11

23 3 0
                                    

Isabela Street







"Late ka na yatang uuwi?"



Ako nalang ang unang nagsalita kasi sobrang tahimik at awkward, sanay naman akong tahimik kapag ako lang mag-isa pero pag-may kasama ako parang ang pangit pag-ang tahimik.



Malayo-layo na din ang nalakad namin. Parang kapwa kami nahiya sa nagawa namin kanina. Mukhang kagagaling lang nila sa training, suot pa niya ang itim na jersey shirt at shorts na pinaresan naman ng puting sapatos dahilan kung bakit mas klaro ang kaniyang magandang pangangatawan.



"Nasira yung gulong ng kotse," casual niyang sagot, saglit na sumulyap sa akin sabay ngiti. Biglang nawala iyong nakakalokong ngisi niya nang muntikan ko na siyang spray-an ng pepper spray.



"Hindi mo man lang tinawagan papa o mama mo para magpasundo ka?" Nagtaas ako ng isang kilay.



"Birthday naman kasi ni coach, kaya hindi ko na tinawagan sina papa!"



"And Kim were there, right?"



"Paano mo nalaman?" Nanlaki ang mga mata niyang napangiti, hindi siguro inaasahan na magaling ako sa hula.



"I just knew," I smirked.



"Pero nakauwi na naman siya, hinatid ko na kanina gamit ang kotse ni coach!"



Tumango nalang ako tsaka ulit itinuon ang atensyon sa daan. Akala siguro ni Kim ma-da-down ako kasi mas branded iyong suot niya kanina, baka siya yung ma-down pag-nalaman niyang ako ang nakaangkin sa labi ni Isaac.



She should be grateful that we did it in the university because if we hadn't—I would gladly send her a video of us doing it.



Saglit akong natawa sa naisip kong yun, napasulyap si Isaac nang nakakunot ang noo.



"Maya? Pasensiya ka na kanina,"



"Don't sweat it," I smiled shortly, "You should ask someone to pick you up. I'm totally fine walking alone,"



No kidding. I am perfectly fine with walking alone rather than walking with someone whom I rejected when he asked me out on a dinner date but then almost engaged in sexual activity with.



Bigla siyang natahimik kaya tumigil na rin sa ako sa pagtawa tsaka siya tinignan, patingin-tingin sa itaas tsaka sa ilalim. Hindi na ulit nagsalita pa, parang nahihiya siya.



"You're actually a good kisser," siniko ko siya.



"Ano?" Tanong niya, halatang hindi narinig ang sinabi ko. Mabuti naman, baka bumalik yan sa pagiging kulit gaya ng nakasanayan ko.



"Wala! Biro lang!"



"Seryoso?"



"Mukha ba 'kong hindi seryoso?"



"Seryoso?"



"Isa pa, i-spray ko na talaga 'tong pepper spray ko sa 'yo!" Buwelta ko sabay tawa saglit, natawa naman siya bago itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga police.



Muntik ko na siyang mahampas sa braso na ngayon ay tumatawa na rin. Hindi ko nalang tinuloy na hampasin siya dahil baka siya pag-naka bwelta sa akin, malaki pa naman ang katawan. 



Kapwa kami natigilan at napaiwas ng tingin. Lintek na bibig, oh! Hindi man lang kasi marunong pumreno 'tong bibig na 'to, ayan tuloy kahit anu-ano na ang mga pinagsasasabi. Nakasabi tuloy ng hindi maganda.



Saglit na gumalaw ang kaniyang lalamunan na parang may gusto siyang sabihin pero hindi natuloy dahil sa mga asong biglaang nagsilabasan sa bawat sulok ng kalye, nasa pito ang asong nandito.



"Maya!"



"Wag! Wag!" Pigil ko kay Isaac matapos makitang may hawak-hawak na siyang malalaking bato at handang-handa nang ibato sa mga aso.



