Film 07

14 1 0
                                    

Film 07

Paige Maree's

Tulala ako sa pisara habang nagsasalita ang aming guro. Mag-eelect ng officers ngayon but I'm not into that naman kaya I'll just go with the flow.

I'm familiar with most of the people here naman and I probably know who to vote. Ilang taon ko nang nakasama ang iba rito at alam ko kung sino ang responsable at sino ang hindi lalo na sa tuwing nagkakaroon ng groupworks.

Alam ko na nga kung sino ang mananalo bilang class president. Si Kyra. Simula grade 7 siya na yung president ng class. Palagi rin kaming classmates at alam ko namang responsable siya. Sinusunod rin siya ng mga kaklase ko kaya okay lang.

Our teacher instructed us to get some paper. Doon daw namin isusulat yung pangalan ng kaklaseng iboboto namin sa each positions.

"Wait lang Miss!" Red said when our adviser asked kung may papel na ba ang lahat.

"May extra papel ka?" I heard him ask almost everyone in the classroom.

"Ano ba 'yan, Red. First week pa lang, wala ka nang papel!" his friend teased him.

"Ang judger mo naman! Hindi mo man lang tinanong kung naiwan ko ba o kung wala akong pambili!" sagot naman sa kanya ni Red.

"Si Paige oh!" Karlos said when he saw my pad of paper.

Nilingon ako ni Red. I didn't know why but the entire classroom teased us and I found myself in an awkward situation. Why would they tease us? Nanghihingi lang naman ng papel.

I didn't say anything and just gave him a whole piece of paper instead. Hinati hati naman yung papel into 8 para do'n isusulat yung name ng iboboto since 8 positions lang yung open.

As expected, si Kyra nga ang nanalo. Pumunta siya sa harapan and she was now the one initiating the election.

For the position of vice president, Yeshka was nominated. Akala ko nga ico-close na nila agad kahit walang kalaban kasi si Yeshka naman yung secretary namin last year. Kaya lang ay nagsalita si Karlos.

"Miss, I nominate Red Vallejo!" Karlos bursted into laughter afterwards. Halatang pinagkakatuwaan lang ang election na nagaganap.

Yung katabi ko naman ay halatang badtrip sa ginawa ng kaibigan. I voted for Yeshka kasi alam kong nagagawa niya nang tama ang gawain niya. She's up for the responsibility. Yung isa naman ay kasisimula pa nga lang ng school year, wala nang papel na dala.

Ikinabigla ko pa ngang nanalo si Red. Majority of the class voted for him. Hindi kami magkaklase last year kaya hindi ko alam kung naging officer ba siya sa room nila o ano. Baka mali yung impression ko sa kanya.

Naging secretary si Alissa. It wasn't unexpected kasi Alissa can easily be in control of things. Siya lang rin ang nakakapagpatahimik sa kadaldalan ni Kylee.

Hindi na ako nagkaroon ng interes sa iba pang posisyon. Ibinoto ko nalang ang kung sino sa tingin ko ang magagampanan nang maayos ang responsibilidad nila.

"I nominate Paige for the position of Business Manager," I snapped back to my senses when I heard my name. Kaagad kong tinignan nang masama si Kylee kahit na hindi niya ako nakikita dahil nasa likod niya ako.

"No, Miss! I won't accept!" I tried saying that loudly ngunit nalunod lang ang boses ko sa lakas ng boses ni Alissa when she closed the nomination at sa ingay ng classroom.

I was throwing daggers at Karlos when he seconded pero binigyan niya lang ako ng peace sign. 

Ano bang trip nila?

I just sighed and accepted defeat. Hindi naman masyadong mabigat ang mga ginagawa ng business manager. Or maybe mabigat nga pero kakayanin naman.

Ang bilis ng oras. Friday and Lola allowed me to be absent sa school. Ngayon kasi ang pakiusap ni Daddy na pumunta ako sa city kung saan sila ngayon ni Tita Maricel. They will have the engagement party later. Sa gabi pa naman 'yon pero hinayaan akong umabsent para makapagpahinga pa pagkatapos ng biyahe.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now