19

41 3 0
                                    

"Happy birthday, Ate!"



Umagang-umaga pero nagising nalang ako dahil sa sigaw ni Naya, may sinisigaw siya nang paulit-ulit pero hindi ko naiintindihan dahil I was still half asleep. Bumangon ako at babatukan na sana siya nang bigla siyang tumayo, sigaw lang nang sigaw, maybe she's singing it.



Sinamaan ko lang siya nang tingin bago tumayo at pumunta sa banyo para mag-mumog bago maghilamos. Nang medyo nahihimasmasan na ako doon ko lang narinig ng malinaw ang boses ni Naya, kumakanta ng 'happy birthday, ate' habang sumasayaw, para tuloy siyang bulateng nabudburan ng asin.



Nanlaki ang mga mata ko, birthday ko pala ngayon? Kung hindi siguro dahil sa kaniya 'di ko maaalala ang birthday ko.



"Gulat ka yata, ah?" Tanong niya, tumatawa, kinuha pa yung cellphone para video-han ako pero agad ko siyang sinamaan nang tingin kaya hindi nalang niya itinuloy. Nakahawak pa rin ako sa ulo ko hanggang sa lumabas ako ng banyo, madilim pa nga dito sa loob.



"Shoot! I almost forgot that it's my birthday!"



"Almost? Nakalimutan mo na nga, check the calendar,"



Pumorma ng 'o' ang aking bibig matapos makita ang date sa calendar. Okay, nakalimutan ko na nga. Maybe I wasn't that excited to remember my birthday or even to check the calendar.



"March 31, 2019!"



"Yeah, I'm not a minor anymore,"



"Are you happy?"



"Of course, I am!" I forced a smile just to convince her na masaya talaga ako, but I think she's not convinced by my acting, so the smile on her face automatically faded.



"But your expression does the opposite,"



"It's okay, I'm used to it already!"



Umupo na ako sa kama at sinandal ang ulo sa headboard, hindi na siya nagtanong pa at umupo nalang sa pinakadulo ng kama, scrolling through social media. Alam naman niya na hindi handa ang ibig kong sabihin na sanay na ako.



Ang ibig kong sabihin sa  'I'm used to it already' na sanay na akong hindi masaya sa birthday ko, hindi naman sa hindi ako masaya dahil walang handa. May handa o wala, my birthday feels like a normal day. Baka hindi na parehas noon, noong kompleto pa kami.



Biglang sumagi sa isipan ko na magkikita pala kami ni Isaac ngayon, napasulyap ako sa wall clock at nakitang alas syete pa lang. I have an hour left to prepare.



"Bakit?" Tanong ni Naya, saglit akong sinulyapan bago itinuon ulit ang atensyon sa cellphone na hawak niya.



"May kikitain ako ngayon,"



"Jowa mo?" Lumiwanag ang mukha niya, nakangiting nakatitig sa akin.



"Pwede ba?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Wala akong oras para diyan!"



Binigyan ko na rin ng number ko si Isaac, i-te-text lang niya raw ako pag-nandito na siya. Hindi ko sinabi sa kaniya ang tinitirhan ko, iyong subdivision malapit sa amin ang sinabi ko para doon niya ako hihintayin.



I locked the door nang makalabas si Naya sa kwarto at dali-daling binuksan ang drawer para kunin ang matagal ko nang pinag-ipunan. My brand new phone.



I was happy but half nervous, but a grin drew my face when I saw the apple logo appear on the screen. Wait! The charger, I breathed a sigh of relief when I saw the charger on the side.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now