3

35 4 0
                                    

Saint Cecelia University
College of Arts and Letters
Fine Arts Department



3rd floor, comfort room



A sad smile played on my lips as I raised my head and stared straight into the mirror for a few seconds before an epiphany struck me.

This is not me, but somehow, I like how I was programmed by society. And maybe they were right, beauty products may hide what our true feelings are saying, but it doesn't really take the pain away, the pain of not being enough, not beautiful enough, not financially stable enough.







"I heard lumipat na daw kayo ng bahay!"



Bungad kaagad ni Ella nang makapasok na ako sa classroom. Sinenyasan ko na muna siya na tumahimik na muna at baka malagyan ko pa ng tape iyang bibig niya.



"Yes!" Taas-noo kong sabi. It's true naman na lumipat kami, but it's not what they imagined.



"Where? Can we visit? Like last year?" Singit naman ni Garry na kakagaling maghugas ng kamay.



"I'm afraid it will not happen again this year!"



"Why not?"



"Under construction pa ang bahay, isa pa malayo ang bahay namin dito!" Sagot ko.



Saglit silang natahimik dahilan kung bakit medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Mauubusan ako ng palusot nito, kaunti nalang tatadyakan ko na kayo.



"It's okay, we can use your car!" At nang biglang sumigaw si Fat malapit sa taenga ko dahilan kung bakit ako natigilan.



"My car?"



Mag-isip ka, Maya! Mag-isip ka!



Dali-dali akong nag-isip ng palusot at dahil wala na talaga akong malulusutan pa, iibahin ko nalang ang usapan namin. Kung uubra ang pag-iba ko ng usapan, knowing them na pag-usapan ng bahay at gala napakaaktibo ng mga utak nila.



Hanggang sa sumagi sa isipan ko ang bagong labas na lip matte na matagal ko nang gustong ipakita sa kanila.



"Oh, hey! I have some new velvet for lips !" Pinilit kong ipakita sa kanila na nasasabik akong ipakita ang lip matte na dala ko kahit na kinakabahan na ako.


Kinakabahan na baka hindi ko ito nailagay sa bag.



Please! Sana nailagay ko kayo! Please!



"Really? Can I see?" Nasasabik na tanong ni Ella.



Kinakabahan akong tumawa tsaka mabilis na kinapa-kapa ang ilalim ng aking sling bag at nang nahawakan ko na ito. Para akong nabunutan ng tinik at tuluyang nakahinga ng maluwag.



Napigilan ko yata paghinga ko kakahanap sa lipstick.



"Was that the latest matte from Maybelline?" Turo ni Garry  sa loob ng bag ko.



"Yes, you want to try?"



"Absolutely!"



Tuluyan ko nang naiwasan ang muntikang pagkabuking ko kanina. Isa-isa na nilang sinubukan ang dala kong lip matte.



"Ibang-iba ka talaga, Maya!" Puri ni Fat.



Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nawala ang ngiti sa aking labi habang nakatitig sa mga kaibigan ko. Ang inakala nilang mayaman pa ako, may pera, kayang bilhin ang anong gustong ibilhin, ngayon wala na. Walang-wala na.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now