2

34 2 0
                                    

5:37 AM



The cold breeze swept through, causing the dry leaves to fall one by one from the tall trees, which are slowly becoming bare. With every step I take, I hear the crisp sound of the leaves beneath my feet. The surroundings are still dark, with the sun just beginning to rise. Trees sway, birds perch on branches only to leave every now and then as leaves hit them. People wear thick clothing to endure the intense cold, and even the mist demands attention from everyone.

The world is inherently chaotic, with daily occurrences of terrifying events. People face the risk of being mistaken for someone else and becoming victims of violence. Additionally, individuals are frequently subjected to unwarranted judgment, often without understanding the full context. This can lead to situations where one is publicly celebrated or condemned based on incomplete information, perpetuating a cycle of misunderstanding and judgment.





Isang taon na akong naghahanap ng trabaho, isang taong nag-a-apply pero niisang kompanyang in-apply-an walang tumawag sa akin. Kailangan naming makaalis sa lugar na yun ASAP! Bago pa mahuli ang lahat.



Madaling araw akong umalis sa bahay upang walang makakita sa akin, tulog pa nga sina mama 't Naya noong umalis ako. I stared at both of them, slowly breathing and peacefully sleeping. I took a deep sigh because I now see that I will never be able to sleep with that kind of feeling ever again. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng pwedeng mapag-ta-trabahuan, sa bawat kalyeng nadaanan ko wala niisang karatulang nakalagay na 'hiring'.



May mga tao din namang palakad-lakad na sa kalye na halatang papuntang palengke upang mamili, may iba din na maagang nagbukas ng tindahan, may ibang maagang namasada, may ibang maagang nangalakal. Kaniya-kaniya may ginagawa, lahat dapat kumilos para lang mabuhay.



Nabigyan ako ng pag-asa sa paglalakad-lakad nang makita ko ang isang tindahan na mukhang naghahanap ng katulong dahil sa karatulang nakasabit malapit sa pintuan. Dali-dali ko itong nilapitan at binasa ang nakasulat sa karatula.



Come in, we are open!



Akala ko pa naman makakahanap na ako, sinilip ko muna kung may mga tao na ba sa loob ngunit isang matandang lalaki lang ang nakita ko na naglilinis sa isang lumang estante.



Maganda ang ilaw sa loob, nakakahalina pero ewan ko lang kung may mga tao bang pumupunta dito, tambak-tambak pa kasi ang mga lumang kagamitan sa bawat sulok ng tindahang ito.



Kasabay ng aking pagpasok sa antique shop ay ang pagtunog ng telembang na nakasabit sa itaas ng pinto, saglit ko itong tinitigan bago tuluyang pumasok.



Kasing tahimik ng namatayan ang antique shop na 'to. Matumal yata ang benta lalo na't tambak-tambak pa sa gilid ng pintuan ang mga kahon na pinaglalagyan ng luma at antikong kagamitan.



Pero imbes na trabaho ang hinahanap ko, iba ang aking nahanap. Bagay na dito ko lang makikita. Isang lumang basag na tasa ang umagaw ng aking atensyon.



"Magkano po ito, manong?" Tanong ko sa mamang naglilinis sa lumang estante na malapit na sa dulo ng tindahan.



"Bente pesos lang, hija!" Tugon niya nang hindi ako tinatapunan ng sulyap.



"Ang mura naman,"



"Indeed, but it's rich in its history!"



"Bibilhin ko po 'to, manong!" Agad kong kinuha ang kulay krema na basag na tasa.



Wabi-Sabi Where stories live. Discover now