9

16 3 0
                                    

Infirmary



A sharp, medicinal odor mixed with the faint scent of plastic from pill bottles kept entering my nose, creating an overwhelming smell that made me nauseous.

I slightly opened my eyes to see that I was in the clinic—once again.







Nakatitig lang ako kay Isaac na tulalang nakatitig sa kawalan, mas malalim pa yata sa nilubugan ng titanic ang iniisip niya.



Nandito na naman ulit ako sa clinic dahil sa nangyari kanina. Bigla ba naman akong nahimatay noong pinatakbo kami ni Sir Edrian, at least, hindi kami nakatakbo nang ilang ikot sa buong campus dahil sa pagkahimatay ko.



Pero nababahala na rin talaga ako, baka talaga may sira na ang utak ko o baka naman stress lang dahil sa trabaho.



Umarte akong masakit ang ulo ko para mapansin ako ni Isaac kaso mukhang wala siya sa mood. Kausapin ko nalang kaya.



"Malalim yata ang iniisip mo ah!" Natatawa kong saad kaso mukhang 'di siya natuwa. Seryoso lang niya akong sinulyapan, walang kabuhay-buhay ang mga mata niya. Medyo nakakatakot pala siya pag-seryoso.



"Paano mo naman nasabi?"



Kainis! Hindi ako komportable pag-kaharap siyang seryoso.



"Seryoso ka kasi!"



"Anong gusto mo, tawa ako nang tawa dito? Edi na-in love ka tuloy!" Ilang segundo din siyang ngumisi bago sumeryoso ulit, napangiti nalang din ako dahil sa ka-corny-han niya pero aminin, natawa ang kiffy ko doon.



"Sira, hindi! Nasanay kasi akong palagi kang nakangiti. O, ayan ka na naman!"



"Ano?"



"Kung napilitan ka lang na samahan ako, pwede ka namang umalis. Kaya ko ang sarili ko!" Inis kong sabi dahilan kung bakit siya lumapit ng kaunti dala-dala ang monobloc.



Korek, i-gaslight mo siya!



"May iniisip lang talaga ako!"



"Suit yourself, Calvin," I whispered but I made sure it was enough to caught his attention when I uttered his first name.



Tumagilid ako habang nakapatong ang pisngi sa malambot na unan kaya gusto ko tuloy matulog nalang ulit. That's when I remembered why I was here. I was afrad to say no. I couldn't say no, and I knew from the very start that I am a people pleaser. I have tried, but I just couldn't. I am not comfortable at saying no. That's it.



Natigilan siya saglit nang marinig ang sinabi ko—ang pagtawag ko sa first name niya. There was a hint of surprise and the gesture that he's somehow, going to tell me something, but he chooses not too.



"I like you," he murmured, but I could still hear it. I didn't budge, "Calvin Isaac is my full name. I hate my second name, I just hate it. But it hits different when you're the one saying it,"



What should I say?



Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa bigla siyang tumayo sabay lakad papunta sa pintuan.



"Punta ako ng canteen. Anong gusto mo?"



Yung saging mo. Jusko, Maya! Nahimatay ka na nga, tigilan mo din minsan yang libog mo.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now