Film 23

10 0 0
                                    

Paige Maree's

Padabog akong tumayo nang sa wakas ay nakawala na ako sa handcuff na 'yon. Kuya Jiyo paid for it when he noticed that I was beyond furious with him. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. I don't know what his reasons are pero kung gusto nilang pagtripan si Red, they should go with a harmless one kung saan walang nadadamay.

"Hand me the wallet," I gritted my teeth as I said those words to Justine. Justine ata ang pangalan niya dahil 'yon ang sinabi ni Kuya Jiyo kanina. Batchmate ata sila.

He was really enjoying this kahit nakita niya na na badtrip na talaga ako. He motioned to give me Red's wallet pero kaagad niya itong ipinataas. Akala niya siguro mage-effort akong kunin 'yon. I just gave him a blank stare.

If I'd attempt to get it, it means I'm giving him entertainment. Tinitigan ko lang siya habang nakataas ang kamay niyang may hawak ng wallet sa ere.

"Tss," inirapan ko siya when he gave up.

Tinignan ko ang relo ko para malaman kung anong oras na. It's already 2 PM pero mamaya pa naman ako kailangan pumunta sa booth.

"Gusto mo bang maglibot?" I asked Alissa nang maalala ko na sinamahan niya ako ngayon tapos kanina ay nsa booth siya. She didn't have that much time to go around the campus.

Kaya lang ay umiling siya sa akin.

"I'm tired. Tatambay nalang ako sa booth. Sama ka?" she asked me. Tama nga pala, events are not Alissa's cup of tea. Ang tanging nagpapasaya lang sa kanya sa tuwing may event ay ang fact na walang klase.

"Okay lang ba kung pupuntahan ko muna si Red?"

"Okay lang naman. Sigurado akong badtrip pa rin 'yon hanggang ngayon," she said.

We parted ways between the campus. Magkaibang daan kasi yung kailangan naming daanan. I sat on the benches first sa labas ng gym before I texted Red.

Paige Maree:
Sa'n ka? I'm outside the gym.

Mabuti na lang at walang tao rito. Ayokong tumatambay mag-isa sa mga lugar na palaging nadadaanan ng mga tao. It will always make me feel conscious of what I look like.

"Sayang yung ganda mo kung hindi mo nakikita yung sarili mo. Do you want to borrow my eyes?" may biglang nagsalita kaya nabigla ako.

"Sira ka talaga," sabi ko kay Red.

His DSLR camera is now on his neck. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon to check what he's wearing. 

He was wearing a maong pants. Sa pang itaas ay suot niya ang isang cream colored checkered flannel longsleeve. He didn't close the buttons kaya kita ang puting t-shirt niya na pang-ilalim.

Umupo siya sa tabi ko at kaagad sinalubong ng ilong ko ang bango niya. I don't know what his perfume is but this is what he regularly wears. Nasanay na ako sa bango nito at hindi ko akalaing hinahanap-hanap ko na rin ito.

Kinuha ko ang kamay ni Red. Akala niya siguro ay hahawakan ko ito pero nilagay ko doon ang wallet niya.

"Badtrip ka pa rin ba?" I asked him pero sa tingin ko ay nawala na ang pagkabadtrip niya. Hindi naman kasi 'to nagtatanim ng sama ng loob.

Red always see the good in things kaya halos lahat dito sa school ay kaibigan niya. He's a walking sunshine at kapag naglalakad kami nang magkasabay, I seemed like the gloomy cloud around him. Hindi naman nakabusangot ang mukha ko, pero hindi rin ako nakangiti. It's just my normal face. Pero marami namang nagsasabi na maamo ang mukha ko. It's just that the aura I emit says otherwise.

Law of AttractionWhere stories live. Discover now