Chapter 21

201 4 0
                                    

“Uy Reese, finals na next week. Bar tayooo!” Tili ni Yohan ng matapos kaming magligpit ng ginamit namin sa outreach program namin for the finals. Nagkaroon kami ng simpleng feeding program and a small talk for health concers.

“Uy may sinusundo na.” narinig ko pa ang mga hagikhikan sa likod namin pero di ko pinansin dahil wala naman akong inaasahang susundo sa akin.

“Are you done?” nabigla ako ng mukha ni Liam ang bumungad sa akin pagtayo ko galing sa pagkuha ng isang box sa ilalim na lamesa.

“What are you doing here?” pinalibot ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko at sa mga taong tagarito sa barangay na binisita namin. Halos lahat ay nakatingin na sa kanya.

“Good afternoon to, hon.” He kissed me gently. Parang smack lang nangyari pero namula talaga ako ng todo dahil sa dami ng nakatingin sa amin.

“Huwag kayong magPDA dito please. Respeto sa mga walang sumusundo.” Natawa ang mga nakarinig sa sinabi ni Yohan.

“Uy Liam, sama namin si Reese mamaya ha.” Bakas sa tono ni Tiffany ang walang kaganahan sa pakikipag-usap kay Liam. Sa kanilang dalawa ni Yohan, si Tiffany ang nagtatanim talaga ng galit or ‘yong hindi marunong magconceal ng nafefeel niya. Kung ayaw niya sayo, hindi niya pipilitin ang sarili niya pakisamahan ka.

“Sasama ka?” instead of answering to Tiffany, sa akin na bumaling si Liam dahil tinalikuran na siya nito at umalis na.

“Yes. Sasamahan ko lang sila.” Maikli kong sagot. Kahit naman ako, for the past months na naging sweet si Liam sa akin, hindi pa rin mawala sa isip ko na nakikibagay lang siya dahil pinagsabihan siya ng parents niya.
Laila talked to me na pinagalitan daw si Liam dahil sa ginawa nito. He’s been warned na kapag hindi naayos ang samahan namin, hindi na siya susuportahan ng mga ito for the remaining years of his law studies.
Dahil doon, parang hindi na mawala sa isipan ko ang pagdududa. I know he’s still checking Tatiana. Hindi man niya sinasabi sa akin pero naririnig ko siya minsan na may kausap sa balcony ng kwarto namin at kapag naririnig ko ‘yo, hindi na lang ako pumapasok sa loob.

“What time?” now, he is serious again. Minsan talaga naiisip ko kung ano ang totoo niyang ugali.

“Reese, gusto daw magpapicture ng mga tao doon oh. They’re requesting for you.” Tinawag ako ng class president namin. Nakita ko naman ang kumpulan ng mga barangay officials at ng ibang residente.

“Pictures?” nakakunot ang noo ni Liam habang nakatingin na sa kumpol ng mga tao na naghihintay sa amin.
Hindi ko na siya sinagot at naglakad na ako palapit sa mga nagrerequest sa akin.

“Doctora.” Tawag sa akin ng isang ginang. Napangiti ako. I’ve been telling them na hindi pa ako doctor, nurse lang ako na nag-aaral ng medicine pero hindi nila ako pinapakinggan. Ako ang nagdeliver ng small talk kanina kaya’t ako ang nakikilala nila.

“Hindi pa po ako doctor nay.” Natatawa kong saad. Nagsilapitan pa ang ibang mga tao sa akin.

“Pasasaan pa at magiging doctor ka na rin Doc Reese.” Ani ng isang ginang.

“Nobyo niyo po ba iyon Doc?” hindi ko na lang sila sinuway sa paraan ng kanilang pagtawag sa akin. Nag-aalinlangan akong sagutin ang tanong nila, napalingon na din ako sa gawi ng kanilang tinitingnan, kung nasaan si Liam.

Nakaupo lang ito sa harap ng isang long table na may mga boxes sa ibabawa. Busy ito sa sa phone niya. Ngunit naramdaman niya yata na may mga nakatingin sa kanya kaya nag-angat na ito ng tingin at nakita kami.

“Pakilala mo naman sa amin Doc. Doctor din po ba?” napabaling ulit ako kay Liam, hindi ko gusto na lumapit siya pero tumayo na ito at naglakad palapit sa amin. Wala na akong choice kundi ipakilala siya.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now