Film 25

8 0 0
                                    

Paige Maree's

I groaned in frustration as I stared at my GCash balance. Nakakainis lahat. Hindi ba uso sa mga tao rito ang concept of consent? Akala ba nila natutuwa ako sa mga love chain at wedding booth na 'yan? Hindi nakakatuwa yung mga trip nila. Other people would take this opportunity as an ego booster but for me, this is really disrespectful. Hindi man lang ako nakatanggap ng sorry.

"Pupunta ka pa sa program mamaya o uuwi ka na?" Alissa asked.

Nandito kami ngayon sa storage area. Paubos na yung paninda ng booth kaya maluwag na dito sa storage area. Pwede nang tumambay. Dito ako nagtatago baka sakaling hindi pa tapos yung pantitrip nila sa akin.

"Sayang yung ticket ko pero wala na akong energy na manood," I said.

Si Alissa at Kylie ang kasama ko buong gabi. Hindi naman ako nagsisi na hindi ako umuwi nang maaga kasi nag-enjoy ako sa pakikinig sa mga banda. Lahat ng mga estudyante ay nagkumpulan sa gitna ng gym. Sumusunod lang ako kina Alissa at Kylie. Madilim dito sa loob, neon lights made my eyes throb. I squinted everytime the lights' direction would turn to us.

Nakapwesto na kami sa harapan. Napakapit ako sa barricades do'n dahil kaunting galaw lang ay matutumba na ako. Other students were resisting each other para makapwesto rin sa harapan. Kung ako lang, okay na sa akin na do'n lang sa bleachers dahil rinig pa rin naman do'n ang tugtog. Kaya lang ay gusto ni Kylie dito sa harapan kaya wala kaming choice ni Alissa kundi ang sumunod sa gusto ni Kylie.

Kylie's force was enough to shove people in front of her kaya kami nandito. Wala akong ibang ginawa kundi magsorry sa mga nagbibigay ng masamang tingin kay Kylie kapag ginagawa niya 'yon pero parang wala naman siyang pake.

Nagsimula nang tumugtog ang naunang banda. Nabigyang buhay ang buong gym dahil sa gandang maghost ng emcee. She really managed to get everyone's attention.

"Ano ba! Ang tangkad tangkad pero nasa harapan!"

Nawala ang excitement ko dahil sa narinig. Alam kong ako ang pinariringgan. Instantly, I could feel my stomach churn and a bile forming.  Gusto kong lumingon para makipagpalit ng pwesto sa kanya.

My height is above the Filipina's average height. Hindi ko naman ma-deny na matangkad ako lalo na't wala namang hindi matangkad sa lahi namin.

Sinubukan kong yumuko para hindi na nila ako pag-usapan pero naririnig ko pa rin ang pahapyaw nilang reklamo.

"Hindi ba't marunong kang magdrums?" Alissa asked. I know that she's just trying to divert my attention. Si Kylie naman ay sa tingin ko hindi niya napansin ang pag-aalburuto ng kung sino mang nasa likod namin.

I nodded. I learned different instruments. I was enrolled on different summer classes when I was young. Hindi naman ako maka-hindi kasi 'yon ang bilin ni Mommy kay Lala. I tried piano lessons, violin lessons, drums, bass or acoustic guitar... name it. Nasubukan ko rin ang ballet class pero kaagad kong sinukuan.

Ballet class means being around other  kids my age. Pero bata pa lang ako ay wala na akong kakayahang makihalubilo kaya hindi ko nakayanan. Ang mga lessons ko naman sa instruments ay ako lang mag-isa at pumupunta yung instructor sa bahay namin.

I remember begging my Lala to not let me perform for a recital. Hindi ko naman kasi alam na yung drum lessons ko ay parte ng isang summer class ng isang organization. The tickets for that recital was cheap but it was for a fund raising kaya maraming tao. Lala didn't get why I don't want to perform kaya pinilit niya ako.

I was on 6th grade that time. I performed. Of course I was nervous pero it's all in my memories now. That was the last summer lessons I had.

"You still play?" Alissa asked again.

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon