CHAPTER 15

1K 35 10
                                    

BAKIT, Laura? Bakit? Hindi ko alam kung anong mali sayo kaya bakit ka nasasaktan?

Nakapako lang ang tingin ko sa harap. Hindi ko iyon mabawi kahit na ano pang sakit ang idinudulot niyon sa aking sistema. The ache was eating my whole system. Halos hindi na ako makapag-isip nang maayos dahil sa eksena sa aking harapan. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ganito? I already did the steps naman kaya bakit nasasaktan pa rin ako? Hindi kaya dahil nalabag ko ang number 4?

I really don't get it. Nagawa ko naman na ang lahat, ah?

Ano ba? Suway ko sa sarili. Umalis ka nang babaita ka! Walang mapapala iyang kakatitig mo sa kanila. Gugustuhin mo pa yatang maging live show ang ginagawa nila ngayon.

Tila ay nahimasmasan ako at patalikod na humakbang paalis. Nang matantiyang malayo na ako ay saka ako tumako nang mabilis. Mabilis na halos nadaig pa ang 1st Placer sa Running Competition. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nawalan ako ng tutunguhan. Parang nawalan ng daan patungo sa dapat na puntahan.

My mind is really in wild chaos right now. Gusto kong isipin ang at tantiyahin ang mga bagay-bagay.

Tingin ko ako rin ang may kasalanan ng lahat. Kasi kung hindi sa akin ay baka hindi na ako nasasaktan ngayon.

Sana napatunayan ko sa sariling kahit papano, nawala ang feelings ko sa kanya. Pero ano nga bang ginawa ko? Pinagbigayan ko ang pusong matagal nagnasang mapalapit dun sa tao. Pinagbigyan ang sariling mas mahulog ang loob dahil lang sa pag-suway ko kay Sam. Kung sana nakinig ako kay Sam, e, di sana, masaya na ako at may feelings sa kanya. Kaso hindi, e. Mas lumalim ang naramdaman ko sa kanya nung panahong pinagbigyan ko ang puso.

Nakakainis. Ni hindi ko manlang namalayang mas lumalim pala ang nararamdaman ko sa kanya. Kasalanan ko 'to, e. Kasalanan ko.

Habang tumatakbo ay lumalabo ang aking mata kaya siguro hindi ko na napagsino ang nakabangga ko. Hindi ko pa iyon makikilala kung hindi pa nagsalita.

"Laura?"

Napaangat ako ng tingin. "Sam?"

Kunot noo siyang nag-tanong. "What's up with you? Bakit ka tumatakbo?"

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala. Gusto k-ko na kasing umuwi kaya tumakbo ako."

"And you're expecting me to believe your lies?"

"A-Ano bang pinagsasasabi mo riyan?"

Umiling siya. "You're not a good liar."

Napabaling ako sa kanya. "H-Ha H-Hindi ako nagsisinungaling, ah!"

"You're stuttering and you keep on avoiding my gaze then sasabihin mong hindi ka nga nagsisinungaling?"

Matapang akong humarap sa kanya. "O, ayan! 'Di ba? Sabi sayo, hindi ako nagsisinungaling!" Tumawa pa ako. I thought I would get the satisfaction on his face but I saw his forehead knotted.

"Umiyak ka?"

Doon ako nagulat. Pasimple kong kinapa ang sarili. May luha nga!

"A-Anong iyak ka riyan? Wala lang 'yan! Napuwing lang ako."

He weep something on my face at ipinakita sa akin ang bakas ng luha. "Now, tell me you're a good liar." Napakagat ako ng labi at iniwas ang tingin sa kanya, pero hinawakan niya ang chin ko. "Tell me what's the problem."

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now