Chapter 32

227 4 2
                                    

“Reese, enjoy your one week leave please.” Naiirita na talaga ako kay Ash. Umagang-umaga at nambubulabog na.

“Mama Reese, Mama Reese! Open the door! Mama Reese!” napilitan akong bumangon ng si Akilah na ang narinig ko.

“Really Ash?” napairap ako ng humagalpak siya ng tawa.

“Tara na kasi sa baba!” she eyed me from head to toe. I’m wearing a dolphin shorts and an oversized shirt.

“Waw, ganda naman ng bagong gising." Napatuon ang mata ko sa mga taong nasa living room.

Nakikipagkulitan ako kay Akilah kaya’t hindi ko agad nakita na may mga nakaupo pala sa living room namin na kitang-kita ang hagdan.

“Fuck you, Ashleah.” Natawa si Ash ng marinig niyang murahin ko siya. Hindi na ito narinig ni Akilah dahil ibinaba ko na siya.

“Well, confident ka kasi. Okay lang yan, decent naman ang suot mo eh. Pero ‘wag kang magtataka kong may magkandasamid-samid mamaya sa pagkain ha. Nandiyan asawa mo.” Napabaling naman ako sa kusina ng marinig ang pagmumura ni Brent.

Why is cursing our newest hobby these days?

Nakitaan ko naman ng kasiyahan ang mga nasa living room na sina Yohan at Tiffany. Really? Kaya mas gusto ko talagang kasama sina Sally eh kasi hindi nila ako pinapahamak ng ganito.

“Hey ladies, uyy good morning dokie. Breakfast?” nakangising saad ni Brent. Napairap ako ng siniko niya pa si Neil at Vince na nakasunod sa kanya.

“No thanks. I’ll just go take a bath.” Tatalikod na sana ako ngunit agad yumakap sa binti ko si Akilah.

“Eat, mama. Eat.” Nagpapaawa pa ito na nangunyapit sa akin.

“Oh, bibigay na ‘yan. Akilah’s power.” Napairap sa ako sa tawa ni Ash.

“Bilisan niyo na at nag-aalburuto na ang cook natin. Alam niyo naman ‘yon, nagluto lang dahil alam niyang kakain si dokie. Oopps, sorry bro! Nasabi ko!” natawa naman silang lahat.

Sumunod na agad ako sa kanila sa dining kasama si Akilah at kung pagsamasamahin nga naman ang lahat ng demonyo kong mga kaibigan, sa tabi lang ni Liam ang linagyan ng bakanteng upuan.

“Upo ka na dokie. Aalis pa tayo eh.” Kinunutan ko si Ash ng noo. Aalis? Well, I’m not informed.

“I already decided to have a staycation Ashleah. Pwede mong iwan sa akin si Akilah. Enjoy kayo.” Matabang kong saad.

“Alam mo Reese, nakakaimbyerna ka na. Ngayon ka na nga lang nagleave, hindi mo pa susulitin.” Inis na saad ni Yohan.

“I applied for this leave para makapagpahinga ako.” nakita kong akmang lalagyan sana ni Liam ng pagkain ang pinggan ko ngunit itinabi ko ito sa gilid at nilagay ang pagkain ni Akilah na nasa isang bowl sa harap ko. Nakita ko din ang pagsunod ng mga mata nila sa ginagawa namin.

“Hindi ka kakain?” tanong ni Ash.

“Hindi. I’ll just feed Akilah and if you want to leave her here, you can.” Pinakain ko na agad ang bata.

“Eat.” Napabaling silang lahat sa amin ng kunin ni Liam ang bowl na kinainan ni Akilah dahil wala nang laman at palitan ito ng pinggan na may mga pagkain.

“I’m not hungry.” Tumayo na agad ako at isinama si Akilah sa kwarto. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa sa kanila. I let Akilah play with my phone while I took a shower. Hindi naman ako matagal magshower kaya’t di ako natatakot na iwan ang bata sa kama ng mag-isa. Hindi ko din naman nilock ang pinto at alam kong susundan ako ni Ash dito.

“You’re rude.” I fight the urge to roll my eyes at her.

“I’m not hungry, why would I eat?” she throw a pillow at me.

