CHAPTER 2

4.3K 81 7
                                    

NAAALALA ko pa no'n nang ma-realize kong grabe na sa akin ang sakit na dulot sa akin ng simpleng pagkagusto ko kay Qen. Tipong umabot sa puntong gumawa na lang ako ng lalaki sa imahinasyon ko. Hindi ko kasi magawang magkagusto sa iba. Kaya umisip ako ng paraan. Nag-isip ako ng isang tao. At doon ko nga nagawa si Sam.

Isa pang rason kung bakit ko siya nagawa ay para mabaling sa kanya ang pagmamahal ko kay Qen. Para kahit papano mabawasan yung sakit. Para kahit papano maramdaman kong sa larangan ng pag-ibig, may nagmamahal sa akin.

Sam... I named him Sam because it was inspired from the word 'handsome' dahil pansin kong mas gwapo ang features ni Qen sa aking imagination kaysa sa reality. Sam naman dahil kapag binigkas mo ang handsome, may mababanggit na Sam. And that's when I ended up naming him Sam.

And that's it. Hanggang pangalan lang ang ginawa ko sa kanya. I didn't do anything about looks—even his personality! Wala akong ginagalaw na ugali sa kanya kaya nga nakakapagtaka at naka create agad ako ng ugali niya. (Maski ang pagiging real talker niya hindi ko inisip sa kanya) Nagagawa ko ring makipag usap sa kanya sa utak ko. Kapag may problema ako, nagugulat na lang ako na kahit hindi ko siya nakikita, may nasasabi siya sa aking comeback na pwedeng ma I comfort sa akin. As for my dreams, hindi niya ako nabibisita ro'n kaya siguro hinangad kong makasama siya rito. Para maibaling ko sa kanya ang pagmamahal ko kay Qen.

Siguro kung may taong makaalam man ng pinag-iisip ko ngayon, tiyak sasabihin nila sa ako ng, "nababaliw ka ba?" O di kaya, "dami-daming pwedeng ipalit na tao sa mundo, tapos gagawa ka lang sa imagination mo?" Okay, maybe I'm crazy. Pero masisisi ba nila ako kung ang gusto ko lang naman ay umibig nang walang sakit? Masisisi ba nila ako kung gusto ko lang sumaya sa paraan na alam kong makakaya ko. Wala namang masama, 'di ba? At saka ika nga ng famous quote ng lahat, "happiness is a choice." Kaya choice ko 'to kasi dito ako sasaya. Dito ako sa alam kong safe ang sarili ko sa sakit at pagluha.

Mabuti na lang nandito na si Sam. Imbis na sabihan nila ako ng baliw ay baka mainggit sila dahil ang ginawa ko sa imagination ko ay nag-exist na sa aking reality. Ang kaso nga lang this time, hindi sila maniniwala na nakalabas siya from my imagination.

Pero napaisip ako: ngayong nandito na si Sam, what changes could happen in my life? Magiging masaya na ngang ba talaga ako?

"Sige, titigan mo lang siya at kalimutan mong nasa tabi mo ako," sabi ni Sam na nakapagbalik sa akin sa reality. Doon ko naalala na tinuro niya si Qen. Pero parang may mali...

Pinag pabalik-balik ko ang tingin kina Sam, Qen, at yung ka Officer ni Qen. Doon na nanglaki ang mata ko. Kailagan na namin tumakas! Magandang paraan na rin 'to para makalabas sa gulo kanina.

"Alis na tayo!" pabulong kong sigaw. Hinatak ko siya at nagpahatak naman siya. Nagmadali kaming umalis. Dahil sa pagmamadali, may nabunggo kami. Nahulog pa nga ang mga gamit nito. Naawa naman ako kaya pinulot ko ang mga libro nito. "Sorry! Nagmamadali ako, eh."

"Hindi. Ayos lang." Natigilan ako sa boses nito. Ito si...

Inangat ko ang tingin at parehas kaming nanlaki ang mata. Pero mukhang hindi siya sa presence ko nagulat. Kay Sam na nasa tabi ko. Hindi ito pwede! Baka akala niya si Qen 'tong kasama ko! Tapos baka... ewan!

"Q-Qen?"

Kumunot ang noo ni Sam. "Sino ka naman—"

Hindi na ako nag-salita at mabilis na tumakbo habang hatak-hatak si Sam bago pa siya may masabi na hindi dapat. Mabilis naming natahak na dalawa ang likod ng School. Hingal na hingal kaming nakapunta roon. Napagod ako ro'n, ah.

I inhaled. "Nakita ka ni Apple."

"Ano namang problema dun?"

"Baliw ka ba?! Si Apple yun! Yung girlfriend ni Qen! Paano na lang kung pag awayan nila ang pagkakakita niya sayo? At saka isa pa, nakakahiya!"

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now