Film 05

17 1 0
                                    

Paige Maree's

Classes started and I never felt even an ounce of excitement for this. Ang tanging nagpapasaya lang sa akin ay ang mga bagong gamit ko.

I love waking up early in the morning but I hate the thought of being obligated. I want to do things on my own and not because I am programmed to do something.

Gaya ng inaasahan, maaga nga akong nagising. Yaya already prepared breakfast nang bumaba ako. I was done taking a bath. Tapos ko na ring i-prepare ang mga gamit ko for school. First day pa lang naman kaya small bag pa ang dala ko.

I live with my Lala and my Aunt whom I think, is destined to be single. Kapatid siya ni Mommy and she's kind naman. Nagpaalam ako kay Tita Fe na aalis na ako. Nakahanda na rin ang driver sa labas. She nodded in response. Gusto ko sanang magmano kay Lala pero nasa loob pa rin siya ng kwarto niya ngayon. Sa tingin ko ay natutulog pa rin siya.

Pumasok ako sa loob ng kotse and slammed the door shut. I stared at my new shoes. Actually, wala naman sana akong balak bumili ng sapatos but the day after my Dad called, tumawag rin si Mommy. She gave me money to buy new shoes and bag. Pero yung bag ko, hindi ko na pinalitan pa.

I arrived at school too early. Bilang palang ang mga tao at ang classical music lang mula sa speakers ang maririnig mo sa paligid. Our buildings are cream-colored. Since I'm in 9th grade, nasa second floor na ng kabilang building yung room ko.

It's good to arrive early kasi makakapili ka pa ng upuan na gusto mo. I opened the door of our room and may ibang tao na doon. Most of them are already familiar. Kada taon kasi ay nag-iiba ang classmates namin. Naka-shuffle always kaya every year rin kami nasusurprise kung sino ang makakasama namin. Others hated that process dahil may mga taon na mahihiwalay sila sa kanilang mga kaibigan. But it's okay for me. Of course, we're different.

They noticed my arrival but they just took a quick glance. Kaagad rin naman silang bumalik sa kanilang usapan. Good thing they didn't greet me because I do not know how to properly handle that. I'd just smile awakwardly.

I smiled to myself when I saw that the seat on the last column last row is not yet taken. It's peaceful here and this has always been my seat eversince. Alam na 'yan ng karamihan. Wala rin namang pumipiling umupo rito dahil bukod sa hindi mo masyadong maririnig ang guro rito, hindi rin klaro ang mababasa mo sa harapan.

We can't bring phones to school. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit nakakabagot rito. It needs social interaction pero kaya ko namang maging tahimik buong araw. Maganda rin dito sa pwesto ko dahil nakakapagbasa ako ng libro nang hindi nakikita ng teacher namin.

Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas syete na. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagtaka kung bakit wala pa sina Kylie and Alissa. Saktong pagtingin ko sa pintuan ay siya ring pagbukas nito.

"Paige!" Both of them squealed. They're the ones whom I consider to be my friends.

Nginitian ko sila nang malaki at kumaway. Kaagad naman silang lumapit kung nasa'n ako.

"Hindi ka ba nagbabasa ng messages? Sabi ko magkita tayo sa mini-forest at sabay na tayong umakyat rito!" Alissa said kaya kumunot ang noo ko.

"I didn't check my phone earlier. Naghintay kayo sa baba?" I answered.

"Nope, alam naman namin na ikaw palagi ang nauuna kaya no'ng nakita naming wala ka do'n ay malamang nandito kana. Isa pa, hindi ka naman talaga nagbabasa ng messages." Kylie laughed kaya nakahinga ako nang maluwag.

Umupo na sila sa napili nilang upuan. Alam ko naman na hindi sila tatabi sa akin dahil ayaw nila rito sa pinaka likod. They've been trying to convince me to sit beside them kasi may vacant pa naman pero okay na ako sa napili kong pwesto.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now