fran sa kanya.

After eating, the girls decided to have a photoshoot at the beach. Ayaw ko sanang makisali pero hinila na nila ako. May dala silang DSLR para maganda ang kuha kahit gabi na. Nagtulakan pa ang mga lalaki kung sino ang kukuha, walang may gusto. Natatawa ako ng si Vince ang natalo sa pagtutulakan nila.

"Hindi nga ako marunong." Angil pa nito, hawak ang DSLR.

"Babe, you're a good photographer. Ikaw pa nga may kuha ng pinost ko sa IG diba." Panunukso ni Tiffany. Nagmura si Vince at natawa na kaming lahat.

We pose several poses there hanggang sa maisipan na naming maligo na lang talaga. Hindi pa sana ako maliligo pero hindi pa nga ako nakakalayo sa tubig ay nabasa na ako. Sinabuyan ako nina Ash.

"Pare, kain ka- Maureen!" Napabaling kaming lahat na naliligo dahil sa binati ni Brent.

"That bitch. Mas malala kaysa kay Tatty." Yohan murmured.

"Hi guys!" Masiglang bati nito. Naupo siya sa inupuan ko kanina kaya't ipanatong niya ang mga gamit ko sa isa pang upuan.

Napabaling ang mga lalaki sa amin. Especially, sa akin.

"She's always stalking Liam. Kung hindi lang congressman ang ama at hindi kliyente ni Liam, tiyak iniwasan na 'yan. Nakakainis." Tiffany said.

Realization hit me while I listened to their rants. Damn, history repeats itself again.

"Dokie! Tawag!" Saad ni Brent na gawak ang phone ko. I walk hesitantly towards the group at sumunod naman ang mga babae sa akin.

"Hi girls!" Kumaway sa kanila si Maureen.

"And you are?" Nakangiti nitong saad.

Sasagutin ko pa sana siya ngunit nagring na naman ang phone ko. It's from the hospital.

"Excuse me, I'll just take this one." Itinaas ko ang phone ko para makita nilang may tumatawag.

"Doc, sorry for disturbing you pero the Hospital Director wants to inform you that there will be some NYU Hospital staffs that will visit the next day. Gusto sana ng Director na nandito ka since you already know some of them. Ieextend na lang daw po ang leave niyo ng two days, since magduduty daw pa kayo bukas at sa susunod na araw." Kung ordinaryong araw siguro ito tapos may tatawag na ganito ay magagalit ako pero parang blessing in disguise ang pagdating ng mga taga NYU Hospital.

"No problem. I'll be there." Ibinaba ko na agad ang tawag at si Kuya Rodel naman ang tinawagan. I know he is here in our resthouse in Tagaytay. May pinapaayos sila mommy dito at siya ang inutusang mamahala.

Pumayag naman agad ito na kunin ako ngayon dahil kung bukas pa ay matatagalan ako sa biyahi at traffic na. Mas mabuting gabi bumiyahi.

"Ano 'yon?" Tanong ni Ash ng makabalik ako sa grupo.

"Sorry guys. I really have to go back to Makati. Call of duty." Kinuha ko na agad ang mga gamit ko sa likod ni Liam. I even saw how he looked at me intently.

"Ano ba naman 'yan. Nag leave ka ah!" Inis na saad nina Yohan.

"NYU hospital officials will visit." Maikli kong saad.

Nagmamaktol na sumunod sa akin ang mga babae. Susunod pa sana ang mga lalaki ngunit pinagstay ko na lang. It will be an insult to Maureen if they did. I walked inside the lobby with just bikinis on. Normal lang naman ito dito pero nagsisi ako ng bigla na naman kaming harangan nina Fran.

"Ash, Therese! Pictures darling!" Kami lang amg kilala nito dahil hindi naman linked sa showbiz ang mga kasama namin.

Nagmadali na agad akong magbanlaw, magbihis, at mag-ayos ng gamit ng nagtext si Kuya Rodel na nasa baba na siya. Nasa kwarto na din ang mga babae matapos nilang magbihis sa kanikanilang kwarto.

"I really hate this Reese. Pwede naman sigurong sa susunod na araw ka na lang umuwi. Total sa susunod na araw pa naman darating ang mga taga NY!" Inis na saad ni Ash.

"As much as I wanted to but I really need to go now. Nasa baba na rin si Kuya Rodel so no problem." Inihatid naman ako nina Ash sa baba. Hindi na sana ako magpapaalam pa sa mga lalaki ngunit ang rude naman yata kong aalis na lang ako ng biglaan.

I saw how Maureen lean on Liam's shoulder while the boys are drinking beer. Daladala ko na ang bag na naglalaman ng mga damit ko at isa pang bag ko. I almost forgot to give Liam the keycard. Buti na lang at nakapa ko ito sa bulsa ng suot kong shorts. I'm wearing Brent's hoodie na pinahiram sa akin ni Ash dahil puro nga sexy ang dala nilang damit para sa akin.

"Alis na ako guys. Sorry talaga." Hingi ko ng paumanhin. Nakatalikod sa akin sina Liam at Maureen.

"Hatid ka na namin sa sasakyan Reese." Seryosong saad ni Brent at tumayo na.

"No, kaya ko na." I gestured to the girls na umupo na rin sila.

"Ihahatid ka lang namin ni Ash. Girls, manatili na lang kayo dito." Tumayo ng tuluyan si Brent.

"Si Ash na lang Brent, nasa tapat lang naman si kuya Rodel." Itinuro ko ang sasakyan namin na nakapark.

"I insist Reese. Someone's being an asshole again." Madiin nitong saad na sinaway naman ni Ash.

History fucking repeats itself again. Ayaw ko nang mag-away pa ulit ang dalawa kaya't from now on, iiwas na talaga ako.

It Started Without LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