Chapter 19

196 6 0
                                    

“Hey girl, saan ka ngayon?” I answered the phone without looking kung sino ang tumatawag and now nagsisisi na ako.

“Apartment, why?” I’m still so sleepy. For pete’s sake, pagod ako sa pag-aayos dito dahil sa mga kalat nina Brent at Ash. These past few days, napaghahalataan ko na talagang laging magkasama ang dalawa.

“It’s Saturday dear, night out naman tayo oh. May pasok na naman tayo sa Monday eh.” Napairap ako dahil sa anyaya ni Yohan.

“Really Yohan? Hindi ka pa ba napapagod sa mga pagkaclubbing niyo ni Tiffany at dinadamay niyo pa ako?” I look at the watch hanging on the wall. It’s almost 7 PM, ang haba ng naitulog ko ah.

“Please love. Minsan ka lang naman naming pilitin ni Tiffany eh. Sige na. I love you.” Hindi na ako nakapagprotesta pa ng babaan na ako nito ng tawag. Tumunog ulit ang phone ko dahil sa text nito kung saan kami magmimeet. It’s just some club for elites around Makati. Halos ang mga nagpupunta dito ay mga anak mayaman at mga artista.

Nagbihis na lang agad ako dahil alam kong tatawagan na naman ako ng mga ito kapag natagalan. 8:30 lang ang call time nila dahil sa isang restaurant lang kami magmimeet muna for a late dinner.

I decided to wear a denim skirt partnered with a black satin spaghetti strapped top and white high heeled sandal. I let my hair down. Hindi na rin ako nagmakeup dahil sure ako mainit sa loob ng club sa dami ng tao dahil Saturday. I just put a lip and cheek tint not to look so pale.

Papasok pa lang ako sa restaurant ay gusto ko ng umatras pauwi. Hindi lang si Yohan at Tiffany ang magkasama. Evan, Drake, Shune, Neil, Vince, and of course Liam are there. Bakit hindi ko ito naisipan kanina. Napatigil ako sa paglalakad pero nakita na ako ni Yohan na nakaharap sa entrance at kinawayan. They all look at me except for Liam who stood up and went towards the restroom while answering his phone.

I felt a pang in my chest. I know it’s Tatiana, sino pa bang iba. But most importantly, why do I felt strange? Uggh.

“Ay ganda ah. Pang Miss U ang datingan. Bakit nga di ka nagmomodel?” natatawang bungad sa akin ni Yohan sabay beso. Tumayo din ang mga kasamahan namin sa mesa para makipagbeso sa akin.

“Bitch.” Inirapan ko siya kaya’t natawa ang mga kasama namin.

“Nagmomodel nga kasi pero sa magazine lang din nina Ashleah Gozon. Sa clothing line ng Tita Beth niya.” Si Tiffany naman ang inirapan ko.

“Oh, order na tayo? Saan na ba ‘yong si Liam? Biglang naihi ng dumating ang asawa ah.” Nakita kong simpleng siniko ni Evan si Vince pero binalewala lang nito.

Nag-order na nga kami at ako ang tinanong nila kung ano ang kay Liam but I refused to decide kaya’t sila na rin lang ang nag-order. In the end, ginaya lang nila sa akin.

Kumakain na kami ng bumalik si Liam. Naupo ito sa bakanteng silya sa tabi ko. He didn’t even greeted me. I saw how our friends looked at us. I just smiled at Vince who remained staring at me kahit na nakita niyang nakitingin na ako sa kanya.

Nang matapos kaming kumain ay nag-ambagan na kami ng bayad. I was getting cash from my wallet when Liam stopped me and paid for the both of us. Para namang natanggalan ng nakadagang malaking bato ang mga kasama namin dahil sabay-sabay itong nagbuntong-hininga.

“Rest room lang muna tayo girls.” Hindi na ako nagsalita pa at sumama na kina Yoha.

Tahimik lang akong nag-aayos ng liptint ng nakita ko sa salamin na kapwa nakatitig na sa akin ang dalawa. Tinaasan ko lang sila ng kilay para magsalita sila. Alam kong may gusto silang sabihin.

“Nag-away kayo?” maikling tanong ni Tiffany, bakas sa boses ang pananantiya.

“Tat is back, I heard.” Ganoon din si Yohan.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now