4

17 3 0
                                    

Ay, joke! Ang feeling ko lang sa part na in-imagine kong nakatitig ang mga kaklase ko sa akin. Pero nang tinitigan ako ni Calvin, totoo talaga iyon. Parang natatawa siyang nakatitig sa akin na may kasamang pang-sisisi, eh dahil lang din naman sa kaniya iyon, kung hindi siya nagmamadali edi sana walang ganyang nagaganap ngayon.



"Sit down!"



Tinanguan lang niya si Miss Sanchez habang naglalakad papunta sa kaniyang upuan pero ang mga mata at ang nakakaloko niyang ngisi ay nakatuon pa rin sa 'kin pero agad din siyang umiwas ng tingin sabay iiling-iling.



"Saan ka pupunta?" Tatayo na sana ako nang biglang nagtanong si Ella.



"To fix myself," Sagot ko tsaka lumabas ng room sukbit ang aking sling bag at dahil hindi pa nalagyan ng salamin ang women's comfort room, wala akong ibang pagpipilian kung hindi pumunta sa men's para doon manalamin.



And that's what I did. Pumasok ako at isa-isang nilabas ang  aking mga lipsticks, sinimulan ko nang lagyan ang aking labi at sulatan ang aking dalawang kilay.



"Hurry up, Maya!" I outlined my lips with the matte, "It would be so embarrassing if may mga lalaki ng papasok dito," I whispered while checking my cheeks to see if I applied the right amount of blush.



Nakaramdam ako ng lungkot sa tuwing naaalala kong hindi na maibabalik pa sa dati ang buhay namin. Kung gaano kami kasaya noon. Iyong tipong gigising lang kami upang mag-agahan at walang pino-problemang pera.



Magsisituluan na sana ang mga luha ko nang bigla kong nakita mula sa gilid ng aking mga mata na may taong nakasandal ngayon sa pintuan habang nakatitig sa akin. Agad akong kinabahan tsaka siya hinarap.



"Please go out," I pleaded at isa-isa nang nilagay ang mga gamit ko sa sling bag.



"You should be the one leaving," he smirked and put both hands inside his pockets, still leaning at the door. He was wearing a shirt when he was supposed to wear their designated uniform. The men's uniform consists of a thick white polo shirt with buttons, burgundy slacks, a pair of black shoes, and a necktie embroidered with the word of their chosen program.



"Just let me finish everything and you're free to do whatever you want dito sa CR,"



Heto na naman siya sa kaniyang nakakalokong ngisi. He slowly walks towards me, wearing a smile that makes me want to puke.



"Wala ka na bang ibang ngiting nalalaman?" Pamimilosopo ko pero hindi pa rin siya natinag, nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang nakangiti ng nakakaloko, ako naman panay ang pag-atras hanggang sa tuluyan na kaming nakaabot sa pader. Napakalapit na niya sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon, ewan ko lang kung bakit wala pang estudyante ang nagsidaanan sa labas.



"Wag ka ngang feeling diyan, maghuhugas lang ako ng kamay!" Tawa niya, oo nga naman. Nakakatawa talaga ang reaksyon ko, may pa-hingal-hingal pa akong nalalaman pero sa totoo lang kinakabahan ako na may halong sabik.



Bumalik na siya ulit sa lababo at naghugas na ng kamay, sumunod nalang din ako tsaka inayos ang sarili sa salamin.



Nagulat ako kasi bigla nalang siyang nagsalita at mas lalo akong nagulat ng bigla siyang sumeryoso, sanay pa naman ako sa nakakaloko niyang ngisi. I stared at him for a while. His hair was in a buzz cut, and I could simply say he's not really the type of person that I thought he would be.



"Bago lang kasi ako dito kaya kailangan kong hanapin kaagad ang classroom ko, maaga naman akong pumunta kaso naguluhan talaga ako at ang pinakamalas pa. Nawala ako kaya nagtatakbo nalang ako hanggang sa nabangga kita, pasensiya talaga. Isaac!"



Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay, palipat-lipat ang mga paningin ko sa kaniya at sa kanang kamay niyang nakalahad.



