CHAPTER 3

2.5K 57 0
                                    

“CLAIRE, I told you, he’s just someone else. Hindi ko siya boyfriend!”

“Alam mo, Laura, hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa’yo, e. Nahuli ko kayo na ganun kalapit tapos sasabihin mo lang, hindi mo boyfriend?! Ayaw mo lang na isumbong kita riyan kay Tito, e.”

“Claire! Sinasabi ko sayo, masasapak kita pag nagkataon. Ano ba ang hindi mo maintindihan sa ‘hindi ko siya boyfriend’?! Sinasabi ko na nga ang totoo, ayaw pa maniwala.”

“Basta! Alam ko na Boyfriend mo siya at tinatago mo siya ngayon sa Papa mo,” nakangisi niyang saad.

“Bahala ka nga, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.” Paalis na ako sa Veranda nang hawakan niya ang braso ko. “Ano na naman?”

“Parang familiar yung mukha niya, e… saan ko nga ba uli siya nakita?”

“Sam? Well, kung in-introduce ko sayo ang crush kong si Qen no’n, kamukha niya—”

“Wait, wait, wait! You mean to tell me na ang boyfriend mo na ka-live in mo ngayon, crush mo? Aba, matinde! Prayer reveal naman kung paano maging kami ng crush ko.”

“Teka nga! Anong crush ko? Ang sinabi ko lang, kamukha niya. Wala akong sinasabi na yun talaga si Qen!”

“Sus. Ayaw mo lang sabihin sa akin kung paano mo siya napasayo.”

“Hindi nga kasi siya si Qen! Iba siya. Siya yung…ano, kaibigan ko. Oo, kaibigan ko na kailangan ko gawan ng project.”

“Project? So ano, project niyo ang magtitigan?”

“Claire! I swear, palalabasin kita ng bahay ko kapag pinagpatuloy mo pa ‘yan.”

“Bahay mo lang? Bahay din kaya ni Tito, ‘to!”

“E di palalabasin kita ng bahay namin!”

Binelatan niya ako. “Sige at isusumbong kita kay Tito.”

I groaned frustratedly. “Bwisit!” hinilot ko ang sentido. “Pinapasakit mo ang ulo ko. Ano ba kasing ginagawa mo rito at napadaan ka?”

“Yayayain sana kita mag-shopping kaso nga nakita ko kayo ng boyfriend mo kaya gusto ko na lang ngayon na asarin ka.”

“Aayain mag-shopping? You mean by spending your things using my money?”

“Oh, yeah! You got it right, Laura.” ngumisi siya. “Pero dahil nga mas interesting kayo ng boyfriend mo, aasarin na lang kita rito.”

I rubbed my face using my hand. Hindi ko na talaga kaya. “Layas.”

“Ano?”

“Sabi ko, layas at wag ka nang babalik sa bahay namin!”

“Makapag-palayas kala mo naman kaya akong palayasin!”

Sa sinabi niya ay hinawakan ko ang kanyang kwelyo at basta na lang siyang hinatak paalis. Nagsisigaw siya na parang ewan pero hindi ko iyon pinansin. Saka ko lang siya binitawan nang mabukas ko na ang pinto para itulak siya papunta ro’n.

“Bye! ‘Wag ka nang babalik, ha?” yun lang at sinara ko na ang pinto.

“Hoy, Laura Mae Quinto! Sinasabi ko sayo, makakarating ‘to kay Tito!” rinig kong sabi niya sa labas.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now