22

34 3 0
                                    

"You knew my birthday?"



I was just staring at him while waiting for his answer, but he was just smiling at me, as though he was healing some parts of his boyhood days.



I couldn't help but smile when I shifted my gaze to the velvet red box I was holding, tama ba talaga ang narinig ko? Sinabi niya talagang happy birthday? Pero paano niya nalaman?



Naghintay pa ako ng ilang segundo na sabihin niyang 'it's a prank' o 'di kaya ay 'joke' pero hindi siya nagsalita. So I already assumed na gift niya talaga 'to para sa akin.



"Of course, I knew!" Casual niyang sagot na parang hindi na big deal sa kaniya na kung paano niya nalaman ang birthday ko.



"Open it,"



Napangiti ako lalo sa sinabi niya. Ramdam ko yung pakiramdam na parang nag-o-open ako ng wedding ring tapos bukas kasal na namin pero dahil sa dinadahan-dahan kong buksan ang box, para tuloy akong nagbubukas ng briefcase sa larong deal or no deal.



Natawa tuloy ako nang siya na mismo ang naglagay ng background music gamit ang boses niya, sinamaan ko nalang siya nang tingin bago tuluyang buksan ang box.



Napaawang ang bibig ko nang makita ang isang gold necklace na may pendat na lotus', gold din. I couldn't put it into words, parang nahihiya ako dahil sa ginawa kong pagpahirap sa kaniya. Pina-picture ko pa siya sa akin tapos tinatarayan, tapos may pa-surprise pala siya.



"This looks so expensive. Thank you!"



"Kasi mahal kita," nginitian niya lang ako bago sumimsim sa ice coffee niya. Even he finds his pick-up line funny but embarrassing, napahagalpak siya sa tawa kaya siniko ko siya nang mapansing halos naagaw niya ang atensyon ng nandito ngayon.



"Hatid na kita," he offered.



"Wag na," sabi ko.



"Sabayan nalang kita mag-lakad," he winked and shoved his car keys back into his pocket.



Panay ang tanggi ko pero panay din ang pag-pumilit niya kaya wala akong nagawa kundi um-oo nalang, aalis na sana ulit kami nang may maalala ako.



"Oh, the necklace!"



Halos mag-panic ako nang tumakbo pabalik ulit sa table namin kanina, muntik pa akong madapa dahil sa suot kong heels. Mabuti at hindi pa nalilinis yung table kaya yung mga pinagkainan namin kanina nandoon pa rin at yung... kuwintas.



Mapapatay ko talaga sarili ko pag-nawala 'to. Umupo ulit si Isaac sa harapan ko, nakataas ang isang kilay.



"Okay, maybe my gift wasn't that important to you!" Ngumuso siya, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o totoo talagang nadismaya.



"Hindi, sorry talaga! Uhm... Nakalimutan ko talaga, I mean, uhm..." Sinabunutan ko ang sarili, pati ako nadismaya din sa sarili ko. Paano ko nakalimutan yung regalo niya? Ganoon na ba talaga ako katanga para makalimutan yung regalo niya, come on, Maya! That was the best present you have ever received from someone.



"Akin na nga..."



"Babawiin mo ba?"



Para akong bata ngayon, naluluha na dahil seryoso pa niyang nilahad ang palad niya habang yung isa naman ay nasa lamesa lang hawak-hawak pa rin yung car keys.



"Suotin mo para hindi na mawala ulit. Wag mo na 'tong kalimutan ulit, ha? Iisipin ko na talagang wala kang pake sa regalo ko sa 'yo!" He pouted cutely, he checked the necklace first at hinanap yung lock bago tumingin sa akin.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now