"Maya,"



"Is that your real name o palayaw mo lang?"



"Real name!" Ipinusod ko na ang aking buhok, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito dahil mag-iilang minuto na niyang sinasabunan ang dalawang kamay niya. Napangiwi akong napasulyap sa kaniya pero isang ngiti lang ang kaniyang sinagot, hindi nakakalokong ngisi kundi nakakatunaw. Ugh!



"Naghuhugas ka ba talaga o trip mo lang hugasan yang mga kamay mo ng halos kalahating oras?" Seryoso kong tanong sabay lagay ng kaunting foundation sa mga maliliit kong tigyawat na nagsusulputan malapit sa noo ko.



"No? By the way, your lips taste good!" Mahina siyang tumawa dahilan kung bakit ko siya inirapan hanggang sa may napansin ako sa suot niya ngayon, pamilyar ang puting shirt na yan na may guhit na check malapit sa dibdib.



Tumahimik ka nga! Baka gawin ko pang lip balm 'yang ano mo!



"Wait, is that my shirt?"



"Yes?"



"Bakit na sa 'yo yan?"



"Talaga ba? Sabi kasi ni Ella sa kaniya daw,"



"Bruha talaga," I scoffed.



"Huhubarin ko nalang,"



"And? Maglalakad ka sa labas ng walang suot? Gaga, bukas mo nalang 'yan ibalik,"



Bigla siyang sumeryoso pero bigla ring sumilay ulit sa kaniyang labi ang nakakalokong ngisi.



Parang tanga 'to!



Napangiwi nalang ako habang siya naman napapailing-iling habang naka-tsk-tsk pero yung nakakalokong ngisi niya hindi pa rin nawawala dahilan kung bakit pati ako napangiti rin hanggang sa nagsitawanan nalang kaming dalawa dito sa loob.



"Tumatawa ka rin naman pala!" he smiled.







Malamig at sariwa ang hangin ngayon dito sa rooftop, ngayon lang ako ulit nakapunta dito matapos magkaroon ng christmas party ang mga barkada ko dito. Pero hindi ko pa gaano na-appreciate kung gaano kaganda ang nasa paligid.



At dahil hindi ako takot sa matataas na tanawin, tinanaw ko rin ang kabuuan ng Saint Cecelia University—ang soccer field, ang gymnasium, at mga taong animo 'y naging langgam sa sobrang liit.



Saan kaya ako pwedeng makakahanap ng trabaho? Ngayon na may ka-kompetensiya na ako—Kim Manzano, mas kailangan kong makahanap ng trabaho kaagad. Hindi ko alam kung saan pero pipilitin ko, napasulyap ako sa mga gamit ko sa sling bag. Papaubos na ang lip matte ko, grabe naman kasi makagamit sina Ella. Pati eyeliners ko papaubos na rin, pati rin pala foundation ko naghihingalo na. Iyong sling bag ko, nagmamakaawa na.



Nang sa gayon, mananatili lang ang role ko sa classroom bilang mayaman at gaya ni Kim. Pinupuri nila ako at pupuriin pa nila.



"Hi!"



I was expecting na si Isaac na naman 'yang nasa likod ko kasi siya lang naman yung taong sumusunod sa akin sa araw na 'to, pero guess what, boses babae ang nasa likuran ko.



Nilingon ko ang nagsalita. Si Luna, ang aming classroom president. Hindi kami gaano close kaya medyo awkward pag siya ang kaharap ko, ni hindi ko nga kayang tignan siya sa mga mata.



"Luna?" Tanong ko, pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakita.



"This might help you!" Nakangiti niyang inabot ang isang maliit na polaroid. Mukhang matagal na ito tapos pinagpagan lang para magsialisan yung mga alikabok, parang nakatago na sa cabinet ng matagal na panahon.



Kinuha ko sa kaniya ang polaroid, tinignan ko na ang litrato at ganoon na lamang ang aking pagkagulat. Palipat-lipat ang aking mga paningin kay Luna at sa polaroid na hawak ko.



"Ikaw?"

Wabi-Sabi Where stories live. Discover now