CHAPTER 4

629 33 0
                                    

ONE THING that I really hate when morning comes is the fact that I need to get up for class. Yung puyat ka nga kakafigure out kung anong meron sa bracelet, and now the next day you need to wake up for class. Tama lang kaya na napagdesisyunan kong pumasok after all the things that had happened? Dapat pala sinabi ko na lang sa Papa ko na "Time out, di ko na po kaya." Nakakatamad pala talaga. Walang pinagbago nung nagsimula ako mag-highschool.

Nagmamaktol man, wala na akong magawa kung hindi ay bumangon at nakapikit na pumasok sa shower. Maybe this way, I could wake all my senses up at mawala na ang katamaran ko. Wala naman akong choice na pumasok tamarin man o hindi.

Pagkatapos ko mag-shower, I feel refreshed. Nothing beats more than the feeling of getting into shower first in the morning. Sa isang iglap din, nawala antok ko. Ayun nga lang, katamaran hindi mawawala. Obviously.

Pagkalabas ko ng shower ay nakita ko agad ang bracelet sa higaan ko. Unang pumasok sa isip ko ay mag-experiment uli tutal ay mahaba pa ang oras at hindi ako ma-le-late. So might as well take advantage of the free time.

Inobserba ko ang bracelet at tinignan ang mga naka-engraved na mga sulat. Ordinaryo lang naman siya, just like any normal "I love you bracelet" pero paano kaya nakapag-labas ng mga boses dito? At ano kaya ang narinig ko kagabi? Ang past? O ang nasa kasalukuyan?

E teka... paano ko nga ba ulit mapapatunog ito?

Pumindot amo nang pumindot, pero wala namang nangyayari. Paano nga ba uli ang ginawa ko kagabi? Kasi pag pinindot ito—ay, hindi. Kapag pinindot mo nang dalawang beses tapos pinindot mo yung symbols afterwards...kailangang pilipitin—

Wait, pilipitin?

I shook my head but was about to give up when voices suddenly heard again.

“Bagay kaya, Ate?”

“Of course! Bagay na bagay kaya sa'yo!”

“Pero kasi, Ate…parang medyo ano.”

“Parang ano?”

“I'm not that too comfortable with this thing…”

“Why? Because it shows some of your skin?” Silence filled the room, and then I heard Ate sighed on the record. “You know what, Laura? Sometimes show some skins. Mas okay kaya ang ganoon!”

“Pero I'm not comfortable with it, Ate… gusto mo bang habang naglalakad ako sa aisle, awkward ang smile ko? Saka sino ba ang Bride sa atin dalawa? Hindi ba at ako?”

Wait... aisle? Meaning...

“Sheesh, fine. Kung bakit ba naman kasi hindi ka nasanay na magsuot ng revealing.”

“Ate, you do know how much I'm not comfortable wearing those!”

“Ah, hindi comfortable? E bakit may nakita akong mini skirt sa bag mo, ha?”

“Wala lang iyon, Ate! Bigla lang nasama sa bili ko—”

“Ay sus, deny pa more! For sure ay kay Sam mo iyon gagamitin kapag kayong dalawa lang nasa bahay, 'no?,” taas-babang kilay na sabi ni Ate.

“Hala, hindi, Ate—”

“You don't have to be embarrassed, sis, you know? I'm your sister after all. Saka nalalapit na rin yung Honeymoon niyo, 'no? I could recommend a good posi—”

“Ate!”

She laughed. “Why? But it's true. I know a thing. Alam ko based sa google, heaven ang cow—”

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now