8

21 3 0
                                    

11:38 AM



Dés vu

The awareness that this day, this event, or what ever happened in your life will become a memory.



-



Dalawang linggo na ang dumaan pero iyong tanong na inakala kong madali lang sabihin, tanong na gusto kong malaman ang sagot, at tanong na inakala kong magkakaroon ng sagot ay hanggang ngayon nanatili pa ring tanong sa aking isipan.



Tinanong ko na rin naman siya kung bakit ako lang yung tumatawag sa kaniya ng Isaac tapos yung iba Calvin lang. Alam ko namang simpleng bagay lang iyon porket ako lang iyong tumatawag kailangan dapat may sagot?



Pero ang sagot niya, 'Bakit? Bawal bang ikaw lang?'



Does he even like me? Isa pa 'tong lalaking 'to eh, dumagdag pa sa problema ko.



Kaya tumigil nalang ako sa pagtanong kung bakit ako lang iyong tumatawag sa kaniya dahil palagi namang ganoon ang sagot niya. Parang may iniiwasan siyang masabi sa 'kin. Nakakarindi ng pakinggan, bahala na. Hindi ko nalang siya tatanungin, iisipin ko nalang na wala.



Dalawang linggo na rin akong nag-ta-trabaho sa cafe nina Luna, maayos naman ang pakikitungo ng mga empleyado doon. Alam naman kasi nila na anak ako ng dating business partner ni Tito, lalong-lalo na si Ate Trina, napakabait niya. Siya mismo ang naghahanda ng pagkain ko, naging mabait din daw kasi pakikitungo ni papa sa kaniya. Gusto lang niyang ibalik sa akin.



Alam na rin ni mama na kay tito Richard ako nag-ta-trabaho kaya mas naging kampante na siya ngayon dahil alam niyang mabait si Tito.



At isa pa sa nagpapatawa sa akin, sa oras na maalala ko ang kasinungalingang pinaggagagawa ko.



Ang akala kasi ni Tito may susundo sa akin which is ang kapitbahay namin, si mama naman ang akala niya hinahatid ako ni tito pauwing bahay. Gusto pa nga niyang makausap si tito kaya nag-isip agad ako ng rason na hindi niya ito makausap kasi hindi naman talaga totoo na si tito ang naghahatid sa akin, sinabi ko nalang na yung kasama kong babae ang naghahatid sa akin dahil naging hectic ang schedule ni Tito Richard sa cafe.



Minsan dumadaan si Luna sa cafe upang doon gawin ang mga homeworks niya kaya no choice si tito kundi pasamahan ang anak niya, baka iniisip niya ring kaklase ko si Luna kaya kung ano yung mga ginagawa ni Luna yun din ang akin. Dahil kay Luna, nakakapagpahinga at nagagawa ko pa yung mga homeworks ko ng ilang oras.



Nakaupo ako ngayon sa bench ng unibersidad kung saan nakaharap ako sa aming school ground. Tahimik at walang katao-tao, marahil ay may kaniya-kaniyang klase pa sila.



Wala pa si Sir Edrian kaya napag-isipan kong pumunta nalang muna dito at langhapin ang napakasariwang hangin dulot ng maraming punong nakapalibot rito.



Worth it din naman iyong pagod at puyat ko kaka-trabaho sa cafe ni Luna dahil nabibili ko na rin yung mga hindi ko nabibili noon. May bago na akong lipsticks, foundations, at iba't-ibang klase ng mga mascara.



May sling bag na rin ako at higit sa lahat may ipon na ako para sa lilipatan naming bahay, hindi pa ako nakahanap ng lilipatang bahay pero may alam naman si Luna na pwede naming lipatan. Iyong kasya lang sa pera ko.



Aalis na sana ako pero naalala ko na dapat ko rin palang tignan ang aking wallet, kaunti nalang pala ang pera ko pero 'di na bale meron naman akong sweldo mamayang gabi.



Wabi-Sabi Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt