Film 21

8 0 0
                                    

Paige Maree's 

Nag-iikot kami ni Kylee sa loob ng campus. Ang bilis ng panahon dahil una sa lahat, grade 10 na kami at foundation day namin ngayon. Each booths were buzzing. Hindi ko na mabilang ang mga taong nadadaanan namin. Open event kasi kaya marami talagang tao ang mga nandito. Most of them ay hindi galing sa school namin. Siguro ay mga kakilala ng schoolmates ko. 

"Ba't kasi ginawang project yung pagbabantay ng booth," narinig kong reklamo ni Kylee na may balak atang mag-ikot lang the whole day. 

Kaya hindi namin kasama si Alissa ngayon kasi ngayon ang assigned time niya para magbantay ng booth. Nagpaalam naman kami sa kanya na mag-iikot muna kami. Kanina pa kasi kami nakatambay sa booth namin. 

Mamayang 3 PM pa ako magbabantay sa booth. Sana lang hindi masyado gano'n kadami yung tao mamaya. Isa rin kasi sa rason kung bakit kami umalis sa booth ay dahil kulang na sa space. Hindi na kasya yung mga tao do'n, 

"Sa'n ka ba pupunta?" tanong ko kay Kylee dahil sumusunod lang ako kung saan siya papunta. 

"Nagugutom ako," sagot niya sa akin kahit kumakain siya ng siomai habang naglalakad kami. 

Inaya ko siyang umupo muna kami do'n sa benches sa gym. Grade 10 rin may hawak sa broadcast booth at do'n nakaassign si Red. Nakikita ko sila ngayon dahil nasa stage ng gym nakapwesto ang broadcast club. 

"Wala ba kayong balak mag-ikot ni Red?" tanong ni Kylee. Ice cream naman ang kinakain niya ngayon. 

"Ewan, mamaya siguro. Matagal pa rin matapos shift niya d'yan," I said. 

Nakita ko kasi kanina yung schedule na pinost ng adviser namin. Kanina pa kami naglalakad kaya medyo nakahinga ako nang maluwag pagkaupo. I can feel my feet go numb. Si Kylee naman kasi, hindi nawawalan ng energy. Hanggang ngayon nakatayo pa rin siya para maghanap ng next destination. 

"Mukhang masaya do'n oh," turo niya sa kung saan may mga nerf gun at may mga basong target. 

"Mamaya na, Ky. Masakit na paa ko," I said. Tumango naman siya at umupo na sa tabi ko. 

"Nagpaconvert ka pa ng pera?" Kylee asked. 

Kapag foundation day kasi namin, may mga chits kami kung saan kino-convert yung pera namin into chits at chits lang ang pwedeng gamitin pambili sa mga products dito sa campus. Umiling ako kay Kylee. 

"Sayang lang sa pera, wala naman akong gustong bilhin dito." 

May lunch na rin kami. Hindi libre kasi kasali na 'yon sa binayaran namin for the foundation day. 

Pansin kong mas lalong dumami yung mga tao sa broadcast booth. Sa broadcast booth kasi nagpapashout-out or nagpapadedicate yung mga studyante. Sila rin in-charge sa song requests. Yung isang booth namin ay mga pagkain yung tinitinda. Hindi ko pa alam kung saan ako naka-assign. Yung oras lang ng shift ko alam ko. 

Biglang tumugtog yung Jet Lag ng Simple Plan. 

"This song is dedicated to my Na Hee Do, Kristine from section Armstrong. This message is from Baek Yi Jin. Kilala mo na daw siya," I heard Kianna say. Siya yung kasama ni Red sa booth ngayon. 

Kaagad kong narinig ang buong gym na nagsi-tilian na para bang kilala nila kung sino 'yon. Kunot-noo akong bumaling kay Kylee na sumali sa pagtili. 

"Kilala mo 'yon?" I asked. 

"Oo naman! Hindi mo ba kilala?" 

Umiling ako. 

"Si ano, teka nakalimutan ko yung pangalan. Basta yung umamin sa'yo last year tapos binasted mo. Diba about LDR yung kanta? Nagmigrate kasi pamilya nila pero may naging jowa siya after mo binasted. Si Kristine," Kylee explained. Tumango lang ako, dina-digest pa rin yung newly found information ko. 

Law of AttractionKde žijí příběhy. Začni objevovat