17

48 4 0
                                    

"Hindi ka pa nga tuli nun, eh!" biro ko.



"Pero ngayon tuli na, ready na ako!" he teased and bit his lower lip.



We both chuckled by how comfortable we are with everything we say. He offered to help me learn Wabi-sabi. I was hesitant at first, but as I watched him stare at me, I realized, maybe this is the time that I'll make up for it.



I want him to be with me when I finally learn how to love myself.


-



"This is it!"



Nakatayo ako ngayon sa harapan niya, nakasimangot habang siya naman nakaupo lang sa bench. Na parang hindi niya dinostorbo ang mapayapang pagtulog ko, alas syete ba naman ang sinabi at pinapunta pa ako sa park tapos sasabihin lang niyang 'get outside'? Step by step daw kasi.



"What's with 'this is it'? Suko ka na?"



Tumawa lang siya saglit, hindi man lang nag-alala sa kalagayan ko dahil unang araw pa lang sukong-suko na ako, instead, parang nanghahamanon pa siya.



Naka-dekwatro ang kumag habang nakapatong ang mga braso sa sandalan ng bench, na parang nasa isang dagat pinapanood ang papasikat na araw. Kung tadyakan ko kaya siya!



"Alam mo, hindi ko talaga gets. Ano yun? Get outside? Ano yun lalabas lang ako? Gaya ng ginagawa natin ngayon? Titingin sa paligid tapos okay na, yey, natutunan ko na ang Wabi-Sabi. I'm so happy, duh!"



Tinaasan niya ako ng kilay bago sumilay sa labi ang isang nakakalokong ngisi.



"Ang daldal mo, ano bang meron sa bunganga mo at ganyan ka ka-daldal?" Tanong niya, tumatawa, pero inismiran ko lang siya at sinisipa ang mga maliliit na bato sa harapan ko.



"Don't take the word 'get outside' literally. Ni-literal mo kasi, eh. Lalabas ka para hindi lalabas lang kasi yun yung sinabi ko. You will go out to witness how beautifully Mother Earth shines brightly through its imperfections!"



Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya, naglalakad lang kami palibot sa park hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat.



Bakasyon naman pero kaunti lang ang tao, nakapunta na ako dito noon noong bata pa ako pero nung tumatanda na ako, hindi na. Andami na kasing nagbago, well, pwede naman akong pumunta dito kung gugustuhin ko. But maybe I was too busy focusing on impressing people just to receive validation, their praise, that I already forgot about coming here.



Ngayon lang ulit ako nakapunta dito, napatingin-tingin na ako sa paligid at napansing marami na talagang nagbago dito sa park. Puro swings at mga pambata lang ang nandito noon pero inayos ulit at ginawa ng city park kaya puro mga benches nalang ang nandito ngayon na may fountain sa gitna.



Nilingon ko si Isaac sa likuran pero pati siya napapatingin din sa paligid kaya bumalik nalang din ako sa sarili kong ginagawa. Napapatingin ang ilan sa mga babae dito sa park dahil sa kaniya, paano ba naman, nakasuot lang naman siya ng manipis na puting shirt, sweatpants at puting sapatos. Kaya ayun, halatang-halata yung cobra niya.



Nakasuot lang ako ng fitted na white shirt at cycling shorts pero hindi naman klaro yung kiffy ko kaya laban pa rin. Napatingin din ako sa mga babaeng napapatingin sa kaniya kaso iniikutan lang nila ako ng mga mata, inirapan, at inismiran.



Pumeke lang ako ng ngiti bago inikutan sila ng mga mata, akala nila sila lang may alam? Ha, akala lang nila yun.



"Ang taray mo naman," bulong ni Isaac na ngayon ay pinapantayan na ang mga lakad ko. Nakita niya siguro ang ginawa ko sa mga babaeng kumakaway na ngayon sa kaniya, siyempre makikita niya talaga.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now