“You know what, I hate him to bits and you know that. But Reese, hindi na ba talaga pwede? Give him a chance. He asked forgiveness from us. Matagal niya rin kaming sinuyo lalo na sina tita but then we accepted him. Alam mo, gusto ka niyang sundan. God, Margaux is not his child!” napabaling ako sa kanya ng sabihin niya ito.

“What?” maang kong tanong. Hindi niya anak ang anak ni Tatiana?

“You two should talk.” napailing ako.

"And you're going with us!" Napabaling ako kay Yohan na kakapasok lang. Nakasunod naman si Tiffany at nagderederetso sila sa loob ng closet ko.

"Bitch. 'Wag kayong makialam diyan! Alis nga! Hindi ako sasama." Si Akilah ay palipat-lipat lang ang tingin sa amin dahil panay ang lagay nila ng gamit sa isang bag ko at ako naman ay panay ang balik nito sa closet ko.

"Akilah baby, diba you want to go to the beach. Ask mama Reese to come with us please." Naglalambing na saad ni Ash.

"Baby, we'll be staying here right? Mama Reese and you will be going to the mall to buy toys right?" Nakitaan ko ng pagkalito ang bata.

"Mama Reese, beach?" Napabuntong hininga ako ng sabihin niya ito. I know she loves beach so much.

"Then you should go with your mommy. Mama Reese will just stay here." Nagtatampo kong saad.

Tumayo bigla si Ash at lumabas ng kwarto.

"Boys, I need your help here." Dinig kong saad niya.

"Yes baby?" Kasunod niya na sa pagpasok sina Brent, Evan at Neil.

"Oh my God, don't you dare!" Natatawa na sila palapit sa akin.

"Oo na! Sasama na ako! My God! This is kidnapping!" Natatawa na sila habang palapit pa din sa akin.

"Kasohan mo na lang kami kung ganoon. You have your attorney, anyways." Nakangising saad ni Neil.

"We're done packing!" Masiglang saad nina Yohan at Tiffany.

"Tara na. Kayo na bahala diyan." Kinuha ni Ash si Akilah na dala-dala ang phone ko.

Dala naman nina Yohan at Tiffany ang bag na may lamang mga damit at isa pang bag na laman ang mga importante kong gamit. While the guys are grinning from ear to ear.

Hinawakan agad ako ni Brent at Neil sa magkabilang braso at hinila palabas. Si Evan naman ang nagsarado ng pinto ko. Iisang van lang ang nakahanda paglabas namin.

"Dito ka! Oh, sayo na 'tong anak ko." Inilagay ni Ash si Akilah sa kandungan ko. Nabigla ako ng nagtulakan pa sila kung sino ang uupo sa tabi ko. Si Liam ay panay ang tanggi pero naitulak na siya ng mga lalaki.

"Ang sweet, parang isang pamilya talaga ah." Bulong bulong ni Yohan ngunit dinig ko naman.

"Sana mag-usap na para matapos na." Saad naman ni Tiffany.

Naging tahimik naman na ang biyahe namin. It's almost 9 when we decided to have a stop over dahil hindi pa ako nakakakain. Ayaw ko naman sana ngunit nagpumilit sila.

"What do you want? Just sit there and I'll order our food." Nakapila kami sa isang Thrill and Restobar na nadaanan namin. Maganda ang ambiance ng lugar. Parang nasa probinsya ka talaga.

"Ako na." Liningon niya ako at tinitigan ng matagal.

"I insist." Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil natatagalan sila dahil sa amin.

Inirapan ko na lang siya at pinabayaang umorder. Hindi ko na siya sinabihan kung anong gusto ko.

Mapanuksong mga tingin ang iginawad ng mga kaibigan namin ng makitang nakaupo na ako at naghihintay na lang sa kanila. Hindi na talaga napigilan ang mga iritan at tawanan nila ng maglapag na si Liam ng pagkain sa harapan ko. Akilah is just looking at us. Parang naguguluhan dahil sa kaingayan ng mga kasama namin.

Napairap na lang ako sa mga ito at nagsimula ng kumain.

Kahit wala na akong gana, pinilit ko. I don't know but there's a part of me who wanted this to last. But there's also a part of me na gustong panatilihin ang distansya namin sa isa't isa.

I don't want to hold on to the things that are not sure. Masakit na. Last time I gave in, I got broken.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now