23

32 2 0
                                    

"Bye, see you tomorrow!"



I waved at him nang umandar na ang kotse niya. Hinintay ko munang mawala siya ng tuluyan sa paningin ko bago palihim na pumasok sa may gilid ng subdivison. Muntik pa akong madulas dahil sa mga putik, napahigpit ang hawak ko sa cake, 'di pwedeng matapon 'to.



My 20th birthday has been a rollercoaster ride, even though it only lasted for a day. It was so special—not that my other birthdays weren't special, but today was very unexpected. It was really the kiss that made it even more memorable, the way we shared it together, and I just realized how different it was compared to when we made out in the university's restroom.



I smiled because tonight our emotions were driven by love, not by lust.



I really didn't expect that he would celebrate my birthday at a steak restaurant, just the two of us. Hindi ko naman inasahan yun kasi akala ko yung necklace lang na suot ko ngayon ang ibibigay niya. Tapos, kaloka! Hindi naman ako ganoon ka-assumera para mag-assume sa mga ganiyang bagay, slight lang.Bago pa makarating sa bahay ay nag-text na siya kaagad.



From: Isaac

I'm home, you?

To: Isaac

Ano sa tingin mo? Hinatid mo na nga ako



Natawa ako sa sarili matapos mapagtanto ang ginawa ko, ano kaya itsura nung kumag na yun? Nang nasa tapat na ng pinto ay naistatwa ako, hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano. Nasa mesa na si Naya habang nakatalikod naman si mama sa kaniya, may niluluto pa.



"Thank you, ma!"



"Nandiyan ka na pala, anak!"



Hindi ako nakasagot, nakatitig lang ako sa mga pagkain na nasa mesa. Adobo, bicol express, at kare-kare tapos hotdog na ngayon ay piniprito niya pa dahil sa amoy nito.



"Pasensiya na, basa pa ang kamay ko—"



"No worries, ma. May cake nga palang binigay ang kaibigan ko," sabi ko at nilagay ito sa mesa.



"Ahhh..." Si Naya, natatawa kaya kumunot ang noo ni mama. Palipat-lipat ang mga paningin sa 'kin at kay Naya. Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin.



"... Yung Calvin, ate? Yung pogi?"



"Sinong Calvin, anak?"



Sinamaan ko siya ng tingin bago nginitian si mama, hindi naman ako kinabahan. Naiinis lang talaga ako kay Naya, yare ka sa 'kin mamaya.



"Ah, siya po kasama ko ngayong araw!"



"Kayong dalawa lang?" Kalmado ngunit halatang may kasamang galit, baka inisip niyang birthday ko ngayon kaya pinilit niyang hindi magalit sa akin.



"Si Luna po," palusot ko, "Kaming tatlo,"



"Uh," nagdadalawang-isip pa siya, "Luna?"



"Opo, anak ni Tito Richard," pagpapaalala ko sa kaniya, para atang may tumunog na ilaw sa utak ni mama at napangiti siya sabay tango.



"O, sige na. Bakit mo nga pala sila hindi pinapunta—ah sige na kain ka na,"



Parang may kung anong kirot akong naramdaman habang nakatitig kay mama na ngayon ay tumalikod na sa akin at bumalik na sa pag-piprito.



She obviously remembered that my friends know nothing about us and I don't want them to know. That's why I didn't invite them, kaya hindi niya itinuloy ang sasabihin sana niya kanina about me inviting my friends.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now