Chapter 25

219 5 1
                                    

The famous Tatiana Juarbal is pregnant?

Halos ‘yon ang laman ng newsfeeds ko simula kahapon. Biglang pumutok ang balita na buntis siya dahil sa post niya sa IG stories niya. Kahit masakit ay naging active pa rin ako sa mga social medias ko. I don’t want to just sulk in my room and cried my heart out.

Liam has been texting me or calling me every now and then but I refused to reply or answer him. Pati sina mommy ay tinatawagan niya na ngunit di ko sila hinahayaang ipakausap sa akin si Liam. Simula ng umuwi ako dito kahapon ay walang naglakas ng loob na kausapin ako tungkol dito. Pumunta naman ang parents ni Liam but I refused to talk to them.

“Anak, aattend ka pa ba ng outreach program niyo bukas? Tumawag sina Yohan kanina, di mo raw sinasagot mga text at tawag nila.” Narinig ko ang marahang boses ni mommy sa labas ng kwarto ko. Parang nagdadalawang-isip din siya na kausapin ako.

I already decided what to do next. Aattend ako ng outreach program bukas, that will be the last anyways. Pupunta na rin ako bukas sa office ng dean namin to confirm my final decision. I will accept the offer. Kahit alam kong isang buwan lang ang magiging pahinga ko kung tatanggapin ko ‘yon dahil kailangan ko na agad pumasok since iba ang school curriculum nila doon, okay lang.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. I saw my mom’s eyes widened when she saw my luggage on the floor. Isang malaking maleta lang ang nilagyan ko ng mga gamit ko at hindi pa ako tapos sa pagliligpit.

“Anak…”

“I already accepted our school’s offer.” naupo akong muli sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa. Bakas sa mukha ni mommy ang pagkalito. Hindi nila alam ang offer na ito. I refused to inform them about this kasi akala ko di ko na ito tatanggapin pa.

“I was offered to study abroad. Exchange student mom.” Nakita ko ang biglaang pagkalungkot niya.

“Anak, okay lang naman dito ah. Kung gusto mo, lipat ka na lang ng school.” Malungkot nitong saad.

“Gusto kong makalayo mom, hindi tatagal ay malalaman nang lahat kung sino ang ama ng pinagbubuntis ni Tatiana. Ayaw kong kuyugin na naman ako ng mga parasites na reporters. Pagod na ako mom.” Hindi ko na napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Agad akong dinaluhan ni mommy. Nakita ko naman si daddy na malungkot na nakasandal sa hamba ng pinto. I saw how he tried to stop his tears from falling but he failed.

“Don’t cry guys please. Sasamahan niyo naman ako doon for the whole month diba?” naglambing ako sa kanila. Gusto kong doon na kahit wala pang pasok para naman makapaghanda na ako. Alam kong hindi ako nila hihindian kaya’t confident ako sa mga desisyon ko.

“We will, love. We will.” I hugged dad so tight when he approached me. Isang halik sa noo ang natanggap ko sa kanya. Ganoon din kay mommy.
Kinabukasan ay sila pa ang naghatid sa akin sa site ng outreach program namin.

“Hey babe, hindi mo kami kinausap.” Malungkot na bungad sa akin ni Yohan.

“Hey, sorry. We’ll talk later.”
Naging busy naman na agad kami sa mga gawain namin. Nagpafeeding lang naman kami at simpleng talk for proper hygiene and family planning.

Sandaling nawala ang lungkot at pag-iisip ko sa mga problema dahil sa pagiging abala at kasiyahan habang nakikipag-usap sa mga tao. Isa na naman ako sa naatasan na magsalita kaya’t naging abala ako sa mga katanungan.

Nagliligpit na kami ng mapabaling ako sa kotseng kararating lang. Nakatingin na rin doon lahat ng mga kasamahan ko. I even saw how Yohan and Tiffany immediately walked towards me.
Liam in his white shirt, maong pants and a white sneakers is standing beside his car holding a bouquet of flowers. Napapatingin na ang mga tao sa kanya lalo na nang naglakad siya palapit sa akin. Nanatili naman akong nagliligpit ng mga gamit namin. Nakita ko pang tumulong siya at ng buhatin ko ang isang box ay inagaw niya agad.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now