Film 17

3 0 0
                                    

Paige Maree's

"But we're still in a no-label relationship,' he was waiting for me to clarify.

"Yes. I'm still not ready for a girlfriend-boyfriend commitment." I said. Tumango naman siya sa'kin.

"Okay," he replied before gesturing me to give my bag back to him. Umiling ako sa kanya.

"I have two hands for a reason," I said bago nagsimulang maglakad.

"Dalawa rin kamay ko, Paige. Isa para sa bag ko, isa para pagsilbihan ka." he said. Umiling lang ulit ako sa kanya.

Kinuha niya ang oportunidan na kunin ang paper bag na dala ko, yung binigay niya sa'kin.

"Thank you nga pala," I said.

"Thank you for what?" tanong niya, naguguluhan.

"Sa ano... yung sa desk," I said. Nag-isip pa siya kung ano 'yun.

"Ovaltine, KitKat." I said.

"Ah, wala 'yon. Pa'no mo nalaman?" he asked.

"Kilala ko writing mo," I said.

Papalapit na kami sa building namin. Medyo marami na ring mga estudyante ang dumarating. Kada hakbang namin, may binabati o may bumabati kay Red. Kilala niya ata halos lahat na nasa High School Department eh.

Inakbayan ako ni Red at inilipat sa kabilang side habang naglalakad kami. Palagi kasi akong nababanggaan ng ibang mga estudyante na papunta sa classroom nila kaya nilipat ako ni Red sa right side.

Pagdating namin sa classroom, marami ng tao do'n. Kahit sina Alissa at Kylie nando'n kina Karlos, nakikichismis ata.

Kumunot ang noo ko nang makitang may mga gamit na naman sa upuan ko.

"Sa'yo ba galing 'yan?" I asked Red. He also looked confused.

"Uy, sabay silang pumasok. Bakit kaya?" parinig ni Kylie. Kaagad naman silang nag high five ni Karlos. Mga sira.

"Kanino galing 'to?" inignora ko ang pang-aasar nila.

"Baka kay Red?" Kylie said.

"Hindi akin galing 'yan," Red replied. Nasira ata mood.

"Aba, bilis maka-deny." Alissa said.

"Hindi naman kasi talaga sa'kin galing," sagot naman ni Red.

"Basahin mo nga yung nakalagay, Paige." Karlos said.

Lumapit ako sa upuan ko at tinignan ang ilang box ng chocolates at isang piraso rose. I immediately crunched my nose at the sight of raisins and almonds sa chocolate. It ruins the taste.

"Hindi nga sa kanya galing," I said.

I really appreciate the gesture pero nasasayang lang kasi. I need to talk to whoever gave me this. Malakas ang kutob kong si Bautista yung nagbigay nito pero kailangan ko ng kumpirmasyon bago ko siya kakausapin.

Kinuha ko yung nakadikit na sulat do'n. Nakalagay yung pangalan no'ng Bautista kaya sigurado akong siya talaga. I feel bad turning people down. Nahihirapan rin akong humanap ng tyempo na kausapin siya. Hirap rin akong kumausap ng tao. Sana tinanong niya muna ako kung okay lang ba yung ganito. It might make things a little less awkward.

Red handed me the paper bag pagkatapos ay umupo na siya sa upuan niya. Niligpit ko na yung chocolates at umupo na rin. Kakausapin ko nalang siguro yung Bautista mamaya.

"Saan ka maglu-lunch?" I asked Red when the buzzer went out.

"Uuwi ata ako, may kasabay ka naman kumain 'no?" pagsisigurado niya. Tumango ako.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now