Film 20

4 0 0
                                    

Paige Maree's

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Dagdag rason na naman para hindi ako makatulog.

"I'll change my Facebook display photo," pagpapaalam ko sa kanya.

It's been years since I last changed my display photo. Ang laking pagkakaiba na ng mukha ko noon sa mukha ko ngayon. People might think that this is an old account that I no longer have access to pero ang totoo, sadyang hindi lang ako gano'n ka active.

"You put it on private?" he asked. Tumango ako. May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya tinuloy.

Hindi ko namalayang napahikab na pala ako pero napansin niya 'yon.

"You're already sleepy," he said. "Tulog ka na," dagdag niya pa.

Inaantok na nga ako.

"What about you? Hindi ka pa tapos?" I asked.

"Malapit na, sleep ka na. Have a good night, Paige." he smiled at me. I smiled back at him bago ko pinatay ang tawag.

Kaagad akong pumasok sa kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan para hindi magising sina Cali.

Nagsimba kami kinabukasan. When I said kami, kaming lahat. As in lahat ng mga pinsan, mga tito, tita, at si Mommy. Minsan lang 'tong mangyari kaya weird tignan.

Kuya Jiyo and his parents fought again. Hindi verbally pero pansin ko kasi malamang, hindi sila nag-iimikan. Hindi rin siya tumabi sa kanila sa bench. Sa amin ni Lala siya tumabi.

Minabuti rin nilang hindi magkatabi si Cali at Claire dahil kahit Pari ata hindi magawang putulin ang mga sungay nila kapag nagpang-abot.

"Hindi ka talaga sasama?" Mommy opened the topic while we're eating lunch right after namin magsimba. They decided to eat here at a known local restaurant. Masarap naman. Congressman ata yung may-ari nito at kakilala nila.

Umiling ako kay Mommy. "I won't," I said.

"Babalik na ako sa Dubai bukas, my offer is still valid. Pwedeng do'n ka na after your Moving Up Ceremony sa Grade 10," pagkumbinsi niya sa akin pero hindi na ako umimik.

Why would I leave my life here? Maayos naman ang lahat dito kaya ba't ko pipiliing iwan?

"Ayoko ngang umuwi!" I heard Kuya Jiyo say downstairs. Umuwi na lahat ng mga pinsan ko. Within the city lang naman mga bahay nila but decided to stay here for Lala for a while.

Lumabas ako sa kwarto para silipin ang mga nangyayari sa baba. I silently went downstairs para hindi ko maagaw ang atensiyon nina Tito.

Dumiretso ako sa kwarto ni Lala to check up on her. Alam kong maaapektuhan siya sa lumalalang pag-aaway ni Kuya Jiyo at ng parents niya.

Naabutan ko si Lola na nagro-rosary. Kaya siguro hindi siya nagpapaistorbo sa mga kaganapan sa labas. Umupo muna ako pansamantala sa rocking chair niya at pinagpatuloy na basahin ang bitbit kong libro.

I was reading this earlier when I heard the commotion kaya bitbut ko 'to ngayon.

"Ano ba, Jiyo! Habangbuhay ka nalang bang magiging problema!" I flinched at those words. Ganitong mga salita ba ang palaging naririnig ni Kuya Jiyo?

"Hindi na nga ako umuuwi para wala na kayong maging problema!" Kuya Jiyo shouted.

"Paige, apo, sabihan mo silang hinaan ang mga boses nila." Lala told me.

Napatingin tuloy ako sa personal nurse ni Lala upang humingi ng tulong. Paano naman ako papakinggan nila Kuya Jiyo? Mahina ang boses ko, walang conviction. Isa pa, I'm too scared to get in between their fight!

Law of AttractionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang