CHAPTER 25

812 35 1
                                    

"SAM, kinakausap kita! Anong ibig mong sabihin na maglalaho at aalis ka?" Sam was still left shocked at my presence kaya siguro hindi pa rin siya makasagot. Ako naman ay walang pake kung nakanganga pa siya dahil naiiyak ako sa nalaman. Litong-lito ako. Ano ba talagang nangyayari na 'to? Ano 'tong nalaman ko? "Sam, ano ba, mag-salita ka nga!" napipikon kong saad.

Nung una ay nag-iwas siya ng tingin bago binaling ang mata sa lalaking kausap niya. Tumango lang ito sa kanya at sinasabing, "bahala ka na." Ayun lang at parang naglaho siyang parang bula. Sa muling pagkakataon ay bumaling na sa akin si Sam. "L-Laura..."

"'Wag mo ako tawag-tawagin sa pangalan ko at hindi iyon ang gusto kong malaman! Ano bang nangyayari? Ano ang ibig mong sabihin na aalis at... maglalaho ka? Ano 'to? Ano yun? I-Iiwan mo ba ako?"

Ang hinihiling ko na sana umiling siya ay naging taliwas ang nangyari. Malungkot siyang tumango. Tila hindi rin gusto ang rebelasyong sinasabi pero wala nang nagawa dahil nahuli ko na siya.

"L-Laura, listen. Hindi ko ginusto namaglaho at u-umalis ako. It's just that... you just came up as my m-mission."

"Mission?" takhang tanong ko. "Anong mission ang pinagsasasabi mo? I wished you from a shooting star! How come that I became your mission?"

Umiling siya. Sinasabing mali ang mga pahiwatig ko. "Yeah, you wished me from a shooting star but the star, it t-told me to be there for you in order for you to move on and be happy. Sinabi ng star na 'yon na misyon ko ang pasayahin ka at maka-move on kay Qen... at sa oras na matapos ako sa misyon ko, iiwan na kita," pagkasabi ay umiwas siya ng tingin.

Napailing-iling ako. Hindi matanggap ang mga paliwanag na sinasabi niya. Misyon? Misyon ako? Ibig sabihin ba nito... hindi niya ako totoong minahal dahil all this time, misyon lang ako sa kanya?

Nanghihina akong yumuko. "K-Kung misyon lang ako... ibig mo bang sabihin, hindi totoo ang pagmamahal na pinakita mo sa akin?"

"What are you saying? Of course I did loved you!"

"Pero ang sabi mo, misyon lang ako!"

"What I'm trying to tell you is that someone gave me a mission to make you happy! I didn't tell you about treating you as a mission!"

"But you told me that you'll be leaving me after you fulfill your mission! Ano, hindi pa ba pagturing ng misyon iyon sayo? Na ganoon na lang kadali sayo na iwan ako? Na parang hindi mo naiparamdam sa akin na mahal mo ako? Ganoon na lang ba, Sam?!"

"Of course not! I-It's just that... things happened. That I didn't...made myself stay with y-you. But believe me when I say I did loved you—"

Umiling ako. "H-Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ang sinasabi mo. After mo sabihing, "iiwan kita once na mapasaya kita" felt like a you just treated me as your mission. It felt like all this time, you just wanna get rid of me. Kasi sayo na mismo nanggaling na parang ganoon lang ako kadaling iwan para sayo. Kasi kung mahal mo talaga ako gagawa ka ng paraan, e! Gagawa ka ng paraan! Pero parang ginusto mo lang ang lahat ng ito."

"Laura, sinabi ko na sayo'ng hindi ko ginusto na umalis ako—"

"Kung ayaw mo nga, e, di bakit aalis ka ngayon?!" Natahimik siya. Ipinagpatuloy ko ang pag-sasalita: "Kung hindi mo talaga ginustong umalis bakit parang wala kang naging aksyon para hindi ka umalis? Bakit parang nag-ala "go with the flow" ang peg mo? Na bahala na kahit hindi ko malaman na aalis ka rito sa mundo. Na wala kang pake kung masasaktan ako sa pag-alis mo?!" My tears fell down my cheeks as I repeat the line in my head, "Pati pala yung mismong tao na alam kong kaya akong mahalin, tinuring lang pala akong misyon."

Nakakadurog ng puso. Para akong sinaksak sa sakit. Ang sakit lang kasi isipin na mismong tao na inaasahan mong hindi ka sasaktan kaya ka rin pa lang saktan. Na yung taong alam mong mamahalin ka nga, pero sa pagkakunwari lang pala. Ganoon ba ako kahirap mahalin? Ganon din ba ako kadaling saktan? Una, si Qen—pangalawa etong si Sam na minahal nga ako pero para sa misyon lang pala. Mahirap ba ako mahalin o sadyang malas lang ako sa larangan ng pag-ibig?

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now