CHAPTER 12

1K 36 5
                                    

AYAW MAG SINK IN sa akin ng nakikita ng aking mga mata. This could just be someone else, right? Imposibleng dinala kami rito ng necklace ni Qen.

“Qen... why does it say Sam's name there? Namali ba tayo ng napuntahan?”

“I... actually don't know. It could be someone else's name. Hindi naman tayo ili-lead dito kung patay na si...”

“T-Then where is he kung... hindi siya ang narito?”

“Hindi ko alam, pwedeng niloloko lang din ako ng pinagbigyan ko ng necklace para ayusin ni Mama. Kung ganoon nga, kakailanganin ko pang ma-contact ang kanang kamay ni Mama kasi alam ko na in an instant, mabibigay niya ang necklace. Kaso matatagal pa kasi busy din sila, kaya pasensya na kung maghihintay ka ulit—”

“Okay lang, Qen. You don't have to worry if maiinip ako. Basta... gusto ko lang malaman kung... totoong hindi si Sam ang nandito sa puntod.”

“Thank you for understanding. I'll get back to you as soon as I can.”

IT WAS A PAINFUL week for me. I've been over thinking, preoccupied and been staring from afar since Qen and I last talked. Iniisip ko kung patay na ba talaga si Sam, at sumisikip na ang dibdib ko agad. Parang wala na sa akin kung magtagal man kami sa paghahanap sa kanya, huwag lang yung katotohanang siya nga ang naroon sa lapida. Di ko kaya.

Pero kung siya man ang... naroon... Paano nangyari iyon? Ano ang ikinamatay niya?

I shook my head to get off the thought. Ano ba itong pinag-iisip ko? Dapat positive lang na hindi pa talaga siya ang nasa puntod. Dapat positive ang iniisip ko katulad na lang ng sasabihin ni Qen sa akin na, "hindi si Sam ang nandoon, wag ka mag-alala. Alam ko na rin kung nasaan talaga siya" and things like that. Tama, positive lang. Wag magpapadala sa negative thoughts. Hindi siya yung nasa puntod. Hindi siya yung nasa puntod.

Ayun ang nasa isip ko lalo na nang mag-text na sa akin si Qen na kailangan daw naming magkita para pag-usapan ang nangyaring insidente nung nakaraan. Para akong kinakabahan, hindi ko mawari ang takbo ng utak sa halo-halong pumapasok sa isip ko. Mas angat ang kaba sa akin dahil pumapasok na naman ang negative thoughts pero pinipilit kong balewalain at isipin ang positive.

Qen:

Where are you? I'm here at the café na.

My heart raced as I read Qen's message a few minutes after ko magbihis. Anxiety gnawed at me, the uncertainty of what awaited me adding to the heaviness in my chest. Eto na. Eto na talaga. I replied, trying to mask my nervousness, “Otw.”

As I settled into the vehicle, an uneasy symphony of apprehension played in my mind. The engine's hum became a backdrop to the anxious dance of butterflies in my stomach. The road ahead felt like a journey into uncharted emotional territory, where the contours of our friendship might reshape, akin to the delicate unfurling of flower petals. Mas lalong kumalabog ang puso ko nang makarating sa Café na talaga. I pushed back all my negative thoughts and tried walking towards the Café. Ika nga sa kanta ni Beyoncé "inhale love and energy. Exhale doubt and negativity"

“Hey...” bati sa akin ni Qen at nagawa ko na lamang na tumango dahil sa sobrang kaba ko.

“So... um... let's order a drink first. What do yoy want to drink?”

“I'm not really into Coffee shops so I'm not really that familiar sa types of um...coffees, ganon?”

“It's fine, I understand. I'll go order na sa counter and get our drinks.” Before I could protest na ninenerbyos na nga ako at magkakape pa, nakaalis na siya. Napahampas na lang ako ng kamay sa noo. Bahala na nga. Hihintayin ko na lang siya.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now