12

26 3 0
                                    

Alas otso na nang makarating ako sa araneta. Matapos ibigay ang ticket sa nagbabantay sa labas ay pumasok na ako. Maaga talaga ako dahil isa ako sa mga event organizer. Nakasuot ako ng plain white shirt at burgundy na PE pants na may logo sa right side ng university tsaka lanyard at ID ko.



Ako palang yata ang pinakaunang estudyante ang nandito sa loob dahil parang ang mga kasama ko lang ngayon ay mga janitor na nililinisan ang sahig ng court.



Bumaba ako para tignan ang mga designs kung okay na ba or if complete na ba lahat ng gagamitin for the championship game. Eventually, some of the organizing team arrived, and we checked all the fans to see if they were working.



May mga aircon naman sa bawat sulok ng araneta pero iinit din yan mamaya sa sobrang dami ng estudyante ang pupunta ngayon.



9AM, naisipan kong puntahan ang mga ibang Fine Arts students doon sa may sound system para tignan if ayos na ba ang lahat. Kami kasi ang malilintikan pag may mali.



"Please play The Story Of Us during halftime, ha!" I instructed the DJ while chuckling as I left the booth.



I have always been a huge Swiftie since the release of Fearless. I even remember how many Cornettos I bought hoping to win Swift's Red Tour ticket. I could have just asked my dad to buy it for me, but I didn't want to. I don't want to spend someone else's money on my own desires. So, I didn't win any tickets and bawled my eyes out the whole night.



I was humming while walking until I saw Isaac. And there he was, wearing his yellow jersey and a white knee support. Call me what you want, but whenever I look at him, I can always imagine him being a hardfucker yet gentle and soft at the same time.



What happened between us yesterday felt like a vinyl playing over and over again. The way he touched me, softness but with a touch of aggression, makes me want to do it again.



Naka-akbay siya ngayon sa teammate niya na halatang seryoso ang pinag-usapan, tumatango-tango pa yung kasama niya tsaka nag-thumbs up. Nang nakita niya ako, ngumiti siya kaya ngumiti din ako.



Parang may sinabi siya sa kasama niya dahilan kung bakit ito nagpaalam. Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya, may dala-dala siyang malaking kulay puting plastic.



"Maya, hi!" Bati niya kaagad, isang kaway lang ang isinagot ko sabay ngiti.



"Pandesal?" Nakangiti niyang inabot sa akin yung kulay puting plastic. Kunot-noong nakatitig ako sa plastic na dala niya, ngayon ko lang nakita sa malapitan na pandesal pala ito. Umuusok pa sa sobrang init, ang sarap tuloy paresan ng kape.



"Para saan?" Tanong ko, saglit akong natulala at pabalik-balik ang mga titig sa pandesal at sa kaniya na nakangiting naghihintay kung kailan ko kukunin yung pandesal.



"Sa mga aso mamayang gabi!"



Dahan-dahan kong kinuha sa kaniya yung plastic habang nakangiti, hindi ko alam na maaalala niya yung mga aso kagabi. I'm sure matutuwa yung mga yun, pero paano niya nalaman na dadaan ako ulit doon mamaya?



"That's so nice of you, thank you!"



Kibit-balikat lang siyang napangiti tsaka ako sinenyasan na sundan siya. Hindi pa lang kami nakakalakad nang matanaw na namin sina Kim kasama ang kaniyang dalawang alipores, as always, nakasukbit sa braso niya ang kaniyang Chanel bag.



Nanlaki ang mga mata ko matapos maramdamang hinawakan ni Isaac ang aking kamay bago naglakad para sunduin sina Kim.



Kitang-kita kong halos magsilaglagan na ang mga panga nila lalong-lalo na si Kim na napakuyom nalang sa galit. Napangisi tuloy ako.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now