EPILOGUE

1.3K 51 2
                                    

A/N: I’m so glad that we made it until the end, guys! Salamat sa pagsama sa paglalakbay ko bilang isang aspiring writer. Mananatili kayong magandang experience sa akin. Mami-miss ko sina Sam at Laura for sure. HHAHAHA. Mami-miss nga ba? basta yun lang. thanks talaga!

Total word count: 6,100+

+++

10 years later…

“OKAY. Bye! See you tomorrow, guys!” pamamaalam ko sa mga kaibigan ko sa trabaho.

“Bye!” segunda naman nila. “Happy Birthday uli, Ma’am!”

“Oo, sige. Thank you! Basta, ha. Kayo na muna bahala rito. Kailangan ko kasing maagang makauwi.”

“Oo naman, Ma’am! Kaya na namin ‘to.”

Sa huling pagkakataon ay kumaway ako para magpaalam. Pagkalabas ay wala sa sariling nilibot ko ang tingin sa harap ng aking Business. Akin talaga ‘to. Eto yung bagay na pinaghirapan ko for years at hanggang ngayon hindi ako makpaniwalang nakagawa ako ng ganito. I sighed. Nakakamangha ang dumaan na panahon. Parang hangin lang sa bilis kung paano ko napatayo at napalago ito.

Sumakay na ako sa aking kotse. I gave a glance at my watch. 6:30. May ilang minuto pa bago magsimula ang Dinner namin. Si Papa kasi mismo ang nag-aya sa akin na agahan ko raw ang uwi para sa Dinner naming magpapamilya ngayong Birthday ko. kinuha niya ring chance ‘to para magka-bond kaming pamliya dahil nga halos pagka-busy-han ko rin ang trabaho. Hindi ko rin naman magawang sisihin ang sarili ko dahil bukod sa mataas ang kita ng pera at na-e-enjoy ko ang ginagawa ay Fashion Designing is really my thing. Dito ako mas may passion gawin ang mga bagay na gusto ko nang kusa. Kaya ayun, medyo nawalan kami ng bond time nina Papa. kaya na rin siguro hindi na ako tumanggi. Miss ko na rin naman sila. Wala pa ring makaka-compare ‘pag pamilya na nga talaga ang pinag-uusapan.

Pagkarating sa bahay ay nagtaka ako nang maaninag ko sa labas na sobrang dilim sa loob. Masyado ba akong napaaga? Wala pa rin sila?

Ipinark ko ang kotse bago i-dial ang numero nina Papa, Kuya, at Ate. Ngunit ni isa man sa kanila ay walang sumasagot ng tawag ko. Mas lalo akong nagtaka. Dinial kong muli ang kanilang numero pero wala pa ring nag-pi-pick up para sagutin. Ano ba talagang nangyayari?

Kahit pa nagtataka ay tinungo ko pa rin ang bahay. Sinilip ko ang ang loob ng bahay sa bintana pero wala akong maaninag kahit ano. Tanging kadiliman lang ang nakikita ko sa loob. Tulog ba sila? Nasa itaas? E bakit kailangan maging sobrang dilim?

Pagpihit ng seradura ng pinto ay akala ko sasalubungin ako ng kadiliman pero ang hindi ko inaasahan ang biglaang pagbukas ng ilaw at pagputok ng isang confetti. “Happy Birthday, Laura!” hindi sina Papa, Kuya at Ate lang ang bumungad sa akin. Kundi maraming tao. Ang iba na pamilyar sa akin, at ang iba pa na hindi ko namamukhaan pa dahil nag-matured ang mukha ang nasa harap ko.

Napanganga ako sa gulat. Inilibot ko ng tingin ang buong bahay. Puno ng dekorasyon ang paligid at may nakasampay sa itaas na, “HAPPY 26TH BIRTHDAY, LAURA.” Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam na may pa-surpsrise sila ngayon sa akin. Hindi ko talaga ‘to inaasahan. Akala ko simpleng Dinner lang, yun pala may surprise na.

Nakangiting lumapit sa akin si Papa. “Happy Birthday, Princess.”

Yumakap ako sa kanya. “P-Papa, hindi mo naman sinabi na may pa-ganito. Sabi mo Dinner lang, e.”

“Kaya nga surprise, ‘di ba? Bawal sabihin,” natatawang saad niya.

Sunod namang lumapit sa akin si Kuya. “Happy Birthday, Baby Girl.”

“Kuya! 26 na nga ako, baby girl pa rin?” nakangiwing saad ko.

Ginulo niya ang buhok ko. “Tumanda ka man at magkaputi sa buhok mo, you will always be my Baby Girl.”

The Man Of My ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon