14

28 3 0
                                    

I watched him walk slowly out of my sight. I smiled as tears kept falling down, and I stared at him with regrets written on my wretched face.



I wanted to stop him from leaving, and I took a deep breath. But I just can't choose him yet.







Inakala nilang puyat at kulang ako sa tulog matapos nilang makita ang namamaga kong mga mata dahil sa kakaiyak. Siguro mas na-stress ako lalo dahil sa nangyari kanina, dumagdag pa yun sa mga iniisip ko.



Napagsabay ko naman ang pag-ta-trabaho at pag-aaral pero parang nawalan na ako ng oras para sa sarili, well, nakapag-make up naman ako, nakakabili ng mga bags, lipsticks. In short, nakapag-pretend na mayaman.



Pilit ko pa ring inayos ang sarili at naayos ko naman. Dala-dala ko ang mga cartolina at manila papers na naglalaman ng aking i-re-report mamaya.



Kulang-kulang na ako sa kain, tulog, at pahinga para lang maipagsabay ang pag-aaral at pag-ta-trabaho at siya ang isa mga dahilan kung bakit nawawala kahit papaano ang pagod ko. And now, he's gone.



"Maya, pwedeng patulong dito?" Saad ni Garry, mabilis na lumapit sa akin sabay pakita ng kaniyang homework. Saglit ko siyang nginitian bago ulit nilapag sa lamesa na nasa harapan ng classroom ang mga cartolina at manila papers. Binuklat ko ang mga yun bago nagsalita.



"Mamaya na Garry, please. Aayusin ko pa 'tong report ko," pinilit kong hindi siya taasan ng boses, kinuha ko na ang marker tsaka isinulat ang mga 'di ko nasulat kagabi.



"And paki-design nalang din ng mga borders, wala pa kasi akong breakfast!" Nakahawak sa tiyang saad ni Ella, pinilit kong hindi mainis. Parehas lang kaming walang kain kaya hindi ko alam kung bakit hindi nalang siya pumunta sa canteen at doon kumain tapos gawin niya mamaya yung design na sinasabi niya.



Hindi ko lang magawang sabihin sa kanila, dahil... Dahil natatakot ako na baka sabihin nilang ang selfish ko na hindi ako marunong umintindi.



"Later, Ella!" Nginitian ko siya, kinuha ko na ang mga highlighters na iba't-iba ang mga kulay.



"And answer my--" I immediately cut Fat off.



"Fat, guys. Please stop for a moment! Let me catch my breath, alam niyo namang may ginagawa pa 'ko!" Kalahating sigaw at kalahating kalmado kong saad, nagulat silang tatlo. Kahit ako, it was impulsive! Hindi ko alam na nasabi ko pala yun.



Napalingon ako kay Luna na ngayon ay nagulat sa biglaan kong pagsigaw, hindi naman talaga yun sigaw, naging sigaw lang talaga kasi napaka-tahimik ng classroom.



Mabuti nalang wala si Kim, alam ko kung gaano yun kasayang makita akong nagkakaganito.



He's here; Isaac is here. It is so awkward, and all I can do right now is avoid looking at him. Anyway, this will be our last day in the same subject. I applied makeup, and it was exhausting, honestly. I have to hide my face so everyone won't see me bare-faced and think of me as pretty only because of makeup.



Beauty and wealth shape affection; without them, love is hard to find.



I looked at him once again and asked myself, would he still be able to love me if I told him the truth?



"Hey—"



Hihingi sana ako ng tawad sa biglaan kong pagsigaw kanina nang bigla nalang nagsalita si Garry, leaving my mouth ajar! I didn't get it, bakit parang siya pa yung may ganang magsalita ng ganyan, should I say... Sila.



"Intindihin mo naman kami--"



"Intindihin? Saan kayo humugot ng lakas ng loob para sabihin sa akin ang salitang 'yan? Bakit? Ni minsan ba inintindi niyo ako, ni minsan ba tinanong niyo 'ko kung ayos lang ba ako? Diba wala, diba hindi?" Ngayon, I was completely shouting out of anger and pain. Heto na naman, mga luha kong nagsituluan na pero hinahayaan ko nalang. Pagod na pagod na akong punasan sila, gusto nilang lumabas edi hayaan ko.



Walang saysay ang pagpunas ng mga luha kung hindi din naman sila titigil, kasi alam nila kung gaano ako nasaktan. Punong-puno na ako.



"Nakakatawa naman kung paano niyo ko sumbatan ng ganyan gayong ako pa nga dapat ang may karapatang manumbat sa inyo, eh! Ikaw, Garry! Mas pinili kong sagutan yung homework mo kaysa sa 'kin kasi ININTINDI kita! Tapos, ikaw Ella! Binigay ko sa 'yo ang pagkain ko kasi sabi mo nagugutom ka kahit pwede ka namang pumunta sa canteen at humingi ng pagkain kasi nandoon ang mama mo, nag-ta-trabaho. Pero sabi mo nga, nagugutom ka kaya binigay ko nalang sa 'yo ang pagkain ko kahit gutom na gutom na ako, kasi ININTINDI kita—kayong tatlo pero niisang intindi na galing sa inyo, hindi ko naramdaman, hindi ko natanggap. Pero ayos lang, kasi mga kaibigan ko naman kayo, we make mistakes and that's okay. Pero ang unfair lang, you had the guts para sumbatan ako when in fact niisang katiting na pag-unawa, hindi niyo naibigay sa akin!"







Nang kumalma na ako, doon ko lang napagtanto ang nagawa ko kanina. Siguro kailangan ko muna ng oras to redeem my self again, masakit ang araw na 'to sa akin ngayon. Baka gusto nalang munang magpahinga ng sarili ko.



Bumalik lang ulit ako sa classroom nang nag-ring ang bell, hindi pa 'ko handang makita silang tatlo. At kahit kailan, hindi ko pinagsisisihan ang aking mga binitawang salita kanina.



Mabuti at naitaguyod ko ng maayos ang report kahit na mangingiyak-ngiyak na ako habang nagsasalita.



Nang matapos ang report, pumunta kaagad ako sa school ground dahil wala naman kaming schedule ngayon sa klase. Yakap-yakap ko ang mga cartolina at manila papers, tumutulo na naman ang mga luha kahit tulala lang akong nakatitig sa napakalapad na soccer field.



Siguro, kailangan ko nalang munang iwasan sila pero hindi ako titigil sa pagbili ng mga gamit para itago ang sarili. Especially since Kim knows I have a dispute with my friends, and I know how cunning that girl is, including her minions. They'll use my friends against me!



But I was interrupted from my thoughts by something on the ground, a piece of paper rolled up, I was about to throw it in the trash, but I didn't see one around, so I just put it in my pocket.



I went home, drained and exhausted. I was wiping off my make-up when I stared at my reflection and saw how damaged I am, how broken I am. Even with layers of make-up, it doesn't hide the damage caused by my unhealthy coping mechanisms for years and years. Seeking validation through servitude suddenly became involuntary, and I couldn't get rid of it.



It's like a drug I couldn't resist.



I tried to love who I am, imperfections and all, but every time someone pointed out my insecurities, all the ideas of having to be perfect just keep coming back—haunting me.



I still have the rolled paper I found when I was checking my pocket for money. Two words were written on it.



Wabi-Sabi.

Wabi-Sabi Donde viven las historias. Descúbrelo ahora