Film 31

9 0 0
                                    

Paige Maree's

The meeting went by in a blur. Nagkaroon lang ng assigned tasks para sa papalapit na intramurals. Malaking tulong rin na marami nang members ang club ngayon kasi marami na kaming kahati sa mga dapat i-cover na events. Hindi tulad dati na kulang na lang ay hatiin namin ang aming mga katawan just so we could leave no details out. 

The ones handling the school paper gave us some details on what we should expect. Nakipag-usap na rin kasi sila sa Student Council, the one who planned the entire event, para alam nila ang mga mangyayari. The photographers were paired with the writers of the school paper para sa isang event ay mayroon nang writer at photographer na magco-cover. 

This meeting was just to inform us of the plans pero dahil hindi pa masyadong pulido ang mga mangyayari ay magkakaroon kami ng another meeting next week. Before the meeting ended, their editor in chief approached me just when I was about to stand up and leave. Nauna tuloy umalis ang ibang members. Ang naiwan na lang ay si Red na siyang may hawak ng susi ng club room kaya siya rin yung dapat na mag-lock at ang editor in chief ng school paper na si Chelsea. 

"Paige, pasuyo naman, oh. Pwede bang ikaw ulit humawak sa feature column? Pwede ring sa literary, choice mo, promise. Kulang lang talaga kami sa writers," she asked. Walang alinlangan akong tumango. 

I've done this before. Last time kasi no'ng buwan ng wika ay nalaman ni Chelsea na nagsusulat ako. Those were just some random poetries and prose. Inaya niya akong sumali sa school paper but I declined. I wasn't that confident before with my writing. She wanted me to try kaya pinagawa niya ako ng mga tula at mga kwento. She likes how I write in Filipino. When she discovered that I could also write well in English, hindi na niya ako nilubayan. She made me an unofficial member of the school paper. Sabi niya ay permission ko na lang daw ang kulang para maging official member na ako. 

She published my works on the school paper at nakalagay talaga ang pangalan ko sa members. Nagustuhan ko na rin naman ang mga pinapagawa niya kaya hindi na ako nagreklamo. In line with my strand din naman 'to kaya dagdag experience na rin. Chelsea said she'll fill me in with the details kapag nakausap na ulit niya ang SCG President. May ilang linggo pa naman kami bago ang intramurals week. 

Sabay kami ni Red paalis. Dumaan muna kami sa isang pasyalan bago tuluyang umuwi. Red likes isaw. He's craving for it almost everyday. Bumili siya ng benteng piraso para may bitbit siyang pagkain papunta sa seawall kung saan kami tatambay muna. 

"Wala kang bibilhin?" Red asked when he noticed that I didn't show interest for the food everywhere. Nakahilera kasi rito ang mga street foods. Umiling ako sa kanya.

"Busog pa ako," I told him pero hindi siya natinag at binilhan niya pa rin ako ng kwek kwek. 

"Namumutla ka, kain ka kahit konti lang..." he gave me a soft smile habang inaabot niya sa akin ang plastik na may lamang kwek kwek at suka. 

I appreciated his gesture. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin. I will feel guilty kapag hindi ko 'to kakainin pero my mind keeps on diverting back to the thought that my weight would fluctuate. Nahihilo akong isipin ang posibilidad na 'yon. 

My other hand was holding the kwek kwek while my other hand caught Red's warmth when he held it. Sabay kaming naglalakad habang magkahawak-kamay. He was looking for a stall kung saan may masarap na drinks. I was bothered that he might force me to a sweet drink but it didn't happen. Tinanong niya lang ako kung anong gusto kong inumin at no'ng sinabi kong tubig lang ay wala na siyang ibang sinabi. He just bought a fruit shake for himself.  

Pumasok na kami do'n sa gate papunta sa sea wall. Kaagad kong natanaw ang isang bench na walang nakaupo. Gusto ko ang pwestong iyon kasi hindi masyadong nasisinagan ng araw na papalubog at wala rin masyadong tao ang nakapaligid rito.

Law of AttractionOn viuen les histories. Descobreix ara