Film 14

3 0 0
                                    

Paige Maree's

I cringed after sending that. What the hell is wrong with me. Really?! I sent that with the ':(' emoticon? I am really starting to feel disgusted with myself.

Nawala lang ako sa pag-iisip tungkol do'n nang may narinig akong mga ingay sa baba. Sumilip ako galing sa staircase at nakita kong kadarating lang ni Lala at Tita.

Lumapit kaagad ako para mag-mano sa kanilang dalawa. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa kwarto at hinintay nalang ang tawag ng aming katulong if may dinner na.

Kinakabahan ako when I decided to check my phone. Kaagad akong nakasimangot nang makita kong walang kahit anong notification akong natanggap. He's not yet online since the check mark isn't shaded yet.

I wanted to divert my attention kaya instead of sulking about something na kasalanan ko naman, I just decided to do a body workout. Kinuha ko ang iPad ko because my phone was charging and I'm too lazy to open my laptop.

Tumingin ako sa YouTube ng mga K-pop dance workout videos kasi wala ako sa mood na gumawa ng intense workouts ngayon. After how many minutes or almost an hour, nakaramdam na ako nang matinding pagod kaya itinigil ko na.

Nagpahinga muna ako saglit bago ako naligo. Sana nagworkout muna ako bago ako nag half-bath kanina edi hindi sana ako nagsasayang ng tubig ngayon. Hindi ko muna sinilip ang cellphone ko dahil kinakabahan ako sa makikita ko do'n.

Hindi ko mapigilan ang mga buntong-hininga ko habang pinapatuyo ang buhok ko. I was staring at my phone the whole time, waiting for it to light up when a notification comes.

Malaki ba talaga kasalan ko?

Tinanggal ko sa pagkakasaksak yung hair dryer at kinuha ang cellphone. Sakto namang pagkabukas ko ng messenger ay siyang pag-seen ni Red.

Two minutes have passed and he still left it on seen. Hindi ko man lang nakitang nagta-type siya. Medyo nakakaramdam ako ng inis pero kasalanan ko naman. I need to lower my ego sometimes.

Paige Maree:
I'm sorry :(

Paige Maree:
Look, I know I've done worse but is it okay to leave me on seen?!

Hey!

Sorry na :(

I'm sorry, I was having a hard time lately.

Ugh, I don't wanna give excuses... I'm just... sorry.

Red...

Roman Edrick!

Vallejo, wassup

You know what? Fine, sige! 'Wag na tayo mag-usap!

Inis kong nilagay ang cellphone ko sa study table at kaagad bumaba. I was shocked to see na halos buong angkan ata namin nasa sala.

"Anong meron?" I asked Jea. She's the most approachable one.

"Gusto ata nilang makasama si Lala, na-trauma ata sa mga pangyayari. Ate, halos atakehin rin si Daddy when he heard what happened," Jea replied. Tumango lang ako at sumama na sa kanya papunta sa kusina.

Nando'n si Claire sa sala kaya as much as possible, we're trying to avoid her... and her tantrums. Nagpaiwan si Cali do'n sa sala with the Kuyas. Cali can handle Claire naman. She's really feisty talaga.

Tumulong kami ni Jea sa paghahanda sa mesa. Pagbalik namin sa sala ay mayroong pinagkakaguluhan yung mga pinsan namin.

"Paige, halika nga!" Ate Mayi said.

Ate Dayana was just smiling. Siya yung pinapalibutan ng mga pinsan ko ngayon. I heard she's pregnant. Mayroon siyang hawak na photobook sa kanyang lap.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now