27

25 2 0
                                    

"Tinatanong pa ba yan?"



Nanigas siya nang yakapin ko siya. Abot tenga ang ngiti ko habang yakap-yakap siya, naramdaman ko kaagad ang pag-yakap niya pabalik kaya naman isinandal ko sa dibdib niya ang ulo ko tsaka pumikit.



Napadilat ako nang maramdamang madalang nalang siyang humihinga, minsan mabibigat na buntong-hininga pa. Naiiyak ba siya?



"Of course, it's a yes," that was almost a whisper, I looked up while still wrapping my arms around him. Nakatitig lang siya sa kung saan habang kagat ang ibabang parte ng labi at pilit pinipigilan ang sarili sa pag-luha?



He removed his hand just to scratch his nape, probably feeling shy.



"Naiiyak ka ba?" I was worried.



He didn't verbally answer my question, but instead, he responded with a soft kiss on my lips. I stood there, frozen, hugging him as I gazed at his face up close. He closed his eyes, yet I could see tears falling down.



"Sama ka lang sa 'kin," he smiled but there was something in his eyes that was concerning.



I could feel it. He’s sad, but not for himself—just sad. I knew it; he’s being empathetic. But to whom?



Tumango lang ako tsaka siya binigyan ng maliit na ngiti bago niya pinaandar ang big bike. It was overwhelming to ride a big bike, but the fresh breeze you get is top-tier. Natawa kami pareho dahil nang yayakapin ko na sana siya pagka-upo ko, iba yung nahawakan ko sa harapan.



Napadaan pa kami sa tapat ng slum kaya tumitig muna ako saglit sa kabilang direksyon para walang makakakita sa akin.



Napapikit nalang ako habang dinadama yung hanging marahang tumatama sa aking mga balat, napasulyap ako kay Isaac sa side mirror. Kaloka! Ang gwapo niya talaga.



Tahimik lang kami sa buong byahe, nasa Santiago pa rin kami. He stopped at the gas station to fill up the tank and also parked near the station, in front of the convenience store. 



"Tara," pinagbuksan niya pa ako ng pinto, tahimik lang akong nakasunod sa kaniya, "Kunin mo anong gusto mo!"



Kung makautos parang manager ng convenience store. Ngumiti ako bago naglakad-lakad doon sa beverages area. Kumuha ako ng chocolate drinks tapos yogurts bago siya pinuntahan at nagulat nalang sa dami ng chichiryang nakalagay sa cart na ngayon ay nasa tiles lang. May kinukuha siya sa isang shelves na nasa tuktok, mga tissues ata.



"Did you bring extra shirts?" Tanong niya nang makalapit ako, nilagay na ang tissues at wipes na nakuha niya bago kinuha ang cart sa tiles. Nilagay ko na rin yung mga kinuha ko sa beverages area, natawa pa siya ng kaunti sa nakita.



"You didn't say anything about shirts,"



Napatingin ako doon sa shelves na may mga fluorescent sa itaas ng mga pagkain. There are multiple shelves for ready-made breakfast items tapos sa pinakailalim naman ay desserts, kumuha ako ng dalawang packed lunch box.



"Ano dito ang mas gusto mo? Itong sisig o giniling?" but I suppose he was clouded by so many thoughts that he couldn't hear me.



"Ha?"



Siniko ko siya at pinakita ulit yung sisig at giniling.



"Alin dito ang mas gusto mo?" Tanong ko ulit, napangiti siya nang makita ang dala ko. Mukhang wala pa siyang kain gaya ko kaya tig-da-dalawang sisig at giniling nalang ang kinuha ko para sigurado.



Wabi-Sabi Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin