Film 24

10 0 0
                                    

Paige Maree's

Naghiwalay lang kami ni Red nang matapos kaming kunan ng mga litrato yung last booth which is yung kabilang booth ng batch namin.

Kung ano-anong products ang nandito kaya hindi ko alam kung anong itatawag. Sari-sari siguro?

Umupo na ako sa pwesto para magsimulang magbantay. Mabuti nga at wala nang masyadong tao rito dahil halos lahat ay pumasok sa gym para panoorin yung presentation ng mga elementary students.

Hindi naman ako nagkaroon ng interes na manood kaya mabuti nang ngayon ang shift ko dito.

Tahimik lang akong nakaupo at naghihintay kung sino man ang bibili. Alissa and Kylee are bickering beside me, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Si Gry yung kasama ko ditong nagbabantay pero maswerte ata kami dahil wala talagang tao. Wala namang mawawala sa amin kung walang kikitain yung booth namin. Secured na yung grade if nagampanan mo role mo.

Yung nasa broadcast booth yung kawawa kasi marami talagang nagpapa-dedicate.

A group of friend went near our booth. Inisa-isa nilang tinignan ang paninda namin. Nakakarinig ako ng hagikhikan nila. I was just observing them as they were choosing what to buy.

Gry was the one who entertained them. Hindi naman kasi talaga ako mahilig magsalita pero madali akong sumunod sa mga utos.

They ordered siomai. Natakam ako pero mas nagiging weight conscious na ako ngayon. I am now careful with my food intake. Isa pa, busog pa naman ako.

"Paige, pakuha nalang yung lemon sa likod. Please," Gry asked me to. Kaagad akong tumayo at pumunta sa likod kung saan nakalagay ang mga stock.

Kumuha ako ng isang balot ng lemon para sa siomai. Nasa table naman namin yung kutsilyo. Nang maibigay na yung order nila ay sinimulan ko nang hiwain yung ibang lemon para hindi na kami mahirapan mamaya.

"Crush 'yon ng kapatid ko," I heard one of them say as they were leaving. Napatingin ako sa katabi ko na si Gry. Si Gry ba crush ng kapatid niya?

The program ended and many people started to flock our booth. Hindi ako ang nag-eentertain sa mga customer pero ako ang naghahanda sa mga orders nila. Mabuti naman at gumana ang naging parang game plan namin ni Gry para hindi kami mahirapan gaya ngayon kung kailan dumami na ang customers.

"Hala, ubos na yung gulaman." Gry said as she was inspecting our products. Pumunta ako sa likod para tignan kung may stocks pa ba pero wala na.

"Ubos na. Wala nang pang refill," I said at nagpatuloy sa paglalagay ng siomai sa steamer.

Habang hinihintay maluto ang siomai ay inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos sa ibang paninda. Bukod kasi sa mga pagkain ay may display rin kaming ibang produkto. May self-made ribbon clips nga dito at ito yung pinagkakaabalahan ko ngayon. Cute kasi.

Gusto ko sanang bilhin kaya lang ay hindi ako nakapagpaconvert ng pera into chits.

I glanced at my wristwatch to see kung anong oras na. 4:30 ako matatapos rito at 3:57 pa lang. Umalis si Alissa at Kylee kaya humingi nalang ako ng pabor na ipaconvert nila sa 'bank' yung pera ko.

"Anong oras ka uuwi?" Gry asked me.

"Hindi ko alam eh. Manonood pa siguro kami ng program nila mamayang gabi," I shrugged.

May program for a cause kasi mamayang gabi. Yung ticket na binili ko, nando'n kay Red. Mapupunta naman sa greater cause yung kikitain nila sa ticket.

"Ate, may pera ka?" nabigla ako nang biglang sumulpot si Cali. I looked at her outfit at sigurado akong hindi siya sumusunod sa dress code.

Law of AttractionМесто, где живут истории. Откройте их для себя