EPILOGUE

922 23 1
                                    

HOW MANY DAYS has it been? I lost count, I only wanted to focus myself on moving on from the death of Sam - alongside with ignoring Qen's persistence to "reconcile" with me. As much as possible ay hinahayaan ko siya at iniiwasan pa rin kahit na minsan ay nasa iisang room lang kami para iwasan ang isang iyon. I've done multiple strategies and one of those is to befriend one of my classmates para magkatotoo ang mga excuses ko sa kanya kapag gusto niya man ako makasama sa lunch o sabayan sa pag-uwi. I'm not naive and dense. I know what he's doing kaya nga gumagawa ako ng paraan para iwasan na siya for real this time by befriending some of my classmates. Nagtataka lang ako bakit ngayon ko lang 'to ginawa, pero mabuti yung ganto at na-shu-shoo ko iyon.

"Girls! There you are!" It was Emma from a distance before heading towards us. Isa-isa niya kaming bineso na until now ay hindi pa rin ako sanay pero sinasanay ko pa rin. "So, naisip ko lang, what if gawin natin yung project sa bahay namin mamaya? I mean I know na due pa yon next week pero mahirap pa rin kung ika-cram natin."

"Sipag, kala mo hindi kinram yung nakaraang Quiz," Sophia intervened. Binelatan lang siya ni Emma.

"Kaya nga gagawin na tonight para hindi na i-cram, 'di ba? Ewan ko sayo Sophia."

"Pwede naman sa akin, payag mga magulang ko pero sa bahay mo talaga, Emma? Baka hindi ako payagan kasi last time alam nila na sa bahay niyo nalaman na nag-inuman tayo mga anteh." It was Olivia this time.

"Then just send them proofs na hindi tayo nag-iinuman," Emma frowned. "Hindi kasi payag ang parents ko na mag-gala sa gabi, kaya wala tayong choice kundi sa bahay na lang namin. Saka it's not like mag-overnight tayo kaya I'm pretty sure papayagan ka, Olive." Napalingon sa akin si Emma. "What about you, Laura? Payag naman parents mo, 'di ba?"

"Oo, it's not a problem at all."

Emma shrieked. "It's settled, then! See you mamaya, girls! Gotta go na, susunduin kasi ni boyfie. Bye!" Kumaway kami sa kanya.

"Parang hindi ako naniniwala na walang magaganap na inuman mamaya," Sophia said and napailing na lang ako sa realization. Kahit ano pa man ay hindi ko rin itatry na uminom. They don't find it offensive kapag hindi ko tinatanggap ang inaalok nila na inumin sa akin nung once na nakasama ko silang nag-iinuman. They understood that I'm not into those kind of things what matters the most daw ay napapakopya ko sila sa ilang subject namin.

Bigla ay naalala ko si Arlyn. What happened to her na kaya? Saang school na siya ngayon? Nakakamiss tuloy ang bunganga ng babaeng iyon. Na pati ang panaginip ko nung na-coma ako ay malala ang pagiging lukaret nun. It maybe kind of weird hanging out with these kind of people kung saan different sa nakasama kong iisang friend noon pero tama lang na maging friends ang outgoing, at maraming tao para sila na palagi nakakasama ko imbis na si Qen na gusto akong kausapin or sabayan.

But... even though it may look like I'm "using" them, that would be too inappropriate to say—dahil for once, naranasan ko kung paano mapunta sa isang circle at kung gaano nagtutugma ang katagang, "the more, the merrier" habang kasama sila. Kaya ayoko rin masabi iyong term na iyon dahil tinuturing ko na rin silang kaibigan ngayon.

Nang matapos ang lahat ng klase at kasabay ko ang tatlo, nahagip ng aking paningin si Qen na parang tulala na maraming iniisip at lutang. Ipinagsawalang bahala ko na lamang siya at itinuon ang sarili sa mga kaibigan.

"Dumiretso na kaya tayo sa house namin para maaga-aga na rin tayo makauwi mamaya?"

"Pwede naman kaso hindi pa ako nagpapaalam sa parents ko."

"Come on! I'll just let Tita and Tito know about this so you don't need to go home to ask for their permission na."

Ilang urong-sulong pa ang nangyari nang mapagdesisyunan ng buong grupo na dumiretso na nga sa bahay ni Emma. This is actually the first time na makakapunta ako sa bahay niya, dahil palagi kaming nasa bahay ni Olive.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now