Film 32

11 0 0
                                    

Trigger Warning: ED 

Paige Maree's

I ran towards the bathroom as soon as I arrived home. I was just acting as if I was okay earlier. But deep inside me was all chaos... and the thought that I may gain another weight from what I ate the whole day kills me. I tried to let out all I ate. I felt like the world was spinning as I was trying to vomit. 

Napaupo ako sa sahig ng bathroom ko. I didn't mind my uniform getting wet. I was panting hard, naipikit ko ang aking mga mata habang pilit na pinapakalma ang sarili. Nang unti-unti kong naramdaman ang bahagyang pagkawala ng pagkahilo ko ay pinunasan ko ang gilid ng aking bibig.

These past few days, hindi ko na maatim na tignan ang sarili ko sa salamin. I hated the way I look. Kung titingin man ako sa salamin ay hindi ko maiwasang punahin ang lahat ng makita kong 'di kaaya-aya sa aking mukha. I don't like the marks some of my pimples left, the shape of my face, and how I got dark spots or hyperpigmentations. 

I hate it when people tell people that it's normal. Kasi hindi mo dapat sinasabing normal lang 'yan kung totoong normal lang. You don't need to remind people that it's normal kasi hindi dapat siya napapansin ng iba in the first place if it's normal. 

Siguro nga, normal talaga. Sadyang mayroon lang pagkakaiba sa pag-iisip ng mga tao. And I hate that I think differently of myself.

Napasandal ako sa pader habang hinihintay na maging maayos ang pakiramdam ko. Kaya lang ay bigla akong nakarinig ng mga nagsisigawan sa baba. Kahit na medyo nahihilo pa ako ay dali-dali akong lumabas sa kwarto para silipin kung ano mang nangyayari sa tanggapan ng aming bahay. 

I saw Kuya Jiyo standing there. Mayroon siyang pasa sa gilid ng kanyang bibig. My mouth went agape at how crucial the scene was. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Lala, hinihiling na sana ay mahimbing ang pahinga niya at sana hindi niya naririnig ang kaguluhan. Tito was panting really hard. Kitang-kita sa mukha niya ang galit at ramdam ko ito kahit na nandito ako sa hagdanan ng second floor, nakasilip lang sa kanila. Pakiramdam ko rin ay puputok na ang ugat niya sa noo sa sobrang galit niya. 

Jea and Cali aren't here. Wala akong mapagbuntungan ng kaba. Kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari. I didn't know what Kuya Jiyo did. But I know, at this moment, Tito has already reached his limit. 

"Kinuha mo ang mga dokumento sa opisina ko, Jiyo. Ano na naman bang pumasok sa kokote mo? How long will you let that girl manipulate you?!" Tito was trying so hard not to burst. But the way he said those were out of spite. Mahina pero ramdam na ramdam mo ang galit. If I were on Kuya Jiyo's position, I would've started crying already. 

Umalis agad si Tito bitbit ang isang brown envelope. Sa tingin ko ay 'yon ang mga papeles na kinuha ni Kuya Jiyo mula sa opisina ni Tito. I don't know what Kuya Jiyo's reasons are pero sa obserbasyon ko ngayon ay talagang mali naman talaga ang ginawa ni Kuya Jiyo lalo na't hindi siya nagpaalam. It could ruin Tito's reputation or endanger our lives. Hindi naman kasi biro ang mga kasong hinahawakan ni Tito. 

Paano kung ang dokumentong ito ay maaaring gamitin para i-blackmail ang pamilya namin? Paano kung mapunta ito sa masamang mga kamay.

Bumalik ako sa kwarto ko at isinawalang-bahala ang nangyari kanina. Si Tita Fe lang naman kasi ang mayroong lakas ng loob na lumapit kay Kuya Jiyo matapos ang mga gano'ng sitwasyon. Maluwag din ang loob kong isipin na mapapakalma ni Tita Fe si Kuya Jiyo.

Tita Fe may not be as expresseive as my other Titos and Titas but I can feel that she sees us as her own. Lalong-lalo na kami ni Kuya Jiyo na palagi niyang nakakasama rito sa mansyon.

I took a half-bath first before I decided to take a nap. Pagod ako sa buong araw kong iginugol sa paaralan. I still have a lot of pending tasks but rest matters to me. I can't function well lalo na kung kulang ang tulog ko, o kung masama ang pakiramdam ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Law of AttractionWhere stories live. Discover now