Film 28

6 0 0
                                    

Paige Maree's

The animal shelter has always been a big part of me. . . and now that Red's already a part of my life, sa tingin ko ay dapat ko nang ipakita sa kanya ang ganitong parte ng buhay ko. The one who volunteers in this kind of work.

I asked him to go to our house at 8 AM and the man that he is, he didn't exceeded over that time. Eksaktong alas otso ng umaga ay nakarinig ako ng serbato ng sasakyan sa baba.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagkakaalam ko, hindi pa siya pinapayagang magdrive, not until he reaches 18.

I was still looking for a shoes to wear when I heard the honking. Mabuti nga at tambay si Kuya Jiyo sa terrace kaya may kumausap agad kay Red.

Hindi ko pa naipapakilala kay Lala si Red, at hindi rin ako nakapagpaalam sa kanya tungkol rito. It's not that I am afraid of her, palagi naman niya akong iniintindi at pinapaintindi niya naman sa akin nang maayos ang mga ayaw niya sa mahinahong paraan. Kaya siguro ayaw ko ng sinisigawan ako because Lala's upbringing had always been calm and hostile.

Wala naman akong narinig mula sa kanila na bawal akong magboyfriend. Nahihiya lang akong magsabi kay Lala tungkol rito... because it's awkward. A teenager telling her grandmother about her romance. Iniisip ko pa lang ay namumula na ako sa hiya.

Sa kaso naman ng Mommy at Daddy ko, I think they won't care about this as long as hindi ko pabayaan ang buhay ko. Kaya hindi na rin ako nagpaalam pa sa kanila. I can't also recall them telling me that I'm not allowed.

They've been extra busy. Tita Maricel's pregnancy kept Dad busy. Hindi ko nga alam kung naaalala niyang may isa pa siyang anak. Mommy went for Qatar to Dubai and her work doubled in Dubai. Sa huling pag-uusap namin, naalala kong sa States naman siya sa susunod.

Pinili ko ang isang mustard yellow na converse high cut. I was wearing a white flowered simple flowy dress. I used my butterfly clip to keep my baby hair from falling bago ako bumaba.

"Sorry, natagalan." I said as I was glancing at my wristwatch.

Naabutan ko si Red at Kuya Jiyo sa upuan sa terrace kung saan madalas nagkakape si Tita Fe. Narinig kong tungkol ata sa NBA finals ang pinag-uusapan nila bago ako dumating at nagsalita.

Red looked at me and smiled. He was wearing his usual denim jeans, white shirt na pinatungan ng isang checkered flannel polo.

"Nagpaalam ka kay Lala?" sabat ni Kuya Jiyo dahilan upang matigil ang pagtititigan namin ni Red.

"Yup," I said as I showed him the cheque that Lala left with me. Umalis kasi si Lala para sa isang check-up. Nilagay ko ito sa loob ng tote bag ko. Lala gives donations to the animal shelter too. Hindi lang talaga siya makabisita dahil sa katandaan. 

"Kay Tita Fe?" taas kilay ni Kuya Jiyo na para bang iniinis ako. Nakadirekta ang tingin niya sa tao sa likod ko.

Napatalon naman ako nang makita si Tita Fe pagkalingon. She's wearing a dress at hindi na mawawala ang shawl na nasa balikat niya. She was looking at me like she was observing what I was about to do.

"May pupuntahan lang po kami, nasabihan ko na po si Lala kahapon," I informed Tita Fe.

Si Lala naman ang palaging nagdedesisyon kapag tungkol sa akin. As a sign of respect, sinasabi ko kay Tita Fe kung aalis ba ako o hindi kapag nakikita ko siya.

"Si Red po pala," pakilala ko nang lumapit si Red sa kanya para magmano.

"Nice meeting you po... again," hindi mawala ang ngisi sa labi ni Red.

Kumunot pa ang noo ko sa pag-iisip kung saan sila posibleng nagkita dati nang maalala kong isa nga pala siya sa mga photographer sa kasal ni Ate Dayana.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now