20

28 4 0
                                    

"Ano na naman, Calvin Isaac?"



Tinaasan ko siya ng kilay, nakakatakot na ang ngisi niya. Parang may gagawin na namang kagaguhan.



He was about to turn the key to start the engine nang mapahinto siya, nagulat at napatingin ako sa kaniya. Paniguradong may naisip na naman 'tong kabalastugan, napatitig siya sa akin tsaka kumurba paitaas ang kaniyang labi. Abot tengang nakangiti.



"Picture tayo, binyagan natin 'yan!"



"Anong binyagan? Hindi 'to bata!"



"Sige na,"



At dahil nagpumilit talaga siya, naaawa naman ako dahil mukhang gusto niya talagang makasama ako sa isang picture. Okay, pagbigyan ang kupal. In-open ko na ang camera, maganda ang lighting galing sa labas kaya mas lumiwanag tuloy ang mukha namin.



Smile was our first pose at dahil napaka-demanding niya, nag-suggest pa siya ng wacky kaya nag-wacky nalang din kami. Peace sign lang ang ginawa ko tapos simpleng ngiti lang, siya naman umaaktong parang bampira na gustong kagatin yung leeg ko.



Isinandal ko nalang ang ulo sa bintana hanggang sa maalala ko na sa tapat ng slum ako hinintay ni Isaac kanina.



"Bakit?" Tanong niya, napansin niyang nakatitig na ako sa kaniya habang nagkasundo ang mga kilay.



"Bakit ka nga pala sa tapat ng slum naghintay kanina?"



"May tinignan lang ako,"



He's dead serious, hindi man lang ako tinignan saglit pero ayos lang para mas maka-focus siya sa pag-da-drive at hindi kami madisgrasya.



"Sa subdivision mo nalang ako ibaba mamayang gabi!"



Tumango lang siya. Gusto ko na talagang makinig ng music dahil napaka-tahimik namin dito sa loob, hindi naman awkward pero parang may lamay sa sobrang tahimik. Napapalingon pa ako sa paligid para maghanap ng tindahan pero wala.



"Isaac?" Tanong ko, nilalaro ang mga daliri habang nakatingin sa kaniya, "Pwede pa-connect ng hotspot, music lang sana,"



"Kapal, ha!" Natawa pa siya bago hinugot mula sa bulsa ang phone niya. Saglit akong natulala, mahal yang cellphone na yan, ha? Well, no wonder, afford naman niya yan kahit ano pang-bilhin niya.



"Pero sige,"



Masaya kong kinuha ang phone ko tsaka in-open ang wifi kaso may password.



"I love you,"



Nanlaki ang mata ko, tama ba ang narinig ko? Wait, I love you? Ano ang isasagot ko? I love you, too? Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, nagsimula na ring uminit ang mga pisngi ko at alam kong unti-unti na itong namumula kaya 'di ko siya kayang tignan. Sincere ba siya? Seryoso lang kasi siya.



"I love you, too," mariin kong saad, nakatingin lang sa labas ng bintana dahil sa hiya.



"Ha?" Tumawa siya nang malakas kaya napakunot ang noo ko kahit hindi naman niya makikita. "... Kumain ka naman siguro, noh?"



"I thought you say..." Para akong batang napatingin sa kaniya, hiyang-hiya.



"Hindi, tangek! I love you ang password, all capital letters, no spaces!"



I just nodded, nahihiya pa rin. Gusto ko na lang atang buksan yung pinto at tumalon, he just bit his lower lip to stifle a laugh. Hindi ko naman siya magawang batukan o tarayan kasi ako naman 'tong assumera.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now