7

17 4 0
                                    

Maya's room



I could hear the clamor of the people outside. The slum is messy, but I find it comforting in a way because everyone here seems awake the whole night. No one sleeps.

Even Naya already has friends.

I stared at the mug I bought from the antique shop. It was broken, but still beautiful. It may not be the appearance, but the wisdom it keeps.

I am always lost by the beauty of old things.

I looked upon the window. The sky is too quiet and peaceful. I am not the sky and so everything in me is chaotic and filled with never-ending wars.







"Don't worry, no one will know. Unless, those brats will ruin your plans!"



Dama ko sa tono ng pananalita ni Luna ang inis habang nakatitig kay Kim at sa kaniyang dalawang alipores na naglalakad papunta sa direksyon namin. Taas-noo, akala siguro nila nakatingin ang mga tao sa kanila eh sa mga players naman.



"Bakit?" Kunot-noong tanong ko.



"Remember nang umalis ka papuntang rooftop? They were talking about how rich that brat is, how much money Kim's parents have every day, and how many businesses they own!"



"And?"



"Ikaw rin!" Bulyaw niya sabay turo sa akin dahilan kung bakit mas lalong kumunot yung noo ko.



Pero, unti-unti kong napagtanto ang sinabi niya.



"Ako din? Pinag-usapan din nila ako?"



"Naman! Tapos yung mga kaibigan mo naman, ipinagmayabang na ang daming-dami ninyong negosyo. Kaya ayun, na-triggered. Napaka-competitive kasi ayaw magpatalo, ayaw magpalamang, gusto palagi nasa taas. Just like you. By the way, I have to go may task pa kasi ako!"



Nakangiti siyang umalis kaya tumango nalang ako tsaka ngumiti din, hinintay ko muna na mawala siya ng tuluyan sa aking mga paningin bago ibaling ang atensyon kay Kim at ng kaniyang dalawang alipores na nakikipag-kwentuhan sa mga players ng Dare Lions.



Ay ambilis din! Syempre, si Isaac talaga yung punterya niya.



Humugot ako ng napakalalim na buntong-hininga bago kinuha sa bench ang isang pitsel na may lamang tubig para dalhin sa mga players bago sinimulan ang paglalakad.



Hindi naman siguro ako competitive? Pero parang tama naman si Luna, lahat ng sinabi niya tumama sa akin. Yung ayaw magpatalo, ayaw magpalamang, at gustong laging nasa taas. At yan lang ang paraan ko upang walang sino man ang makaapak sa aking pagkatao.



Dapat ko ring patahimikin yang si Kim upang hindi na siya makagawa pa ng rason upang mabunyag ang totoo kong buhay ngayon, pero papaano?



Gaya nga ng sabi ni Luna, napaka-super-competitive niya kaya imposibleng magpapatalo yan. Lalaban talaga siya kasama ang mga bwesit niyang mga alipores.



Hindi pa lang ako nakakaabot sa mga players ng may humarang sa akin, as expected, si Kim at ang mga alipores niya. At dahil 'di ako nakatingin sa dinadaanan sa sobrang dami ng iniisip, nabangga ko siya dahilan kung bakit nagsitalsikan yung mga tubig sa suot ko.



"Excuse me?" Boses mataray kaagad ni Kim ang aking narinig, nagtaas ako ng tingin at dahil medyo mataas siya sa akin kinailangan ko pang umatras ng kaunti upang makita siya ng buo.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now