Film 29

4 0 0
                                    

Paige Maree's

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapakita ni Red sa akin ang mga litratong kuha namin kanina. May ibang pangbloopers pa nga kasi saktong pagclick ng camera ay ang pagtalon ng aso mula sa amin.

We had lots of candid shots. Red edited those photos first before sending me the Google Drive link para hindi masira ang quality. The whole organization thanked us pero para sa akin, wala naman 'yon. Nakakataba sa puso na natulungan ko ang mga asong ito.

Nakatambay ako sa sala kasama ang aking mga pinsan nang natanggap ko ang message ni Red. Dito kasi palaging nakatambay yung ibang mga pinsan ko simula no'ng Christmas break.

Cali and Claire are fighting over what to watch on the television habang si Jea naman ay nagbabasa ng libro sa tabi nila. Kuya Jiyo was focused on his phone, sanay na sa araw-araw na bangayan ng dalawa.

Paige Maree:

Nasend mo na kay Ate Mela yung link?

Roman Edrick:

yes pu, bb. ipo-post na raw nila laterz 😋

Ever since we became official, ganyan na magtype si Red. Pagod na raw siyang magpanggap na may pogi typings siya. Panahon na raw para magpakatotoo. Ewan ko ba sa kanya. Ganyan naman siya magchat dati pa sa group chat ng section namin. Kaya lang kapag personal message, buo naman yung mga tina-type niya at mayroong maayos na punctuation mark.

Namili ako sa mga kuhang litrato ni Red sa akin. Nagustuhan ko naman yung kuha niya sa akin kung saan nakasuot ako ng tshirt ng organization at yung background ko ay yung puting wall. I was smiling at the camera habang ineemphasize yung suot kong tshirt.

I changed my Facebook display photo at ang litratong 'yon ang pinalit ko. I wrote a long caption encouraging people to help the organization. Hinikayat ko rin sila na bilhin yung tshirt at nilagay ko yung link ng Facebook page ng organization.

I didn't put the privacy setting of my photo into only me para makita at malaman ng ibang tao yung tungkol sa organization. The official facebook page of the organization shared my photo. I didn't expect that kaya naoverwhelm ako. I was about to put that photo into private nang biglang magnotify ang comments ng mga kaibigan ko.

Alissa Gieselle Santos
Pretty naman!!

Kylie Moreeze Tiazon
Hello po miss pwedeng pengeng digitzzzz

Karlos Christian Quizon
omg paige kahit anong angle maganda ka raw sabi ni [redacted]

Roman Edrick Vallejo
Ganda naman... hehe ><

Calista Denise Alvarez
g

anda ng lahi NAMIN @Jiyo Alvarez

Inisa-isa ko pang binasa yung mga comments nila. Emoji na heart lang yung comment nina Ate Dayana. May iba pang stickers mula sa mga kamag-anak namin. Halos kamag-anak ko lang kasi yung kaibigan ko rito.

Pumunta naman ako sa Instagram para magpost din doon. Nagkakaanxiety ako sa bawat notification na natatanggap ko kaya nakamute muna yung Facebook ko pansamantala.

Sampung litrato yung napili ko kung saan karga ni Red isa isa yung mga aso. The first photo that can be seen was the photo of Red and Macky. I'm really fond of that dog.

paige.maree bark! help these doggies find a home this xmas ⛄ hohoho!

Wala ata talagang magawa yung mga kaibigan ko ngayon dahil nagnotify kaagad yung paglike nila.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now