13

27 3 0
                                    

Months before the Championship Game.



Umupo ako sa tabi niya matapos ang meeting namin sa Creatives committee in preparation for the upcoming event. Super busy kaya minsan natatarayan ko na lahat.



Mataray pero takot mag-say no, parang tanga!



Nakatingin lang ako sa papel na sinusulatan ni Isaac. This will be our last semester in the same subject since we won't be taking any minors next year.


Calvin Villaverde.



"Shouldn't it be your full name?" I asked, curious.



"Huwag na," he shook his head, fully focused on whatever he was doing.



"You don't like it? Your second name?"



"It's too biblical. Not that I dislike it, I just don't feel like it suits me well," he laughed.



"But it's cute!"



"You remind me of someone who also said that," his eyes narrowed when he smiled.







"Hi,"



Mabuti nalang at may librong pinahiram si Luna sa 'kin bago niya ako ibaba rito, kahit 'di ko naman hilig magbasa. Pinilit ko lang talaga ang sarili upang hindi maisip yung nangyari kagabi, baka magka-mental break down pa ako pag-nagkataon.



Parang ang bilis lang ng pangyayari, hinahanap ko lang yung pandesal at napangiti nalang sa nakalagay sa sticky notes pero dahil bitter si destiny binawi rin niya kaagad. Harap-harapan niyang pinakita sa akin sina... Umiiling-iling nalang ako, pinilit inintindi ang nakasulat sa libro.



Kaya nga ako nagbabasa ng libro, diba? Para iwaksi ang bwisit na nangyari kagabi?



Ala sais pa lang nandito na ako sa cafe, hindi para mag-trabaho kundi magbasa lang ng libro. Sinabi na niya rin kay tito na dito na muna ako hanggang alas otso. Mabuti naman at pumayag siya dahil alas otso naman talaga bubukas ang cafe, nagpadala nalang din siya ng guard sa labas, incase na aalis ako may nagbabantay na.



Pwede naman akong maglugmok sa bahay kasi may trabaho naman si mama at si Naya may klase, pero parang sinasakal lang ako lalo kaya mas mabuti ng dito.



I was near the glass window kaya kitang-kita ko ang sunrise, mga taong naglalakad, at mga kotse na hindi naman gaano karami. At least, hindi traffic.



At least dito, parang maluwag yung pakiramdam ko.



Itinuon ko nalang ulit ang sarili sa pagbabasa at binalewala ang kaniyang presensya, kahit naman talaga wala akong naiintindihan sa binasa ko. Ang alam ko lang, fantasy 'to.



"Pandesal?"



Sinulyapan ko lang saglit ang mainit-init na pandesal na kalmado niyang nilapag sa harapan ko, sinulyapan ko nalang din siya saglit, nakangiti habang naghihintay na may sasabihin ako.



Thank you? Bakit? Nagpabili ba ako? Bayad ba yan para sa ginawa niya kagabi? Sarap na sarap nga siya, eh.



Ininom ko muna yung kape ko tsaka sinulyapan ulit yung pandesal, this time, mas maliit na yung plastic kumpara kahapon. Iniisip din niyang hindi naubos yung pandesal, nandoon pa nga sa bahay, eh. Nagdala nalang din si Naya ng dalawa tsaka pinalamanan ng chocolate, sinabihan ko na rin siya na wag damihan kasi may kakain pa niyan, which is yung mga... Aso.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now