CHAPTER 20

1K 38 4
                                    

“SAM! Sabing bitawan mo ako, e!”

Pilit kasi akong umaalis sa pagkakahawak sa akin ni Sam pero ayaw niya ako pakawalan. Pinipilit niya kasi akong maligo na kasi kanina pa ako nagsasabi na tinatamad akong pumasok. E siya naman ‘tong ayaw pumayag kasi raw hindi pwedeng hindi ako pumasok. Bakit, bawal ba? Bawal bang um-absent nang isang beses manlang?!

“Sam bitawan mo na ako! Hindi nga ako maliligo kaya hindi ako papasok!”

“No. Maliligo ka at papasok ka. And that’s my final decision.”

“Sam naman, e!”

“Stop, Laura. Your hardheadedness could make you late at school.”


“Ayaw ko nga kasi ‘di ba. Hindi ako papasok kahit ano pang pilit mo!”

Hinarap niya ako. “Ayaw mo talaga?”

Umiling ako. “Ayaw.”

“Okay.” Nagulat ako nang bigla ay binuhat niya akong parang bigas. Pambihirang Sam ‘to! Gawin daw ba akong parang hayop lang?!

“Sam, bitawan mo ako!” Pero hindi niya ako sinagot. Nag-dire-diretso siya papasok ng banyo habang nagpupumiglas ako. Wala ring epekto dahil para siyang bato na hindi manlang matablan sa panlalaban ko. Saka lang niya ako binaba nang makapasok sa banyo.

Teka ano ‘to, papaliguan niya ako?! Meaning ba makikita niya ang hubad kong katawan—

No! Not to this pervert!

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang binuksan ang shower. Nang nakadamit pa ako! At partida, naka-cold mode pa yung shower kaya lamig na lamig ako to the point na hindi na ako nakapagsalita! Kabwisit talaga!

“Sam—!” Ni-rub niya pa yung mukha ko gamit ang kamay niya kaya hindi ako nakapagsalita. Pagtapos ay masyadong mabilis ang pangyayari to the point na hindi ko nasundan ang pinaggagagawa niya. Kung paano niya ba ako nasabunan habang nakadamit, kung paano ako na-shampoo-han kahit nakatali. Basta lahat ng iyon hindi ko nasundan. Tanging nalaman ko na lang ay nakaupo na ako sa kama ko habang pinapunasan niya ako ng towel.

Kinuha niya ang uniform na nakasabit sa kung saan bago walang ano-anong itinapon sa mukha ko. Yes. Tinapon sa mukha ko! Ang sakit nga, e!

Bwisit talaga ‘to, e! Ibibigay na lang sa akin, patapon pa!

“Alam mo ikaw—” Bigla niya naman ngayon itinapon sa mukha ko ang towel! Anong meron sa mukha ko at iyon ang target niya ngayon?! Namumuro na ‘tong Sam na ‘to, ha!

“Punasan mo sarili mo sa ibang parte then after that, magbihis ka na.” Naglakad siya sa may pinto. He looked ate over his shoulder. “Lalabas na ako. Magbihis ka na agad kung ayaw mong ako mismo ang magbihis sa’yo.” Tapos ay bored niyang pinasadahan ng tingin ang buong anyo ko bago tumingin sa namumula kong mukha.

“Bastos! Lumabas ka na nga lang! Bwisit ka!” At bago ko pa maihagis sa kanya ang towel, nakalabas na siya. I groaned. Wala na, nakaligo na ako. Mukhang wala na akong choice kung hindi ay pumasok. Bwisit kasi talaga si Sam, e. Parang isang absent lang naman…

“Anong mukha ‘yan?” sabi niya pagkalabas ko. Hindi ko naman binago ang mukha at mas sinimangot pa ang mukha. Kainis kasi talaga. Ayaw ko nga kasing pumasok!

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now