Film 03

13 1 0
                                    

Paige Maree's

Warm lights would always make me yawn. I mean that in a positive way. I like warm lights because it makes me feel at ease. Nakakaramdam ako ng solace... and it makes me yawn kasi nakakantok. Warm lights for me, resonates rest.

Kaya lang hindi pa ako makapagpahinga hanggang ngayon dahil nasa reception pa rin kami.

Gabi na at ang tanging nagpapaliwanag na lang sa paligid ay ang mga warm lights na ikinabit. Maganda ang pagkakaset-up at pagkakadisenyo ng wedding coordinator na kinuha nila. Masasabi mong hindi nila tinipid at talagang napiga ang utak nila sa pag-iisip ng concept.

Kaninang hapon pa ako nagbihis ng damit. I was not comfortable walking around wearing a gown and high heels kaya kahit pa hindi pa nagbibihis ang mga pinsan ko ay nauna na ako.

They weren't going to do any traditional activities gaya no'ng garter thing. Hindi na rin ako nakilahok pa sa mga nangyayari kanina. I stayed inside the hotel room. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagbaba ko ay doon ko napansin na gabi na pala. Right now, I'm laying on a hammock habang pinagmamasdan ang ibang bisita na nagkakasiyahan. Good thing I brought a book with me.

This is a great book and I would really recommend this if only I knew someone na mahilig rin magbasa ng libro. I guess people really are different at maswerte ka kung makakahanap ka ng taong makakasundo mo sa maraming bagay.

Nang medyo naging maingay na at hindi na ako makafocus sa binabasa ko ay isinara ko na ang libro. I went back to the room at inilagay ito sa bag ko at siniguradong hindi ito madadaganan o masisira. I took my journal in return. Hinanap ko pa sa pinakailalim ang paborito kong ballpen.

Bumalik ako sa baba at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Everybody is busy with their own business. Sa unahan ay naghahanda na sila para sa isang malaking bonfire. May nag-iihaw na rin sa paligid.

Umupo ako sa gilid kung saan nakapalagay ang rattan chairs na tinatambayan ng mga pinsan ko kanina. Ngayon kasi ay nando'n na sila at nakikisali sa paghahanda ng bonfire. Yung iba ay nauna nang kumuha ng pagkain sa buffet kahit na hindi pa pwede.

Okay naman ang pwesto ko rito dahil kahit medyo malayo sa ibang tao, nakakarating naman dito ang ilaw mula sa malayo at nakikita ko pa rin at nababasa ang laman ng journal ko.

I answered the mood tracker. I was feeling neutral. Siguro kanina ay medyo nakaramdam ako ng saya pero ngayon ay tanging pagod na lang. Gabi na rin at gusto ko nang magpahinga. But for the people I'm with here, the fun is just starting.

Hindi ko namalayan na napahikab pala ako dahil sa iniisip. I flipped the page para makapagsimula na akong magsulat ng kung anong nangyari sa araw na 'to. Journaling is fun.

It can help you keep track of your development. Through this, I can make sure na everything is under control. This can also make me calm since it makes me distracted most of the time. Masaya rin sa pakiramdam kapag bored ako at may journal ako na mababasa. It can make me reminisce some of the fun memories. I even included pictures and stickers to somewhat visualize the emotions para kahit papa'no ay maramdaman ko pa rin ito years after.

I stopped writing when I heard a camera clicked somewhere behind me. Dahan dahan kong binitawan ang ballpen at isinara ang journal ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para lingunin kung sino man yung kumuha ng litrato.

I stared at what he was doing for a moment. He was too preoccupied with his camera. I looked at where his lens was directed at. Bahagyang bumuka ang aking bibig dahil sa pagkamangha. It was full moon and I didn't even notice kahit kanina pa ako nandito. 

Law of AttractionWhere stories live. Discover now