CHAPTER 8

1.2K 45 0
                                    

MAAGA akong nagising dahil na rin sa tilaok ng manok. I yawned. Kaagad bumaling ang tingin ko sa aking tabi. Nandun si Sam. Nakatalikod sa akin. Hindi niya gawain ‘yan dati. Dati kasi nakaharap pa ‘yan sa akin at pwede ko pang yakapin. (Mahilig kasi akong yumakap sa isang bagay kapag natutulog. So, si Sam ang napagbubuntungan ko. Wala nga siyang reklamo, e) Ngayon kasi ay malayo na ang distansya nito sa akin. Nakatalikod pa.

Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko nga ba iyon ginawa kagabi? Hindi ko na mabilang. Sa tuwing naaalala ko kasi si Sam at ang ginawa ko kahapon ay wala akong magawa kung hindi bumuntong hininga like as if it can make me felt at ease. Pero hindi, e. Kahit siguro umabot pa sa isang milyon ang buntong hininga ko, kung hindi pa rin kami bati ni Sam, hindi pa rin gagaan ang pakiramdam ko.

I got off the bed to make breakfast. Dadaanin ko muna ngayon sa pagawa-gawa breakfast at hindi ko alam kung paano makukuhang muli ang loob ni Sam. Kahit pa na ako ang gumawa sa kanya, hindi ko pa rin alam ang totoong ugali niya. Kung sa pagiging masungit nga niya ay kinakagulat ko, paano pa kaya ang iba niyang side na hindi ko alam na nagawa ko sa kanya?

Dapat bang ginawan ko na siya noon ng ugali para kabisado ko siya? Hay.

I made scrambled egg and a toast tutal yun naman ang afford sa ngayon. Wala pa kasing pinapadala si Papa na pera so meaning ay tiis-tiis muna sa itlog at tinapay. Nag prepare na rin ako ng juice para manlang pampagana sa umaga. While preparing it, naalala kong ngayon nga pala ang napagkasunduan namin ni Qen na araw kaya naisipan ko nang mag drawing ngayon ng kung ano-ano para mamimili na lang siya pagdating doon.

Nang makarating sa kwarto ay naabutan kong mahimbing pa rin ang tulog ni Sam. Ang amo ng mukha. Kala mo hindi nagsusungit kapag gising, e.

Kinuha ko na ang materials na gagamitin ko sa pag-do-drawing. Habang naghahalungkat ng mga gamit doon sa pinaglalagyan ko, iniisip ko na kung ano ang dapat na costume ni Qen. Halloween ang theme so meaning ay dapat nakakatakot ang costume. Kaya rin siguro pina-drawing pa ako ni Qen is dahil kailangan unique ito. Hindi siya yung dapat na parang cliché costumes. So ano kaya ang pwede?

Patuloy lang ako sa paghalungkat ng kailangan kong materials nang may makapa ako sa pinakailalimang kung ano. Pinilit ko iyon itaas at nagulantang ako nang makitang pares iyon ng pakpak ng anghel.

May pakpak dito sa lalagyan ko ng pang drawing?

Ah, naalala ko na. Eto yung ginamit ko noong bata ako. Sa di inaasahang pangyayari ay nasama ako sa isang Contest kaya ayun, nagpabili ng di oras kay Mama ng Costume. Hindi naman siya nagalit at nasama ako ro’n. Support pa nga si Mama noon kahit pa na hindi ako nakasama sa Top 10.

Na-miss ko bigla tuloy si Mama.

Matagal ko pa iyon tinitigan at para bang isang lightbulb ang lumabas nang may maisip. Tama! Eto! Eto na kasagutan sa tanong ko na kung ano ang costume na gagawin ko kay Qen!

Kaagad kong kinuha ang sketchpad at nagmamadaling bumaba. Nagkaro’n na ako ng idea kung ano ang i-do-drawing kaya pagkalapag na pagkalapag ng lapis sa papel ay hindi na nilubayan ng pencil ang papel. Para bang may sariling buhay na ang kamay ko at ang mata ko na lamang ang tanging taga sunod ng ginagawa ng kamay ko. Ganoon lang ang naging sitwasyon. Ang kamay ko ang gumagawa ng hiwaga habang ako ay kumakain.

Nabitawan ko lang ang pencil nang matapos na. Inangat ko ang sketched drawing ko para maanggulo kung maayos ang pagkakagawa. Napangiti na lang ako dahil sa hanga kung gaano ako kagaling sa larangang ito.

I was pulled out from my reverie when I heard my message alert tone. Kinuha ko naman iyon at muntikan ko nang mabitawan ang cellphone nang makita ang mensahe.

From: 09XXXXXXXXX

Hey, Qen here. Hihintayin kita sa street na napag-usapan. Be there at exactly 9 AM. :''>

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now