CHAPTER 7

1.5K 46 0
                                    

TELL ME I’M DREAMING.

Totoo ba? Totoo bang binanggit niya ang pangalan ko? Take note: buong pangalan ko pa. Totoo ba talaga ‘to? Kasi kung hindi, ayoko munang gumising. Gusto ko munang sulitin ang bagay na alam kong imposibleng mangyari sa reality. Namnamin ko muna ang saya nang banggitin ng kanyang boses ang pangalan ko.

Sana nga hindi na lang ako magising.

“You may now go, Ms. Quinto.” I was pulled out from my reverie. Oo nga pala, pina-excuse ako ni Qen. Bakit naman kaya? I can’t think of any reasons why he needs to excuse me.

Hindi kaya na realize niyang may gusto talaga siya sa akin?

Lihim na binatukan ko ang sarili. Nababaliw ka ba, Laura? Nakalimutan mo na ba agad na for the past few years hindi kayo nag-uusap? Kaya anong sinasabi mong magkakagusto agad siya sayo? Tsaka, heller, may GF siya! Gising, Laura! Gumising sa katotohanan na meron sa reality! Hindi panghabang buhay ay pwede kang managinip na lamang!

Napatango-tango ako bago tinahak ang landas papunta sa pinto. Sa bawat hakbang ay tila parang mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Sino ba namang hindi kikiligin? Kahit naman wala siyang kung anong intensyon sa akin ay kikiligin pa rin ako kung ako mismo ay pina excuse niya. First time ‘to, ‘no!

Hindi ko alam kung paanong nakarating ako nang matiwasay sa pwesto niya despite the fact na nanginginig ang buong sistema ko kada ilang inch papalapit sa kanya.

“B-Bakit mo ako pina-excuse?” Sana hindi niya nahalatang nanginginig ang boses ko. Kasi naman, sa sobrang first time siguro naming mag-usap ay para akong ewan na nanginginig.

“Tara,” tangi niyang saad saka tumalikod. Ewan ko ba kung anong meron sa akin nang marinig ang kanyang boses. Kulang na lang himatayin ako sa kilig dahil totoong nakikipag-usap siya sa akin! “Laura?” Doon na ako natauhan saka sumunod sa kanya. Pinagpatuloy niya naman ang paglalakad.

Saan kaya kami pupunta? At anong gagawin do’n? Bwisit talaga. Hindi ko kasi talaga alam kung anong meron at pinatawag niya ako. Ngayon naman, he’s leading me to somewhere. But where?! Para manlang may clue ako kung anong gagawin namin.

Namin.

As if something happened, thoughts starts to run inside my head. I instantly shove it away. Bwisit! Mukhang nahahawaan na akong mag isip tulad ni Arlyn! Bakit ba kasi niya sinabi yung kanina? E, di sana payapa yung isip ko ngayon at kinillig dahil kasama ko si Qen! Pero hindi, e. Talagang mamumula pa ako dahil sa kung ano anong nasa isip ko.

Buti na lang talaga hindi kaya ng tao malaman kung anong iniisip nung isang tao.

Nang napahinto si Qen ay siya namang balik ko sa reality. Nandito kami sa tapat ng… room ng SSG? I was about to ask when he opened the room. As expected, walang ni isnag tao rito dahil halos yata ng officer’s ay may klase. Pero teka… anong gagawin namin dito?

As if on cue, sumagot si Qen. “Gusto ko sanang ikaw ang mag-isip ng magiging costume ko para sa Halloween Contest.”

“A-Ako?” Paanong naging ako? Wala na bang iba?

Bakit, gusto mo ba iba?

Syempre, ayoko!

“Yes. Urgent na urgent na rin kasi kaya dito na kita mismo pinapunta. I want you to draw something na babagay sa akin na costume.”

Teka, teka, teka. Hindi ako makasunod. Ako? Ipag-do-drawing siya ng Costume niya for the Halloween Contest? How he can be so sure na magaling ako sa pag-do-drawing? Ni hindi nga ako nagsasasali ng Contest kasi ayoko, e!

“Nag-aalinlangan ka ba?” Saad niya na ikinabaling ko sa kanya. “Kung ayaw mo, ayos lang. Pwede pa naman akong mag-hanap ng iba—”

“No!” Maski ako ay nagulat sa lakas ng boses ko. “I-I mean… hindi. Ano, ayos lang sa akin. Nagtataka lang kasi ako kung paano mo nalaman na magaling ako amg-drawing?”

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now