Film 30

7 0 0
                                    

TRIGGER WARNING: EATING DISORDER

Paige Maree's

I lost weight. Tons of it. That's what people kept on repeating everytime they see me.

I stared at myself again at our full length mirror. Hindi ko talaga medyo pansin na pumayat ako, but our weighing scale says otherwise. I lost 10 kilograms which makes my weight 45. I achieved my goal but what other people says about me really bothers me. Mas gusto raw nila yung medyo may laman ako. Pinipilit kong hindi pansinin ang sinasabi nila. Kaya lang, akala ko mas magiging confident ako kapag pumayat ako, mas lalo lang ata akong pinapakialaman ng mga tao.

I was taking notes habang nagsasalita ang guro namin sa pisara. I've never felt this lonely in my entire school years. Red and I don't have the same strand. Alissa chose STEM. Kasama ko si Kylie sa HUMSS pero magkaiba kami ng section. I know I prefer being alone pero ang hirap kapag wala kang gaano ka-close tapos puro group work yung pinapagawa.

I've grown to become independent. Hindi na rin katulad ng dati ang pagiging mahiyain ko, I can say that there's really an improvement given na kailangan makapal ang mukha ko sa strand na kinuha ko.

Hindi ko alam, nabagok ata yung utak ko at bigla kong naisip na gamitin ang boses ko para makatulong sa iba. I wanted to become a lawyer too. Hindi gano'n kadali kasi may kailangan na akong pantayan sa ganitong larangan. My other cousins, my aunts and uncles. But everything is a process, nakayanan ko naman na magsalita sa harap ng tao nang hindi nauutal.

I focused on my public speaking skills when I was in 11th grade. I improved a lot pero kapag nakababa na ako ng stage, doon ko mas lalong nararamdaman ang kaba at hiya. Nagrereplay sa utak ko ang mga nagawa ko sa stage at tinatanong ko ang sarili kung may nagawa ba akong nakakahiya.

People told me na magaling daw ako. That I'm almost close to perfection kasi maganda na nga, matalino pa. Pero hindi naman ito naging gano'n kadali para sa akin, overcoming my fear was never that easy. I just wanted to prove to myself that I'm more than just a pretty face, like what people think about me.

Gusto kong iparamdam na may substance ako, at hindi boring ang personality ko. Kaya lang, minsan, naiisip kong tama sila. . .

Binalik ko ang aking atensiyon sa pagsusulat ng notes habang nagsasalita yung guro namin. Kaya lang ay hindi ko maiwasang hindi lingunin si Cali sa likod, nakikisit-in. 'Yan kasi ang punishment sa mga late pumasok.

Hindi ko nga maintindihan yung batang 'yan kasi dati pa naman siyang nagrerebelde pero never naman siyang naging late. Ayaw niya kasing magtagal sa bahay nila kaya palaging maagang umaalis. Pero nitong nga nakaraang araw ay napapadalas na ang pagsisit-in niya sa ibang mga grade level.

Napailing na lang ako nang pinakuha kami ng papel para sa isang surprise quiz. Pinasali pa ng guro namin si Cali sa quiz kahit na grade 8 pa lamang ito.

It's just five items but identification. Alam ko naman ang mga sagot dahil malaking tulong din talaga ang pagsusulat ng notes. I wanted to give Cali some of the answers. Kapag mataas kasi ang score niya ay pwedeng mabawasan ang oras ng pagsisit-in niya rito.

Lumingon ako kay Cali when the teacher asked us to exchange our papers with our seatmates. Yung nagcheck sa papel ni Cali ay yung malapit sa kanya do'n sa likod. Mukha namang wala siyang pake kaya nabawasan yung pag-aalala ko.

When I got my paper back, nakahinga ako nang maluwag nang makitang perfect ito. I immediately got satisfied with that. 

I glanced at Cali at nahagip ko agad ang kanyang paningin. I asked her about her score, she gestured 'one' using her finger. Buong akala ko ay one ang score niya, 'yon pala ay one mistake! Imposible namang nangopya siya kasi wala naman siyang makokopyahan sa likod.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now