Chapter 40

245 7 2
                                    

I scan the whole room when we entered. It's obviously a room for honeymooners. There is only a loveseat and a small center table at the corner of the room. May isang king size bed.

There are three more doors inside. One leading to the walk-in closet, one for the bathroom and one for the balcony.

"What do you want to do first?" He asked, nakaupo na siya sa loveseat sa sulok.

"Kakain na muna ako. Can I just order for a room service?" Kinuha ko ang duffel bag na nasa kama at hinalungkat ito. Gusto kong maligo muli at matulog kahit konti lang.

"Yes sure. What do you want? Ako na ang tatawag. Maligo ka na lang muna." Pumasok siya sa walk-in closet at kumuha ng towel doon. Iniabot niya ito sa akin.

"Anything." Umalis na agad ako sa harapan niya at pumasok sa bathroom.

Mabilisang pagligo lang ang ginawa ko dahil nakaligo naman na ako kanina. I just really want to freshen up a bit bago matulog.

Nang matapos ako ay doon ko pa naalalang wala akong dalang damit sa loob ng banyo. Ang puting towel lang na ibinigay niya sa akin ang dala ko.

"Liam!" I called him.

"What?" Naririnig ko ang pagbukas niya ng pinto, marahil ay ang mga pagkain ito.

Nang marinig kong isinarado niya na, tsaka pa ako nagsalitang muli.

"Wala na bang ibang tao diyan?" I asked hesitantly.

"None. Why?"

"I'm just wearing a towel, hindi ako nakapagdala ng damit!" Hindi ko alam ba't tumataas boses ko. Ang alam ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Is it okay for you to go out with just that or you want me to hand you your clothes?" He asked. Nagdadalawang-isip pa ako pero mas nakakahiya kung siya ang pagkuhanin ko ng damit ko.

"No, ako na! I can handle." I opened the door and saw him sitting on the edge of the bed. He eyed my whole body and then looked away. I smiled because of that. Being a gentleman huh.

"You can use my shirt if you want." He offered. I checked my clothes first, wala akong dalang oversized shirts kasi hindi naman ito bahay pero why not use his, right?

Kumuha ako ng isang tshirt sa mga gamit niya at sinuot ko ito.

"I'll use this one." Saad ko ng makalabas na sa walk-in closet. Napatingin naman siya sa akin at tumango lang.

"Kumain ka na ba?" Parang ang tahimik yata nito ngayon. Very different from the annoying attorney who always got lost in my office in the hospital.

Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalaro sa celphone niya. Kinuha ko ang plato na nakalagay sa tray sa side table. I sat in the side of the bed. Nasa likod ko siya, nakasandal sa headboard at busy sa paglalaro. Nilingon ko siya at hindi pa rin ako kumakain. Napansin niya ang paninitig ko kaya't sinulyapan niya ako.

"Kakain na." Saad ko.

"You can eat now." Busy talaga siya sa nilalaro niya na kahit pagsulyap sa akin ay hindi na magawa.

Kumuha ako ng isang fish fillet at itinapat sa bibig niya. Umiwas siya dahil natatabunan ng kamay ko ang cellphone niya.

"Liam." Malamig kong utas. I hate myself for acting like this.

I heard him muttered soft curses, parang naiinis siya sa linalaro niya pero di niya kayang magmura ng malakas.

Hindi niya talaga ako pinapansin kaya't sa inis ko ay hinablot ko ang phone niya.

"Fuck. Akin na Reese." Mahinahong saad niya ngunit ramdam ko ang inis niya.

"I told you let's eat." Malamig kong turan.

"Just eat-" I glare at him.

"Kakain tayo o hindi ko na ibabalik phone mo? Pili ka." Napapikit siya ng mariin at nailing na lang na nagtungo sa tabi ko.

"Acting sweet again and then dump me?" Utas niya na nagpalingon sa akin sa banda niya. He is just so serious while he reached for the tray on the side table.

"What?" Natatawa kong saad.

"Tanggap ko naman na na wala na akong pag-asa. Model naman yata ang gusto mo."

"What?! Who told you that?" Natatawa ako dahil sa ekspresyon niya. Last month, I had a photoshoot kaya't nakapagleave din ako noon ng isang linggo.

"Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga sagot mo sa interview?"

"What interview?" I am still stiffling my laughter. Kailan pa kaya nabaliktad ang sitwasyon. Yes, I admit na hindi pa rin ako tuluyan nagtitiwala sa kanya lalo na at may issue pa na sila nga ni Maureen pero hindi ka mapigilang matawa sa reaksyon niya ngayon.

"You're into someone famous huh. Ang kasama mo bang model ang tinutukoy mo?" Mariin niya saad. Napahagalpak na ako ng tawa sa pinagsasabi niya.

"Famous? Akala ko ba alam mo na ikaw 'yon. Hindi ka ba famous?" Simple kong saad. As if nothing. Dahil doon ay napalingon siya sa akin, laglag ang panga sa sinabi ko.

"What did you just said?"

"Huh? Alin doon?" Maang kong tanong at kumain na.

Kinulit niya pa ako kung anong ibig kong sabihin ngunit hindi ko na siya pinansin. Hindi niya naman na kinuha ang phone niya dahil tinago ko ito sa likuran ko.

"I'll just sleep for a bit." Paalam ko sa kanya.

"I'll sleep too." Saad niya at tumabi sa akin. He closed the thick curtain para matabunan ang sliding door papuntang balcony na nagbibigay ng liwanag sa kwarto. Naging madilin ng konti.

Tumabi din siya agad sa akin at dahil sa awkwardness na nararamdaman ko, tinalikuran ko siya.

"I missed you."

"I missed you too." Ilang beses ko nang sinabi na hindi na ako magpapadala sa mga sinasabi niya. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko na. Pero heto na naman at nagpapadala na naman ako.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko at ang pag-usog niya sa tabi ko.

"Give me another chance please. I missed being beside you. After 5 years baby, damn. Ngayon pa lang ulit kita nakasama at nakatabi ng ganito. Ayaw ko nang matapos ang oras na ito." He burried his face on my neck, at nabigla ako ng maramdamang basa ang mukha niya.

"Are you crying?" Pinilit kong harapin siya.

"Damn, I'm just so happy." He let me face him but he burried his face immediately on my neck. I heard his sobs.

Damn, my attorney is crying so hard. Maybe this is the time I've been waiting for. Mag-uusap kami, pero mamaya na. I just want to stay like this.

I caressed his hair just like before, when he arrived so tired from school. I felt him tightened his hug. Ipinalibot ko ang mga braso sa leeg niya. He is resting his head on my arms.

"I miss you love. I love you honey." He said and then instead na ako ang makatulog, siya pa ang nauna. I smiled at the thought that he is so damn vulnerable a while ago. The ruthless attorney Suarez cried so hard.

And he loves me.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now