Nagulat siya at dahan-dahang nabitawan isa-isa ang mga batong hawak na para sana sa mga aso matapos makitang dinidilaan nito ang aking mga binti, may ibang gumugulong pa nga sa mismong harapan ko, at mga nagtatatalon kaya umupo nalang ako para yung mga asong nagtatatalon hindi na mahirapan pang abutin ako.



Lahat sila nakalabas ang mga dila habang humihinga ng mabilis.



"Mga aso mo sila?" Tanong niya, umupo rin para ikiliti ang isa sa mga asong sa palagay ko ay ang pinakabata sa kanilang pito, kulay kayumanggi ito.



"Hindi, pero parang ako na rin ang may-ari sa kanila!" Nginitian ko siya. Tumayo na siya ulit nang biglang umalis yung aso para makipaglaro sa asong kaparehas ng kulay niya.



"Parang kilalang-kilala ka talaga nila!" I glanced at him, smiling. He's smiling too while crossing his arms over his chest, surveying each dog.



"Brownie, sit!"



"Binibigyan mo din ng mga pangalan?"



"Oo, yung puti si whitey!" Turo ko sa asong kulay puti na kinakagat-kagat ang buto na binigay ko. Good thing may tira-tirang pagkain sa cafe, "Tapos yung medyo hindi puti, si dirty whitey!" Bigla siyang tumawa, ako nga natatawa sa mga pangalan nila pero na-kyu-cute-an din naman ako.



"Ang unique ng mga pangalan nila, ha!" Puri niya, hindi ko alam kung sarkastiko ba yun pero parang hindi naman base sa kung gaano siya katuwa.



"Tapos itong dalawa namang kumakain ng pandesal ay sina Brownies!" Hinimas ko ang bawat ulo nina Brownies na masayang kinakain ang pandesal.


Tinignan ko si Isaac, nakakunot ang kaniyang noo habang palipat-lipat ang mga titig sa aso at sa akin. Nang mapagtanto, saglit akong napahagalpak sa tawa bago dinugtungan ang sinabi ko kanina.



"Both had the same name kasi plural. Tapos yung tatlong pumapalibot naman sa 'yo ngayon, si Chelsea, Cheska, at Chester!"



"Alam mo, itong tatlo lang yata ang matitino ang mga pangalan!" He laughed, feeding the dogs with the pandesal I gave him. Para naman makilala siya ng mga aso as a nice guy and not a threat.



"Hindi ko kasi malaman kung anong kulay nilang tatlo. Yang si Chelsea, white na may black dots, tapos yang si Cheska naman, medyo greyish tapos yang si Chester may pagka-orange!"



Tumango lang siya at saglit na umupo para i-pet ang tatlong aso. Napangiti nalang din ako, may natitira pang-isang pandesal kaya mabilis ko itong itinapon malapit sa may poste dahil aalis na din naman kami. Mabilis naman nila itong hinabol tsaka ako nagsimula sa paglalakad, agad din naman siyang sumunod.



"Bye!" Kinawayan ko sila, saglit nila akong nilingon tsaka tumahol. Napangiti nalang ako, dogs are really a man's bestfriend.



"Madalas ka bang naglalakad dito?"



Natigilan ako saglit pero agad din namang nakaisip ng kasinungalingan.



"Hindi naman, tuwing pumupunta lang kay Luna!" I answered, hindi na siya muling nagsalita pa.



Umupo muna kami saglit sa gilid ng kalye para magpahinga at napangiti kami pareho nang nakasunod pa rin sa amin ang mga aso, umupo din sila sa harapan namin.



The entire city was quiet, and the street was peaceful. It was just the dogs, Isaac, and me who were left awake in the middle of the night.



"Uh, Maya?" Tiningnan ko siya, inayos niya ang upo tsaka may kinuha sa loob ng kaniyang bag.



Mga pandesal.



Natulala ako matapos niya akong abutan ng isang piraso bago niya kinain iyong hawak niyang pandesal. Inabutan niya din yung mga aso.



I watched him feed the dogs, softly baby-talking to them. This is so rare, and I will always remember this moment for the rest of my life.



"Dinner date kasama ang mga aso," he laughed cutely.

Wabi-Sabi Where stories live. Discover now