CHAPTER 22

777 29 6
                                    

"LAURA." I remained silent as I walk silently. Pauwi na kami sa bahay. Pero ang totoo, malapit-lapit na kami kaya binibilisan ko ang paglakad. Ngayon ko lang din kasi naramdaman ang pagod. Ma-bully ka ba naman nang tatlong beses, sinong hindi mapapagod?

"Laura, please, talk to me." nagbingi-ningihan ako. Pilit na hindi pinapansin ang tumatawag sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa nang hinawakan niya ako sa braso. I fake a flinched reaction as rub my hands altogether. "Hala, o my gosh, sino yun? May multo kaya dito? Huhu! Kinilabutan ako roon, ah." I faked a shivered reaction as I look at my surroundings. Andito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

I heard a grunt behind me. "Laura, stop the stupidity you are doing right now and talk to me. Please?"

"O my gosh? Konsensya ko ba yung naririnig ko? Grabe na talaga, ha! Hindi ko na kaya rito. Mamaya sundan pa ako nito hanggang sa bahay." paalis na sana ako nang pigilan niya ako.

"Laura!"

"Hala, nag-evolved yung multo! Napapagalaw na ako! O my gosh, sorry na! Tantanan mo na ako kung sino ka man, huhu." pinaharap niya ako pero ang tingin ko ay hindi sa mukha niya. Sa langit lang o baka sa ibang parte.

"Laura, look at me." but I didn't obliged. Still going on with the act. "Laura!"

"Tigilan mo na akong multo ka! Kung hindi i-papa hunting kita riyan!"

He groaned. "Laura, tumigil ka. Isa."

"La, la, la, la, la~ wala akong naririnig na boses ng multo."

"Dalawa, Laura. Dalawa. Pag umabot 'to ng tatlo malalagot ka na sa akin."

"Hmm? Saan ba kasi nanggagaling yung boses na yun? Nakakatakot na talaga, ha. Makaalis na nga." kaso hinigpitan niya lang ang kapit sa akin.

"Kapag hindi mo pa ako pinansin babalik ako kay Apple-"

Doon na ako bumaling sa kanya. Hinampas ko siya sa braso. "Sige, sa ganyan ka magaling, e! Sige na, umalis ka na! Bwisit na 'to. Pag bumalik ka pa roon, asahan mong wala ka nang babalikan na Girlfriend, ha! Break na tayo!"

He laughed. "Break? Sure ka na talaga riyan? Break na tayo?"

"Oo, break na tayo! Doon ka na sa Apple na yon! Ituloy niyo yung sinimulan niyo kaninang kalaswaan. Nabitin ka pa yata nung pagdating namin don, e. Oh, ano na? Balik na sa malanding iyon! Bwisit!"

"Pag bumalik ba ako sa kanya, magiging masaya ka?"

"Hindi lang masaya, kung hindi masayang-masaya!" I exhaled loudly. "Inis! Umalis ka na nga sa harap ko! Do'n ka na sa Apple mo, bwisit kang malandi ka."

"Okay, aalis na talaga ako." umakma siyang aalis kaya nahampas ko siya sa braso. "Aray!"

"Tignan mo 'tong bwisit na 'to... talagang aalis ka?! Oh, sige! Umalis ka na tutal bagay kayo kasi parehas naman kayong malandi!"

"Look, I was just kidding."

"Kidding ka diyan. Dun ka na sa Apple mo! Babalik ka nga dun, 'di ba?! Dali, alis na! Nakukunsumi lang ako sa pagmumukha mo."

"Eto?" tinuro niya ang mukha. I almost rolled my eyes dahil alam ko kung saan patungo ang usapang 'to. "Etong mukha kamong mas gwapo pa sa ibang lalaki lalo na kay Qen, nakukunsumi ka? Sigurado ka na diyan? Wala nang bawian?"

"Hindi lang sa mukha, kundi sa tao rin!" I frustratedly brushed my hair. "Pero kung usapang gwapo lang din naman pala, kay Qen na ako boto. Ayoko na sa lalaking sobrang gwapo sa sarili (kahit totoo naman talaga) pero may dugong kalandian. E anong meron kay Qen? Mabait siya at wala kang mapipintas sa kanya."

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now