Film 09

11 0 0
                                    

Paige Maree's

Late akong nagising kinabukasan. I was panicking the entire time. Halos hindi ko na naayos yung pagligo ko. Idagdag mo pa na malapit  kong makalimutang PE pala ngayon at imbes na yung PE uniform ko yung dapat ihanda ay yung palda pa yung nalabas ko.

"Alis na po ako," I said habang nagmamano ako kay Lala.

Tumakbo ako papunta sa main door at hindi na nag-atubiling ayusin ang sintas ng sapatos ko. Sumakay kaagad ako sa sasakyan at pinadali si Manong sa pagmamaneho.

Nakahinga ako nang maluwag nang makaabot ako sa school na hindi pa time. Pagpasok ko sa classroom, nando'n na halos lahat ng mga kaklase ko. Umupo kaagad ako at kinuha ang libro ko sa Filipino na first period namin ngayon.

"Natagalan ka ata," Alissa pointed out.

"Napasobra yung tulog ko,"sagot ko habang hinahabol pa yung hininga ko dahil sa pagtakbo ko paakyat sa room namin.

'Pag sasagutin ko siya na puyat ako kagabi, tatanungin niya kung bakit ako nagpuyat eh alam naman niyang palagi akong maagang natutulog.

Inilabas ko lahat ng mga materials ko for the review. First period kasi namin ang Filipino at may quiz kami ngayon. Malapit na rin yung foundation day ng school kaya this week lahat ng mga quizzes and exams. Masasabi kong hell week ata 'to ngayon.

I forgot to eat breakfast dahil sa pagmamadali ko. Nakaramdam ako ng gutom at kasunod nito ay ang pamumulupot ng aking tiyan pero tiniis ko lang yung sakit. Nawala rin naman siya kalaunan.

I did great sa quiz. Majority of the class got a perfect score. Pinanliitan ko ng mata si Red when I saw what he wrote on my paper.

Corrected by: Red the reviewer

Kasunod ay ang Science period namin where we had the activity. Maayos naman namin itong nasagawa. When recess came, hindi na ako nakaramdam ng gutom kaya mas pinili ko nalang natulog kahit saglit lang. PE yung sunod naming subject and I think I need to regain energy for that.

We need to practice the dance presentation for the upcoming alumni homecoming.

I felt a light tap on my back. Tinignan ko kung sino ito at nakitang si Red. He was wearing a Nike headband. He's already sweaty kaya nagtaka ako kung nagsimula na ba yung PE period at naiwan ako rito sa classroom.

He sat on the arm of his armchair habang nakapatong yung yung paa niya sa side ng chair ko.

"Papunta na si Miss," he informed me kaya dali dali akong umupo nang maayos.

Hinihingal pa siya dulot ng kung ano mang ginawa nila before. I noticed that the other boys were also already sweaty.

"Red!" I heard Justine called him. Paglingon ni Red ay kaagad binato ni Justine sa kanya yung bottled water. Buti na lang at nasalo 'yon ni Red.

That move was straight out from a movie.

"Sa'n kayo galing?" I asked. I was hoping he wouldn't let me repeat myself when I noticed na ang hina ng pagkakasabi ko.

"Basketball sa gym," he answered. Tumango ako. Hinanap ng paningin ko yung mga kaibigan kong nasa kabilang column na nakikipag-usap.

Our president announced na pinapapunta na daw kami sa gym. Dali-dali naming hinanda ang aming mga sarili. Kinuha ko yung panali ko ng buhok and put my hair in a ponytail.

"Sa gym nalang sana kayo nag-stay. Babalik rin naman pala do'n," I told Red since he was walking beside me.

"Bawal kaming maglaro 'pag recess. Pumuslit lang kami kanina. Papagalitan kami 'pag nalaman," he answered.

Law of AttractionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora